5am nakarating nasa McDonalds Pasay Rotunda, wala pang tulog at nag charge lang ng cellphone sa cafeteria minutes ago. Dumating si Mark 30 minutes later then si RJ na tinanghali na ng gising at around 6pm. Si Roy mula Alabang siya na daw ang bahala mag byahe papuntang Nasugbu. Sina Ms. Sam and Kristel since me car sila eh diretso na sila sa Km. 83 which is the jump off point at Mount Talamitan.
parusa ang init sa Talamitam, late na kasi kami umakyat kaya ganito ang nangyari na nasunog na ang balat namin, buti nalang at mahangin kung hindi baka na heatstroke na kami, ang bilis ng mga girls at newbies, mga 2hrs ang estimate time pero nakuha namin in 1hr 19mins ang trek
pastulan sa taas, buti nde na heatstroke ang mga baka at kabayo na ito..
embracing nature
the five who dared the fiery Talamitam
dun naman tayo next time, lolx
almost an hour lang ang pagbaba namin, mabilis pero tirik naman ang araw, kaya sunbaked ang glowing skin naming lima
after Talamitam, nagpaalam na sina Ms. Sam and Kristel at na drain din sa sobrang init at pagod kaya hindi na sila makakasama sa Batulao, hinatid lang kami sa Evercrest mga 12nn, meet namin si Roy na since 10am eh andun na at nagaantay sa amin. Quick lunch then nag proceed na kami sa Batulao at around 2pm, nag tricycle na kami pa shortcut since nag offer sa amin na half price usual fare kaya kinagat na namin. Kahit mainit at nde pa kami nakaka recover sa Talamitam eh nag-enjoy naman kami sa hike kahit pawis masyado, wala masyadong mountaineer along the way kaya solo namin ang kabundukan at wala akong ginawa kundi magsisigaw sa pangungulit lang
taking pics at one of the summits of Batulao
Father, bless the mountains
oo yan ang aakyatin nyo
hapon na rin kami nakausad at natitigil lang kakapicture, tumigil saglit para magpahinga at uminom ng buko juice, mabilisang pace na kami at nagtatakip-silim na at wala kaming headlamp na dala, hanggang sa inabot na kami ng gabi sa daan at salamat nalang sa mga dumadaan na taga nayon na merong dalang ilaw pati na rin sa ibang mga mountaineer at nairaos naman namin ang mahabang daan palabas. Kahit sobrang hapo, wasted na ang itsura at sobrang sakit na ng katawan, masaya parin kami at 2 bundok na naman ang naakyat namin ngayong araw. Salamat sa mga sumama at naging matagumpay ang pagakyat namin. Hanggang sa muling pagakyat sa kabundukan.
0 Reaction(s) :: Talamitam - Batulao twinhike adventure
Post a Comment