Mt. Daguldol hike (Day 1)

3:30 am - Wake up time! Supposedly 3am dapat ako magising,sana hindi ako ma-late
4:00 am - FX, Montalban to Batasan, buti nalang at right on time ang pagdaan
4:30 am - Jeep, Batasan to McDonalds Philcoa, medyo umaabon pa, sana lang hindi lumakas
4:45 am - Met Prince sa McDo sabay daan sa Mercury para bumili ng water at trail foods, LRT-Buendia ang route namin, nag-dalawang isip pa kung mag-Quezon Avenue ba then Monumento, napagpasyahan na mag-Cubao nalang daw, eh kaso dumaan rin naman sa Highway ang bus kaya umikot lang kami parang ewan lang.
5:30 am - Arrived at Monumento, kaunting lakad pa-LRT, dahil malaki ang bag ko, aba merong X-Ray, sosyal na ngayon ang LRT.
6:00 am - LRT Buendia to Gil Puyat (Buendia)


6:15 am - RRCG Bus, paalis palang ng 6am trip. Sayang at may WiFi pa naman.
6:30 am - Antay mga GreenLife Icon guys, si Sir Bing ang unang dumating
7:30 am - Departure from Buendia, special passenger pa si Eily dahil sa HyperMarket pinasadya pang antayin ng bus, hehe!
10:30 am - Arrival at San Juan, Batangas town proper
11:00 am - Jeep to Hugom, San Juan, Batangas, fair weather ahead!
11:30 am - Registration at Hugom Barangay Hall, lunch at nearest Carinderia, prep-up
11:45 am - Jump off!

Beautiful coastline of La Luz Beach resort as we passed by

Start of trek mode

Ingat at baka mabasa ang shoes, hehe!

pati aso nakiki-beach na rin sa sobrang init

start of the forest path

Sinet-up ko rin ang Endomonto sports tracker, hiking mode. Sana lang makaabot pa siya sa taas bago ma-drain yung battery. Ilang oras at stops din ang inakyat namin. Grabe ang trail na ito, ang haba ng assault at ilang area lang ang flat. Kaya pwersahan ang paa ko talaga kahit months palang ang theraphy ko sa plantar fasciitis. Hindi masyado mahangin kaya todo tagaktak rin ang pawis namin. At since maraming girls sa group at medyo tanghali na rin kaya bumagal kami at 5-mins ang pahinga.

Ilang oras din ang nilakad namin. At on my part, hindi matapos ang pagtulo ng pawis sa mukha ko, sobra pa ito sa trail run at ilang pounds kaya ang nawala sa akin matapos ang hike na ito. Si Sir Bing, grabe din ang pawis at pinigaan na rin niya ang damit niya sa steep ng trail. Nauna kaming tatlo nina Ed at Jim sa grupo at inaalala kasi namin na baka gabihin kami sa daan at mahirap na. Naka ilang daan rin kami sa mga locals na nagbebenta ng halo-halo. Sayang lang at hindi namin nakita si Mang Lizardo na pamoso sa mga website.

Nag refresh ng stock ng tubig at pahinga sa ilang waiting sheds at bahay. Ilang minuto pa at mga 5pm ng hapon. Finally matapos ang katakot-takot na paghihirap. Naakyat rin namin ang tuktok ng bundok Daguldol. Biglang upo agad kami sa sobrang hapo, habang pinapanood ang ibang mountaineers na nagsesetup na rin ng camp sa lugar na iyon.

summit at 5:30pm

Nag-scout muna kami sa ibang area at siksikan na rin kasi kami sa lower part ng summit. Walang tao pero malayo sa water source. Mga ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin sa summit ang iba naming mga kasama. Pinagdesisyunan na rin na dito nalang kami with other mountaineers mag setup para hindi malungkot dun at kami lang kasi dun sa bakanteng area.

tent mode, ahaha! sorry mali yung paglagay ng fly, unang binyag ng tent ko

After mag-setup at kumain ng light dinner, umidlip na rin kami. Grabe nga daw ang kunsyerto namin ni Prince sa paghagok, sobrang pagod siguro. Ginising nalang kami ni Hans (anak ni Sir Bing) at mag-games na daw. Nakakatuwa ang mga palaro nila at nag-enjoy talaga ako, kaunting meeting at iba pang discussion. Hanggang sa napagpasyahan ng group na matulog na. Lights off mode. 12:00mn!

0 Reaction(s) :: Mt. Daguldol hike (Day 1)