Friday shift, dala na ang mga gamit, kulang sa tulog at kelangan maaga para makapag slide shift dahil wala nang leave. Saturday morning. 4am ang out sa office. Nag early breakfast with Wilson sa 7/F, then wait si Mike at 5am dahil maraming task na ginagawa. Prep-up nang kaunti then punta nasa KFC Coastal to meet other folks na ka-Chase din. Waited for a couple of minutes unti si Rye ang organizer ang last na dumating. Hanggang Naic lang ang route ng bus, as much as they want na hanggang Ternate, Cavite eh putol ang bridge at under repair kaya napilitan kaming mag tricycle from Naic, Cavite up to DENR, Palay-palay protected area. Grabe ang tricycle na sinakyan namin, parang hirap na hirap on the way to Magnetic Hill. After prep-up and prayer, trek begins.
Unlike my first trek at Pico de Loro na maulan dahil me bagyo, Ok ang weather, sunny and dry. Mas mabilis ang trek namin pero as usual me mga beginners and mga may injury like me kaya hindi ganun kabilis ang byahe.
2nd leg ng trek after a long rest, grabe talaga itong assault sa Pico de Loro, lalo na ang paakyat sa mga tree roots, alam ko tagaktak ang pawis ko kahit na normal lang na naglalakad pero dito grabe, tulo talaga na parang tubig
final assault to the peak, ang hirap ng trail pero carry lang, salamat nalang at hindi medyo sumumpong yung paa ko at todo dahan lang sa pagakyat as usual
setup ng tent with fellow Chasers
my humble Halcon tent, na after a year ay ngayon ko palang ginamit kaya lukot lukot siya
fellow mountaineers na nagse-setup rin ng tent
sobrang pagod, tulog ako buong gabi habang socials naman sila, hindi rin kasi ako umiinom kaya minabuti ko nalang na matulog at magising nang maaga para ma capture ang sunrise kahit nakatalikod ang sun, sobrang lakas ng hangin at kala mo eh me bagyong parating buti nalang at well placed ang mga pegs ng tent, thanks to Mike and Rye.
wish ko lang ako ang andito kaso mahal ko pa ang buhay ko at hindi naman ako professional para magbakasakali at buwis buhay sa area na yan na kaunting maling apak eh auto death ka sa bangin
after a hearty breakfast na natagalan nang kaunti dahil maraming bigas ang nalagay at marami rin na niluto, nag pack up na kami ng tent, had prayers again and sinimulan na naman ang Nasugbu traverse at hindi kami nag descend pababa ng Pico de Loro, excited dahil wala masyado gumagawa nito, medyo lowbat na ang phone kaya hindi ako nakapag record ng hike namin sa part na ito, sayang nga eh.
eto pala itsura pag pinipicture mula sa camp, aming area ung nasa gitna na bakante
at the top before the traverse
after a couple of hours of sweat, daredevil stunts, restmode and hydrate muna, and nasa kalahati palang kami at ubos na ang dala naming water
view of Pico de Loro, grabe ang layo pala ng na traverse namin, almost 3 hrs rin ang hike na iyon
Matapos ang away ng mga tricycle drivers kung san kami sasakay, ilang minuto at kilometro na super haba na byahe, nakapunta rin kami sa Nasugbu beach area, banlaw sa tubig para malangas ang mga sugat na nakuha sa trek, nag enjoy ng ilang minuto sa tubig, nagbanlaw, sumakay ng EDSA bound bus and finally arrived home before midnight. Super pagod pero worth naman ng time, experience and memories. Thanks to Sir Rye and Wilson for organizing this trek and to other fellow Chasers, hope to see you again. Cheers!
boss, certified mamumundok ka na! ganda ng kuha sa location nyo. astig!
Anonymous
November 20, 2012 at 11:33 AMsayang...di ako nakasama...di bale meron naman next time eh...
bawal kasi sunod na sunod na gala...^_^
lakwatserong tatay
November 20, 2012 at 4:20 PMhaha nde naman toning; honga sir brian puro ka naman gala rin haha!
Jinjiruks
November 21, 2012 at 10:40 AM