Mt. Manalmon-Bayukbuk Cave combo adventure

Friday evening matapos kong magising sa maghapong comatose nang naisipan ko na kelangan makaakyat ako sa bundok this weekend pang unwind at tanggal ng everyday stress nalang sa office. Nag-GM sa mga contacts and si Empi go palagi, wala na kasi si Tolits kaya hindi makakasama at busy rin sina Jay at XT. Research magdamag, all of a sudden nag-message sa akin si Roy na nakasama ko sa 2nd Sagada Trip ko. 

After sending out an Itenerary and set of expenses (courtesy of Pinoymountaineer.com and Ivan Lakwatsero) ay nagplano na kami na bukas na ng umaga ito, only a few hours lang, agad-agad ang natatawa kong reaction. Hindi na rin ako nakatulog kahit pilitin ko, 2am na rin at ilang hours nalang ay aalis na ako. Medyo natagalan lang na makasakay ng FX at nauna pang dumating si Roy dun na galing pa sa Cavite kaya nakakahiya. Nadatnan ko agad si Empi sa Baliwag terminal sa entrance then si Roy naman sa waiting area, got to introduce them both, ironic si Empi kasama ko naman sa 1st Sagada.

Around 5.30am nang umalis ang bus bound to Cabanatuan, sobrang lamig kaya naman nagdala narin ako ng bonnet. A couple of hours more, nasa Camias junction na kami at San Miguel Bulacan. Then sumakay sa tricycle to Sitio Madlum, it was a very nice weather at blue and clouds kaya happy ako habang tinatahak ang goal naming akyatin. Medyo rough nga lang ang kalsada and I'm wondering bakit binitin pa ito papunta sa sitio, is it politically motivated at palakasan system.

Arrived at Sitio Madlum, Kala ko nga merong balikatan at maraming scout ranger dun sa area, swimming training pala sa mga hindi marunong. Tinuro kami sa kabilang part ng Madlum river ang registration area, sumakay ng raft, sinilip ang monkey bridge na nakikita ko sa blog ni Ivan. Nag register at kinuha ang service ni Chris as our guide for the hike and spelunking activity.

We need to pass Madlum cave first to get across to Manalmon

the rejuvenating charm of Madlum river

Christian, guiding us to the peak

the river system from the peak

enjoying the majestic view of Manalmon's little sister, Mt. Gola, such an awesome place

the trio who conquered Manalmon :)

back to Madlum cave

signage at the registration area

after taking a short break, proceed naman kami sa Bayukbuk cave, me kasabay kaming mga 25 na spelunkers din kaya medyo nagtagal kami sa entrance, matutulis mga bato sa cave na ito kaya todo ingat, na miss ko bigla ang Lumiang-Sumaging cave sa Sagada nang makita ko ang cave na ito

stalactites

stalagmites

galit na galit ah, grabe ang paghihirap na ginawa ko sa cave na ito, mas technical pa siya compared to Lumiang cave, challenge lalo na ang ladder na ito na kung wala pa sina Empi at Roy sa baba ewan ko nalang kung makakaraos ako dito samahan mo pa ng ilang buwis buhay na stunts makababa kalang, todo ingat dahil kahit hindi baha sa loob eh makapal naman ang putik dahil meron paring pumapatak sa loob kaya nagiging madulas ang mga bato

body language, kung hindi ka ba naman mababalian ang buto sa mga stunts na pinagagagawa namin sa kweba na ito, naiiisip ko na naman kung anung kasalanan ko at kelangan kong gawin ang mga ito, haha!

almost there, palabas na ng cave, kaunti nalang mga tsong..

hindi naman halata na ang linis linis namin matapos ang putikang spelunking adventure na ito


Matapos ang spelunking, bumalik kami sa base para mananghalian, salamat ulit kay Christian na naging punong abala na naman sa paghahanda ng aming pagkain, nakausap rin si Ate na nagbabantay ng mga bags at sa CR area, tamang kwento lang habang kumakain. Matapos kumain at pahinga eh lumusong na kami at naligo sa Madlum river, daming naliligo ngayon at bakasyon pa kasi ang iba, samahan mo pa ng mga Scout Rangers na andun parin hanggang hapon sa training.

Matapos maligo at magpalit ng damit. Naghanda na kami sa aming paglisan sa Sitio Madlum, nagpaalam sa lahat ng mga taga doon at kay Christian na inabuso namin nang wagas mula simula at siya na rin naghatid sa amin sa balsa pauwi. Kahit  pagod at medyo masakit sa binti at hita, nag enjoy naman kami ng todo rito sa Manalmon at Bayukyuk cave. Hindi ko malilimutan ang experience na ito na siyang idadagdag ko na naman sa aking mga paglalakbay.

2 Reaction(s) :: Mt. Manalmon-Bayukbuk Cave combo adventure

  1. this is more like it... inggit much... hehehe...

  2. haha, gow!