Post-Sagada/Ifugao sidetrip

Feb. 26, Sunday

Maagang nag-breakfast, sarap ng tulog ko at hindi raw ako nag-hilik sabi ng mga kasama ko, hmm, pagod naman ako the whole day, siguro satisfied lang sa adventure kaya at peace. Prep and pack things sa pag-alis namin for our sidetrip sa Banaue.

Thanks Tita Dolor and Tito Irenius for your warm hospitality and accomodation. Fell in love with Sagada twice and i'm very sure na babalik ako dito next year to continue the Great Sagada adventure, marami pa akong hindi napupuntahan na area and magiging panata ko na ito na once a year makapunta rito.

 and specially kay Kuya Inug-Ay Busaing na naginjg guide namin for our 2-day Sagada adventure trip, hindi magiging awesome at super memorable ito kung wala sa pagtyatyaga, patience at local information mula kay Inug-ay, recommended SEGA (Sagada Environmental Guides Association) guide, next year or pag merong pagkakataon, aasahan ko po na kayo pa rin ang aming guide.

I SURVIVED SAGADA!

Sagada-Bontoc trip at around 8am, nag-antay pa kasi ng ample amount of passengers bago umalis, then from Bontoc, nauto naman kami agad na sumakay sa Van imbes na sa bus na nasa itenerary namin, Php150 ang fare, pero habang nasa loob eh maraming aberya ang nangyari at muntik na kaming hindi makapunta sa Banaue dahil parang nagkaproblema sa makina. Pero buti nalang at nakarating rin kami by noon sa target spot.

After lunch, nag-arkila na kami ng tricycle para puntahan ang mga viewpoints around Ifugao and Chango viewpoint ang isa sa mga ito, sayang nga lang at tapos na ang planting season kaya medyo brownish na ang terraces. :(

Aguian viewpoint, kung saan ung terraces sa Php1000 peso bill natin

"Spearfight" with an Igorot native

part of Banaue Rice Terraces, sorry naman ito nalang ang nakita kong may tanim hehe!

Maganda siguro pag kakatanim palang ng rice dito.

One of the Wooden scooter na inimbento sa Ifugao

Yuqi, one of the Chinese nationals we encountered during our trip to Banaue, hanga ako sa kanya at 21, kahit walang alam sa Pinas eh nagpunta pa rin siya at solo-backpacking mode, kakainggit, magagawa ko rin yan pag nakumpleto ko na mga gamit ko.

Left Banaue at 7pm, puro imported ang katabi sa bus, pero may amoy sila at hindi pa naliligo kaya hirap huminga hehe, buti nalang at medyo nawala-wala nung pumasok na ang ibang mga natives.Arrived at Manila around 4am in the morning and arrived Home at 7am. Maraming Salamat sa pagdamay sa akin Roy, Roger and Jun. Sana na-enjoy nyo ang Sagada/Banaue adventure natin. 'Till next time.

6 Reaction(s) :: Post-Sagada/Ifugao sidetrip

  1. wow...first time ko navisit tong blog mo...pero astig...
    nakakamiss ang sagada..kelan ko kya siya mababalikan...
    oks lng ba exchange links tau...hehehe..

    here's mine:
    xplorerboyz.blogspot.com

  2. sure no problem, welcome sa blog, astig ka nga eh, marami ka nang napuntahan at ako eh newbie palang sa mga ganyan, salamat nga pala sa itenerary na binigay mo. sana makasama ako minsan sa mga lakad nyo. ^^;

  3. Hi, I am writing a CAR article on kristn, TV5′s lifestyle site. Would it be okay for me to use your photo of the Ifugao Scooters?

    If so, I will credit you/your site when the article is published. Thanks very much!

    Best, Jenette Vizcocho

    Some samples of previous work: Yoga Mountain Climb http://www.kristn.com/index.php/travel/article/1144/summer-must-do-go-on-a-yoga-mountain-climbing-expedition

    Surfing http://www.kristn.com/index.php/travel/article/87/best-surfing-destinations-in-the-philippines

    Mati, Davao Oriental http://www.kristn.com/index.php/travel/article/971/top-10-things-to-see-in-mati-davao-oriental

  4. Go ahead Ms. Jenette :)

  5. Thank you so much! :D

    http://www.kristn.com/index.php/travel/article/1328/top-7-summer-adventures-in-the-cordilleras#

    --> your scooter!

    Jenette Vizcocho

  6. np!