Katapusan na naman ng buwan, minsan lang sa 4 na taon ang araw na ito, bukas panibagong buwan na naman at kagaya ng dati hindi tayo nawawalan ng mga plano kagaya ng mga gala at iba pang aktibidad sa mga susunod na buwan..
-Kelangan magpatingin na ako sa ospital para sa aking paa, para malaman kung ano ba talaga ito bakit masyado siyang sensitive at kaunting apak lang sa matulis na bagay eh parang pako sa sakit, kaya naman nung nag cave connection kami eh todo ingat ako sa paglalakad na siyang kinabagal ko
-Hinay-hinay muna sa mga running events habang nasa consultation/pre-medication period ang aking paa, and open naman ako sa ibang outdoor activities like gala mode and hiking
-Need to upgrade na rin ang hiking/running gears whichever kung anong mauuna na isipin, marami pa kasing gastos kaya hindi ako makagalaw nang maayos at hindi ko alam kelan ako makakapag-upgrade, good luck nalang sa akin
-Sa work naman, no comment at open parin ako sa mga "paths" na inihanda ko sa aking sarili, mahirap na at kelangang manigurado, hirap ng situation na ganito kaya kelangan merong work life balance para hindi ko muna maisip ang mga ganyang bagay, bahala na si Batman ika nga
-Lovelife? Hehe, ano iyon, so far ilang months or years na nga na single pero happy naman kahit papano at walang iniisip masyado pero syempre hindi naman maiiwasan na malungkot at magisip ng makakasama sa buhay pero naniniwala naman ako na darating rin ang right person for me kaya eto antay lang at enjoy life to the fullest
-Sa temper naman kahit papano, pinipilit kong magbago and somewhat may improvement naman kahit kaunti, dati rati kasi mabilis maginit ang aking ulo at maiksi lang talaga ang aking pasensya, ngayon hinay at kalma kalma mode muna at hindi ko nalang pinapansin masyado mga bagay na nakakapag agitate or provoke sa akin pero minsan hindi mo talaga maiiwasan na umiksi ang pisi at maging emosyonal, kaya medyo iwas muna sa mga taong nakakapag provoke sa akin ng ganito
-Biyahe? Hmm. Marami akong nasa isip na puntahan, libutin at syempre ang walang kamatayang picture-picture na yan, goal ko nga eh makapag solo backpacking kaya ngayon pag may time todo research ako sa mga places na pwede puntahan, wala lang parang self-fulfillment din kasi at character improvement kapag natuto kang maging independent, pero syempre mas masaya parin pag kasama ang mga kaibigan mo at ma share mo sa kanila ang fun at thrill sa new places na pinupuntahan..
Iyon nalang muna at nag-open lang ako ng mga iniisip ko at mga plano sa buhay, pagpasensyahan na ang grammar kung merong mali man o hindi kasi type ko lang mga ideas na pumapasok sa aking isipian, hanggang sa muli. Happy Leap Year!

0 Reaction(s) :: Leap, leap
Post a Comment