Mt. Balagbag dayhike
Sunday morning gaya ng napagkasunduan last Friday, nagkita kami ni Sir Aldrin of Sabit-sabit mountaineers and co-Pex running club member para sa dayhike at Mt. Balagbag, supposedly na naman sa Gulugod Baboy ako, pero inisip ko na dito na lang para mas malapit dito sa amin sa Rodriguez, Rizal. Medyo natanghali nga ng gising at nakakahiya kay Aldrin na nag-aantay sa may Jollibee Tungko. Though sa Montalban ang mountain eh thru Tungko ang daanan niya, hindi ako familiar kung merong Licao-licao na dumadaan mula sa San Jose.
started the hike at around 7am, sumakay muna sa jeep going to Licao-licao sa likod ng BDO Bank, fare si 27 pesos, buti nalang at puno na ang jeep at paalis na siya kaya hindi kami nag-antay pa ng matagal
path at the base of the Balagbag
am not sure if this is Kaytitinga or Otso otso falls na sinasabi nila
flora ecology
teh Cross
gearing for the summit
was able to conquer Mt. Balagbag, my 10th mountain!
summit going down
thanks po ulit kina Sir Aldrin and Al sa pagsama sa akin sa pag-akyat sa Balagbag, happy ako kasi bagong set of trekkers na naman ang nakasama ko and hopefully more climbs with them.
by
Jinjiruks
February 25, 2013
11:00 PM
Teh Road to Camp Sinai
Undecided that time kung tuloy ko ba ang hike to Gulugod Baboy since hindi available mga contacts ko para samahan ako, nagdadalawang-isip kung mag solo ba, baka kasi masayang ang oras at kung ano pa ang mangyari sa akin. So it's been decided na since papalapit na ang Merrell Adventure run na gaganapin sa Mt. Sinai sa Pintong Bukawe, San Mateo na kapitbahay lang namin. Nagbakasali ako na kung pwede ba si Thomas, pero hindi at kasama siya nila Onik papuntang Tanay kaya naman hiningi ko nalang ang number ni Jane at tinanong siya kung makakasama ba siya sa rivertrekking all the way to Sinai.
Nag-textback naman si Jane at napagusapan na magkikita kami sa MiniStop sa San Rafael bandang mga 6.30am, kulimlim pa ang panahon at ang dilim na nagbabadya ng ulan, sinabi ko sa sarili ko sana naman ay hindi matuloy ang pag-ulan. Nakarating kami sa Wawa Area bandang 7am na rin. Medyo tumaas nga ang tubig buhay ng paguulan nung nakaraang araw pero tumuloy parin kami at umaasa na hindi naman siguro ganun kataas na kakayanin. Salamat nalang at meron kaming nakasabay na papunta rin sa dadaanan namin, kung hindi eh mangangapa talaga kami sa mga dadaanan.
Medyo mataas nga ang kundisyon ng ilog at medyo nahirapan kami ni Jane, ang galing galing namin at ang suot pa namin eh hindi pambasa at extra shirt lang ang dala, sobrang kampante. Kaya ayun, talagang literal na basa kami habang tinatahak ang ilog, balak muna namin magpunta ng Istampang Bato para hindi ko na siya balikan at nabitin lang ako nung hindi kami tumuloy nila Angelo noong nakaraang nagpunta kami sa Sitio Casili.
Nag-textback naman si Jane at napagusapan na magkikita kami sa MiniStop sa San Rafael bandang mga 6.30am, kulimlim pa ang panahon at ang dilim na nagbabadya ng ulan, sinabi ko sa sarili ko sana naman ay hindi matuloy ang pag-ulan. Nakarating kami sa Wawa Area bandang 7am na rin. Medyo tumaas nga ang tubig buhay ng paguulan nung nakaraang araw pero tumuloy parin kami at umaasa na hindi naman siguro ganun kataas na kakayanin. Salamat nalang at meron kaming nakasabay na papunta rin sa dadaanan namin, kung hindi eh mangangapa talaga kami sa mga dadaanan.
Medyo mataas nga ang kundisyon ng ilog at medyo nahirapan kami ni Jane, ang galing galing namin at ang suot pa namin eh hindi pambasa at extra shirt lang ang dala, sobrang kampante. Kaya ayun, talagang literal na basa kami habang tinatahak ang ilog, balak muna namin magpunta ng Istampang Bato para hindi ko na siya balikan at nabitin lang ako nung hindi kami tumuloy nila Angelo noong nakaraang nagpunta kami sa Sitio Casili.
hindi naman halata na basa kami sa simula palang
aming guide na nakasalubong lang, sorry hindi namin nakuha ang pangalan niya pero ang laki ng tulong niya sa pagtawid namin sa ilog, sa parteng iyan, sa lakas ng agos at lalim eh hanggang tiyan ko siya at dibdib naman ni Jane
hindi na nga namin maalala kung ilang river crossing na ang nagawa namin
matapos ang ilang tawiran at buwis buhay na pakikipagsapalaran sa ilog, nakarating rin kami sa sinasabi nila na Istampang Bato, medyo nganga lang kasi hindi namin akalain na ito lamang pala ang bato na sinasabi nila, akala ko pa naman parang mala dambana ang laki niya at merong mga imahen, oh well!
matapos kaming ihatid eh kailangan na namin bumalik sa Pintong Bukawe, akala namin eh makakahanap na kami ng balsa kung saan ay sasakay nalang kami at ayaw na namin maulit ang pagtawid sa ilog, sa kasamaang palad eh wala doon ang inaasahang mga bankero kaya napilitan si Boy na ihatid nalang kami, medyo hindi sapat ang taas ng tubig at sumadsad kami sa ilang batuhan, sayang at hindi ko nahuli sa camera ang paglalakbay namin na parang nag river rafting na rin dahil sa mga rapids na nadaanan namin at sa pangamba na baka tumaob kami
nakarating rin kami sa bukana ng Pintong Bukawe, me mga nakasabay kaming motocross riders and bikers along the way
oh ha, parang sa pelikula lang, sana yung buong kahabaan eh ganito nalang palagi
matapos ang ilang kilometro na lakaran sa initan ng araw at pagtatanong sa mga tao na hindi naman alam o tukoy ang sinasabi namin na lugar, naabot rin namin ang bukana ng Mt. Sinai, pero mas kilala kasi siya na Pintong Bukawe peak or Dela Costa ata ayon sa aking pagkakatanda
kala namin Mount pero bakit Camp ang nakalagay dito
tanaw mula sa Camp ang waste water treatment plant na ito, katabi niya ang San Mateo landfill na hindi ko na sinama sa mga kukuhanan dahil naalala ko lang ang Mordor sa LOTR na parang desolated area lang
ang katakam takam na Sayote Pie na binebenta sa taas ng isang pamilya may-ari ng kainan
sa wakas at naabot rin namin ang tuktok ng Camp Sinai, at narito ang pinakamalaking tablet (Ipad, lol) ng Ten Commandments sa buong mundo (kelangan i verify ito)
katabi rin ng Sinai ang Protected Area kung saan DENR ang nangangasiwa
ang tagapagbantay ng kalikasan sa lugar na ito, nagkaroon rin kami ng mahabang usapan at kwentuhan ni Manong at syempre sinasariwa ang alaala ng kahapon kung saan magandang lugar pa ang Montalban na kung ano nang pagbabago ang mga nangyari ngayon
ang kabuuang 14km na tinahak namin ni Jane mula sa baba ng Wawa hanggang sa tuktok ng Camp Sinai kung saan eh umikot pa kami hanggang Cogeo dahil wala namang sasakyan pabalik kung saan kami nanggaling at medyo masakit na rin ang aming mga paa, kaya no choice eh kelangan bumalik at sumakay ulit ng pa Montalban mula sa Antipolo, muli akong nagpapasalamat kay Jane sa pagsama sa akin sa rivertrekking at buwis buhay na pakikipagsapalaran, hayaan mo at kelangan kasama kana sa mga susunod pang mga akyat at adventures
by
Jinjiruks
February 24, 2013
11:00 PM
Why Do I Climb?
Do I climb for vanity purposes? I think I do. It gratifies me every time people hit the like button or post their comments in my freshly uploaded photos at Facebook Who would not want an affirmation? That's human nature I guess. Do I treat it as a sport? I think I do. The thrill in this activity made me go beyond my limits. I have done the highest in the country, yet I still can't get enough. Neither the highest nor the most difficult would define the finish line. Do I see climbing as competition, a race? I think I do. I've been climbing mountains almost every week, in fact I've done 36 mountains in just a year and a month, as if I would ran out of summits. Stopping is not an option, well perhaps, not until I surpassed the best. Do I climb because of the people I am with? I think I do, definitely. Taking the trails and reaching the summit all by myself can sometimes be enjoyable. But more often than not, climbing with a team, my circle of friends, is what I enjoy the most.
..
My tales, though not as good, not as exciting, not as colorful and not an epic to begin with, are still worth telling. You will see in these stories my humble beginnings, the people who shaped me, the first time I slept on a tent, the first time I cooked my food, the first time I ran out of water, the first time I saw nature at its finest, those and all the other firsts in my mountaineering career. In these tales you will see how bit by bit I am marching towards the summits of my dreams.
Thank you is an understatement, for you have imparted more than knowledge and inspiration. What you gave is indeed a trail food for the soul, which I believe won't make me hungry again. What you showed is not a trail sign, but a pavement that will direct me towards success. I can almost see it, you're right, the view is splendid.
-"A Young Mountaineer's Reply to His Master", Ivan's Batang Lakwatsero
by
Jinjiruks
February 21, 2013
9:56 AM
Jog Notes 0218
It's been a while bago nakabalik sa Wawa route, as usual hindi na naman natuloy for the 3rd time ang balak na pagpunta sa Istampa or sa Pintong Bukawe, kaya minsan naiisip ko narin na mag solo trek narin dahil hindi naman palagi na maasahan mo na makakasama mga kakilala mo dahil lahat merong personal na dahilan at mga kailangang gawin..
by
Jinjiruks
February 18, 2013
11:30 PM
Trail after Trail this April
Nakaka-excite and nakakainis at the same time pareho pa ng month na organize ang mga mountain trail run events ngayon, nakakaiyak nga lang at ang mahal mahal niya pero worth naman kasi considering yung difficulty and away from the conventional road race, undecided kung anung race ang kukunin for April, wish ko lang both kaso hindi ko alam kakayanin ba ng bulsa ko or merong mga mababait na benefactor dyan, lol!
by
Jinjiruks
February 17, 2013
7:54 AM
More Fun in Corregidor, the Daytour
Sunday morning, nagkita-kita ulit ang Team Expandables for our Corregidor daytour, this is one of the prize of More Fun in the Philippine Photo contest by Zed Philippines and Department of Tourism, around 7am nasa CCP Complex area na kami at pumunta sa Sun Cruise area for registration and booking
morning view of Manila Bay
teh Tranvia that serves as a mini tour bus around the island
Malinta Tunnel lights and sound presentation depicting the life of American/Filipino soldiers on the tunnel
the beachside
Corregidor Inn where we took our Lunch, in fairness panalo ang Paella nila and the Pandan juice
American Barracks, the ruins
Batteries at the Topside
teh War Memorial
lighthouse at the topside
by
Jinjiruks
February 11, 2013
11:00 PM
Chinese New Year at Binondo
nagkita-kita sa Plaza Miranda kasama sina Christian, Mark, Vien, Jane at Roy para sa isang foodtrip at galaan sa Binondo para sa selebrasyon ng Chinese Lunar New Year, 2nd time na ng inyong lingkod at ang una ay kasama ang classmate na si Nerissa na hindi nakasama ngayong taon
Binondo Church kung san naki-misa muna kasama ang ibang Chinese Catholics
Welcome to Chinatown
mouth watering Chinese dishes
some of the must go Chinese restos
daming tao sa Wai Ying restaurant, ilang minutes rin bago kami nakakain, kita mo si Roy dito inantok na nga kakaantay ng food, sayang nga lang at yung mga hinahanap namin eh wala sila
went to Seng Guan Temple at Narra street, mausok ang area kaya umakyat kami sa taas
after ng paglalakad sa initan, nagpasya na try ang halo-halo sa Chuankee na subsidiary ata ng Eng Bee Tin, sad hindi kami nag-enjoy at walang lasa talaga siya, mas ok pasa Chowking
Money Tree at Lucky ChinaTown Mall
by
Jinjiruks
February 10, 2013
11:30 PM
Subscribe to:
Posts (Atom)