4 am calltime sa LRT Buendia, pero as usual ako na naman ang late sa mga usapan, pero hindi naman ganun ka grabe at mga 4:30 am nakarating sa Jam Terminal sa LRT Buendia. Mga 7 am na nang nakarating sa Cuenca, Batangas, nakakahiya kay Roy kasi mga 6 am pa siya nakarating sa meeting place at napabilis ang byahe niya mula Cavite, samantalang sabay kami nina Mark at Sir Ian sa byahe sa Jam Transit.
Happy and blessed of a good weather. Hoping for a clearing kami that time, though merong mga kaulapan sa summit part ng Maculot pero wala pa naman sa Rockies part. Start ng trek around 7:30 am, grabe ang bilis mag-trek ni Sir Ian at kami sobrang hingal at pawisan na agad. Ewan ko ba, sa part ko eh nakapag-Pico de Loro naman ako last time pero iba parin talaga ang may training kagaya ni Sir Ian. Halos magdilim na nga ang paningin ko nang kaunti along the trail, puro assault kasi siya at steep pa, dapat nga sanay na ako kaunti sa trail kasi 2nd time ko na dito.
Happy and blessed of a good weather. Hoping for a clearing kami that time, though merong mga kaulapan sa summit part ng Maculot pero wala pa naman sa Rockies part. Start ng trek around 7:30 am, grabe ang bilis mag-trek ni Sir Ian at kami sobrang hingal at pawisan na agad. Ewan ko ba, sa part ko eh nakapag-Pico de Loro naman ako last time pero iba parin talaga ang may training kagaya ni Sir Ian. Halos magdilim na nga ang paningin ko nang kaunti along the trail, puro assault kasi siya at steep pa, dapat nga sanay na ako kaunti sa trail kasi 2nd time ko na dito.
in perness ang ganda ng interface ng Endomondo ngayon, hatang bumagal ang speed namin habang paakyat sa pagod
Maculot doesn't really fail me sa ganda ng scenery
start of a warm camaraderie between hiking buddies
after a couple of minutes na photoshoot sa rockies part, pahinga sandali sa cottage area, kaunting social, we decided to descend at 10 am in the morning, marami pang time para makapag rest bago pumunta sa Manabu area naman
after a hearty lunch with matching tuna in brine ni Roy at Fiesta World Mall at Lipa, tinuloy na namin ang last leg of our hike at Manabu around 12.30 nn, kulit nga ng tricycle na naghatid sa amin sa jump off area, hindi kinaya ang bigat naming apat at baka masira ang clutch, ilang meters nalang naman bago sa registration area kaya nilakad na rin namin. Met few mountaineer na nakauwi na mula overnight camp at kumakain sa registration area, 12:45 nn nang sinimulan naming akyatin ang Manabo, as usual kagaya sa Maculot, hingal kami pero hindi na ganun kahirap dahil hindi pa naman assault ang part na ito at forested naman ang area
at halfway, met the famous Mang Pirying, na nag offer sa amin ng kape, at ang mura ng fresh buko niya at 10 pesos lang, kaya naman tuwang tuwa kami nina Roy at naka dalawa pa nga ata bago umakyat, socials muna nang kaunti at rest bago nagpatuloy sa pagakyat
After ng madugong assault na yun samahan pa ng mataas na pagakyat sa mga ugat ng puno, narating ang summit around 2 pm, lakas daw ng trip namin sabi ng last na mountaineers na nag-packed up na nang datnan namin, kainitan ng araw kung umakyat, binigyan nila kami ng extra water and food nila, pahinga kami nang kaunti, took pictures then umakyat nasa summit marked by a cross. Sayang at diffused ang light at mataas pa kasi ang araw pero Ok lang, 2nd lang naman ang pictures sa goal at ang misyon talaga namin eh ang marating ang summit and conquered the mountains
Roy appreciating nature
Mark contemplating and giving thanks after a successful twin hike
Our leader, guide and a good friend Sir Ian, thanks again for a very wonderful and memorable hike
After few photoshoots and social with the Japanese peeps, bumaba na kami sa Manabu, nagkape ulit kina Mang Pirying, kakalungkot lang at na deds daw ang kabayo niya na nakita namin along the way nung nag hike kami few hours ago. Few socials sa ibang climbers, peek sa alamid na galit ata sa amin, then pagbaba naman, pakain ng talbos sa hamsters and rabbit, dinedma lang ng unggoy kahit kinukulit ko siya. Reached registration area mga 4-5 pm na rin. Hanga ako sa kanila kasi unlike sa ibang registration area talagang nirerecord nila kelan ang balik ng mga hikers samantalang ang iba makapagbayad kalang wala na sila pakialam pagbalik mo sa baba. Few socials ulit at pahinga sa big cottage sa baba, sarap ng kwentuhan namin. Umalis ng 5-6 pm na dala dala ang memories of our first twinhike and who knows baka masundan ito ng Batulao-Talamitam combo naman.
Many Thanks to Roy, Mark and Sir Ian sa pagsama ulit sa akin sa Twin dayhike na ito. Hopefull and Godwilling makapag major climb na tayo next year. Para ma experience naman natin ang overnight camping. Till next climb. Cheers!
0 Reaction(s) :: Maculot - Manabu Twin Dayhike
Post a Comment