Last Sunday after my morning job. Nagpasya akong manood ng Rurouni Kenshin, though nagdadalawang isip ako kasi the next week naman eh The Hobbit naman ang palabas. Pero sabi ko sa sarili ko, maraming magagandang reviews ang nabasa ko and decided to give it a shot, since nung schooldays eh napapanood ko naman siya sa Studio 23 pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapanood ng buo.
Nagyaya ako sa mga friends ko pero busy ang lahat lalo na kasabay pa iyon ng laban ng Pacman at Marquez. So decided na ako nalang ang manood and reward myself sa stressfull officelife im experiencing with. Pagdating doon eh haba ng pila sa SM North pero sa laban naman ni Pacman iyon, marami-rami rin naman ang manonood ng RK. Then pinili ko ang earliest showing that time na 12.45pm. Bumili muna ng snacks then pasok na agad sa Cinema 11.
Puno ang upper area ng cinema mga kasing edad ko usually na mga bata na lumaki sa panahon ng kasikatan ni Kenshin Himura. Tahimik ang lahat sa panonood, tumatawa sa ibang mga eksena.
Personally yung mga part na nagustuhan ko na tumatak sa puso at isip ko, eh yung 1st slash sa face niya kung san yung fiancee ni Megumi eh ilang beses niyang na-slash pero bumabangon parin ito dahil sa will niya na mabuhay pa. Yung agony nung girl over her supposed to be husband. Nakakalungkot ang part na iyon. Next would be yung nakakatawang eksena naman ni Sanosuke na kumain pa sila at uminom bago ituloy ang barefist fight nila. At syempre hindi mawawala ang center ng story na si Kenshin, na sa buong part ng movie eh astig talaga ang moves niya at nganga nalang ako, mabuti nalang at hindi masyado OA at graphic ang moves at natural lang talaga.
Commendable din ang settings ng movie, napaka realistic at feel ko ang ancient Tokugawa era to Meiji restoration age. Mararamdaman mo talaga at parang may inggit na sana ma experience mo rin ang Ancient Japan sa simpleng buhay with matching wooden payong na ewan ko meron paba nun. Iba talaga pag nde Americanize ang movie at Japanese ang director, mapapansin mong loyal talaga siya sa manga at as much as possible yung mga importanteng parte talaga ng story arc eh nasusunod.
Masyadong bitin ang palabas, kagaya ng naririnig ko sa ibang moviegoer na sana merong sequel siya na lalong kapana-panabik ang Juppon Gattana story arc. Can't wait mapanood ang epic battle between Shishio and Kenshin. Sana nga please, me next installment ang RK at marami ang matutuwa dito. Amen!
0 Reaction(s) :: Rurouni Kenshin teh Movie, thumbs up at Bitin!
Post a Comment