Mula office dali-daling umalis at nakarating sa amin ng bandang 7:30 ng umaga. Ngayong Sabado na kasi ang pinaka-aantay ng magkababata na halos na halos ilang dekada rin na hindi nagagawa ang ganitong aktibidad, ang overnight at samahan pa ng pagakyat ng isang sitio na kasing taas na ng kabundukan ng Sierra Madre. Ang Sitio Macaingalan, na nasa Barangay Puray sa bayan ng Montalban. Wala akong ideya kung gaano siya kalayo o kung dadaanan ba niya ang mas kilala ko sa pangalan na lugar na Macabud at Mascap.
Nagkita-kita bandang 8:30 ng umaga sa tapat ng isang gas station ang magkakaibigan na si Jervin, Ronilo, Thomas, Danilo at ang co-teacher ni Jervin na si Batang. Dumaan kami sa may talipapa ng Geronimo para bumili ng aming kailangan sa pag-akyat. Nag-antay rin kami ng ilang minuto para aming masasakyan na kadalasan na pinansasakyan ng mga kalakal na habal-habal parin ang katawagan. Hindi nga lang nakasama si Batang dahil merong obligasyon na biglaan kaya laking panghihinayang niya siguro. Umalis kami bandang 10:30 na ng umaga na tirik na ang araw.
Sa loob ako pumuwesto kasama nina Thomas at Jervin at me dala kasi kaming tubig at mga kakailanganin na pagkain sa taas. Dumaan kami sa San Isidro relocation site, sobrang init ng lugar na iyon, dahil na rin sa kawalan ng punong magpapalamig, samahan mo pa ng tambak na basura sa isang sulok kaya hindi kaaya-ayang tingnan siya. Narating namin ang Sitio Toyang sa Mascap na kung saan dun nagtatapos ang boundary niya at Sitio Macailangan na. Dahil sa masyado steep ang daan at mukhang hindi kami kakayanin ng habal-habal eh minabuti na ng magkakabarkada na mag-trek nalang papunta sa tutunguhan namin na bahay na pagmamay-ari ng magulang ng asawa ni Danilo.
Nagkita-kita bandang 8:30 ng umaga sa tapat ng isang gas station ang magkakaibigan na si Jervin, Ronilo, Thomas, Danilo at ang co-teacher ni Jervin na si Batang. Dumaan kami sa may talipapa ng Geronimo para bumili ng aming kailangan sa pag-akyat. Nag-antay rin kami ng ilang minuto para aming masasakyan na kadalasan na pinansasakyan ng mga kalakal na habal-habal parin ang katawagan. Hindi nga lang nakasama si Batang dahil merong obligasyon na biglaan kaya laking panghihinayang niya siguro. Umalis kami bandang 10:30 na ng umaga na tirik na ang araw.
Sa loob ako pumuwesto kasama nina Thomas at Jervin at me dala kasi kaming tubig at mga kakailanganin na pagkain sa taas. Dumaan kami sa San Isidro relocation site, sobrang init ng lugar na iyon, dahil na rin sa kawalan ng punong magpapalamig, samahan mo pa ng tambak na basura sa isang sulok kaya hindi kaaya-ayang tingnan siya. Narating namin ang Sitio Toyang sa Mascap na kung saan dun nagtatapos ang boundary niya at Sitio Macailangan na. Dahil sa masyado steep ang daan at mukhang hindi kami kakayanin ng habal-habal eh minabuti na ng magkakabarkada na mag-trek nalang papunta sa tutunguhan namin na bahay na pagmamay-ari ng magulang ng asawa ni Danilo.
simbahan sa unahan ng Macailangan
Sa simula ay akala namin ng lahat na kakayanin pero bumigay sina Jervin at Ronilo matapos ang ilang metro palang na lakaran, dahil na rin sa hindi sila sanay at first time nilang mag trek, samahan mo na rin ng kainitan ng sikat ng araw. Kaya naman napagpasyahan na sumakay na sila pag-ahon ng habal-habal papunta sa bahay nila Dano.
datos mula sa Endomondo na tinahak namin ni Thomas at Danilo
At maiwan na kaming tatlo sa paglalakad. Sa simula ok lang at medyo nde pa steep ang daan, pero matapos ang ilan pang kilometro na dumaan eh naging kalbaryo na ng inyong lingkod ang paglalakad dahil na rin sa tirik na araw at wala pa kaming dalang inumin nung panahon na iyon. Kahit umaakyat ako ng bundok at kahit papano eh may stamina eh bibigay talaga sa kundisyon na iyon na naranasan namin, buti nalang at kahit papano mentally prepared ako na kakayanin ko ito kahit pa masunog na talaga ako nang tuluyan.
paglalakad sa initan sa taas ng kabundukan
Matapos ang walong kilometro at halos dalawang oras na paglalakad sa initan ay nakarating rin kami sa target namin na hapong-hapo habang sina Onik at Jek eh nakatulog na sa pag-aantay sa amin. Masasabi kong achievement para sa akin ang experience na ito followup lang sa init na dinanas ko sa Mt. Talamitam sa Batangas. Matapos kumain sa dahon ng saging ng adobong adidas (paa ng manok) at pritong isda, nagpahinga muna kami at pagkatapos nito upang hindi masayang ang oras ay niyaya ako ni Thomas na kumuha ng picture sa bandang taas na na parte pa ng sitio kung saan matatanaw mo ang kabuuan ng Montalban at mga kalapit lugar nito lalo na ang Maynila.
ang luntiang kabundukan ng Montalban
ang jumpshot na parang wala lang, haha!
Nagpasya na kami na bumaba ng bandang alas 3 na ng hapon ni Thomas para kuhaan naman ang paglubog ng araw. Pero dahil sa pagdaan ng maiitim na ulap ay minabuti na naming wag nang tumuloy at baka maabutan pa kami ng buhos ng ulan at wala pa naman kaming dalang payong. Hanggang sa kumain na kami ng hapunan pritong tilapya na huli mula sa maliit na palaisdaan ng magulang ng asawa ni Dano na si Emily. Ang sarap talaga pag kasama mo ang iyong mga kaibigan nang matagal na panahon na masayang kumakain at kwentuhan. Lalo na si Jek na siyang joker sa grupo na walang tigil ang pagpapatawa sa amin. Samahan pa ng kalokohan ko na habang nanunungkit ng mangga eh nabali ang kawayan at tumama sa akin ang parte nito, buti nalang at walang laman ito kundi nabukulan ako nang wala sa oras.
Nagpasyang simulan na nila ang inuman pero syempre dahil hindi umiinom ang inyong lingkod na nirerespeto naman nila ay nakinig at nakitawa nalang ako sa usapan nila na paminsan-minsan ay sumasabat sa usapan. Maraming mga topic ang dumaan sa amin habang lumalalim ang gabi partikular na ang recent lang na krimen na nangyari na parang na chop-chop ata ang isang lalaki at nilagay sa lutuan ng ulingan para hindi makita ang bangkay hanggang sa barilan na nangyari sa Cavite, sa Wang-wang ni Pinoy hanggang umabot pa kay Jose Rizal ang usapan.
At dahil wala pa akong tulog nung panahon na iyon ay nagpasya na akong mauna na sa kanila at lumalamig na rin ang hangin, naghanda ng mainit na higaan ang pamilya nina Emy, maraming salamat po, pero sina Thomas at Jek eh nagtapang tapangan palibhasa nakainom at sa labas natulog habang kami ni Onik eh sa loob naman kasama ni Dano. Binigyan nalang sila ng kumot ni Dano dahil nanlalamig na talaga sila bandang ika-2 ng umaga na. Pareho kaming malakas ang hilik ni Onik kaya kumusta nalang sa mga tao sa paligid na sana nakatulog sila nang mahimbing.
Hindi rin ako masyado nakatulog nun dahil na rin sa aking sipon at hirap akong huminga kaya medyo nakaupo lang ako at nakapikit ang mga mata. Mga bandang 5:30 na ng umaga ng Linggo na tumayo na ako at lumabas para kumustahin ang dalawa na sinamahan pa ni Tatay sa pagtulog. Umakyat kami ni Onik at Thomas para kuhaan ang bukang-liwaway, hindi na kinaya ni Jek ang pagakyat at umuwi na rin ito.
ang pagdating ng Haring araw
ang emotero sa taas ng kabundukan
Manila skyscrapers mula sa aming viewpoint
ang pagbaba mula sa overlook na tinatawag nila
Bumaba na rin kami matapos hindi na naman mamalas ang sinag ng araw. Sinukat ko sa GPS ang peak namin at nag rehistro ng 629 metro na halos Pico de Loro na rin pala ang taas ng kinatatayuan namin. Ganda ng 360 degrees na tanawin talaga at pede ring magsetup ng camp dito dahil malawak ang kaparangan. Paguwi ay inihain sa amin ang masarap na sopas at nagluto rin ng spaghetti, matapos nito ay bumili rin kami ng walis at gulay para may maibaba. Naunang nakauwi si Jek sa amin at may bisita pa sya sa kanila ng umaga. Habang kami naman ni Onik at Thomas ay nag-antay ng susunod na sasakyan. At dahil alanganin na araw ay ilang oras ding kaming nag-antay ng sundo namin hanggang sa bandang alas-2 ng hapon ay nakauwi rin kami at naki-backride matapos ang masarap na tanghalian at mga pabaon na luya, kamote at langka mula sa pamilya nina Emily.
Nakakatawa nga lang ang mga sumusunod na pangyayari sa paguwi namin dahil parang isusumpa na namin ang daanan na iyon, kasampa ko si Onik sa habal-habal, mabuti na nga lang at bihasa na sa ganung terrain si Boy at hindi kami masemplang sa buwis buhay na stunt na iyon na tinalo pa ata ang Motocross sa dami ng hurdles na dinanan namin, andyan ang tipo na nasunog na ang balat mo sa init ng araw, napulikat na ang binti mo dahil sa posisyon nyo sa motor. Pero salamat nalang at nalagpasan namin yan at nakatakas sa posibleng aksidente na mangyayari kung sakali isang maling move lang eh semplang ang motor na sinasakyan namin.
Nakarating ako sa amin bandang alas-3 na ng hapon, bitbit ang walis, langka at bag ko. Maraming salamat ulit sa experience guys at sana maulit pa ang ganitong mga pagkakataon. Hanggang sa muli.
Anonymous
January 7, 2013 at 2:15 AMJinjiruks
January 8, 2013 at 3:46 AM