Undecided that time kung tuloy ko ba ang hike to Gulugod Baboy since hindi available mga contacts ko para samahan ako, nagdadalawang-isip kung mag solo ba, baka kasi masayang ang oras at kung ano pa ang mangyari sa akin. So it's been decided na since papalapit na ang Merrell Adventure run na gaganapin sa Mt. Sinai sa Pintong Bukawe, San Mateo na kapitbahay lang namin. Nagbakasali ako na kung pwede ba si Thomas, pero hindi at kasama siya nila Onik papuntang Tanay kaya naman hiningi ko nalang ang number ni Jane at tinanong siya kung makakasama ba siya sa rivertrekking all the way to Sinai.
Nag-textback naman si Jane at napagusapan na magkikita kami sa MiniStop sa San Rafael bandang mga 6.30am, kulimlim pa ang panahon at ang dilim na nagbabadya ng ulan, sinabi ko sa sarili ko sana naman ay hindi matuloy ang pag-ulan. Nakarating kami sa Wawa Area bandang 7am na rin. Medyo tumaas nga ang tubig buhay ng paguulan nung nakaraang araw pero tumuloy parin kami at umaasa na hindi naman siguro ganun kataas na kakayanin. Salamat nalang at meron kaming nakasabay na papunta rin sa dadaanan namin, kung hindi eh mangangapa talaga kami sa mga dadaanan.
Medyo mataas nga ang kundisyon ng ilog at medyo nahirapan kami ni Jane, ang galing galing namin at ang suot pa namin eh hindi pambasa at extra shirt lang ang dala, sobrang kampante. Kaya ayun, talagang literal na basa kami habang tinatahak ang ilog, balak muna namin magpunta ng Istampang Bato para hindi ko na siya balikan at nabitin lang ako nung hindi kami tumuloy nila Angelo noong nakaraang nagpunta kami sa Sitio Casili.

hindi naman halata na basa kami sa simula palang
aming guide na nakasalubong lang, sorry hindi namin nakuha ang pangalan niya pero ang laki ng tulong niya sa pagtawid namin sa ilog, sa parteng iyan, sa lakas ng agos at lalim eh hanggang tiyan ko siya at dibdib naman ni Jane
hindi na nga namin maalala kung ilang river crossing na ang nagawa namin
matapos ang ilang tawiran at buwis buhay na pakikipagsapalaran sa ilog, nakarating rin kami sa sinasabi nila na Istampang Bato, medyo nganga lang kasi hindi namin akalain na ito lamang pala ang bato na sinasabi nila, akala ko pa naman parang mala dambana ang laki niya at merong mga imahen, oh well!
matapos kaming ihatid eh kailangan na namin bumalik sa Pintong Bukawe, akala namin eh makakahanap na kami ng balsa kung saan ay sasakay nalang kami at ayaw na namin maulit ang pagtawid sa ilog, sa kasamaang palad eh wala doon ang inaasahang mga bankero kaya napilitan si Boy na ihatid nalang kami, medyo hindi sapat ang taas ng tubig at sumadsad kami sa ilang batuhan, sayang at hindi ko nahuli sa camera ang paglalakbay namin na parang nag river rafting na rin dahil sa mga rapids na nadaanan namin at sa pangamba na baka tumaob kami
nakarating rin kami sa bukana ng Pintong Bukawe, me mga nakasabay kaming motocross riders and bikers along the way
oh ha, parang sa pelikula lang, sana yung buong kahabaan eh ganito nalang palagi
matapos ang ilang kilometro na lakaran sa initan ng araw at pagtatanong sa mga tao na hindi naman alam o tukoy ang sinasabi namin na lugar, naabot rin namin ang bukana ng Mt. Sinai, pero mas kilala kasi siya na Pintong Bukawe peak or Dela Costa ata ayon sa aking pagkakatanda
kala namin Mount pero bakit Camp ang nakalagay dito
tanaw mula sa Camp ang waste water treatment plant na ito, katabi niya ang San Mateo landfill na hindi ko na sinama sa mga kukuhanan dahil naalala ko lang ang Mordor sa LOTR na parang desolated area lang
ang katakam takam na Sayote Pie na binebenta sa taas ng isang pamilya may-ari ng kainan
sa wakas at naabot rin namin ang tuktok ng Camp Sinai, at narito ang pinakamalaking tablet (Ipad, lol) ng Ten Commandments sa buong mundo (kelangan i verify ito)
katabi rin ng Sinai ang Protected Area kung saan DENR ang nangangasiwa
ang tagapagbantay ng kalikasan sa lugar na ito, nagkaroon rin kami ng mahabang usapan at kwentuhan ni Manong at syempre sinasariwa ang alaala ng kahapon kung saan magandang lugar pa ang Montalban na kung ano nang pagbabago ang mga nangyari ngayon
ang kabuuang 14km na tinahak namin ni Jane mula sa baba ng Wawa hanggang sa tuktok ng Camp Sinai kung saan eh umikot pa kami hanggang Cogeo dahil wala namang sasakyan pabalik kung saan kami nanggaling at medyo masakit na rin ang aming mga paa, kaya no choice eh kelangan bumalik at sumakay ulit ng pa Montalban mula sa Antipolo, muli akong nagpapasalamat kay Jane sa pagsama sa akin sa rivertrekking at buwis buhay na pakikipagsapalaran, hayaan mo at kelangan kasama kana sa mga susunod pang mga akyat at adventures
0 Reaction(s) :: Teh Road to Camp Sinai
Post a Comment