Nakarating ng Baguio, around 4am. Maaga pa kaya kumain muna sa fastfood. Tapos naglakad na kami papuntang Bus terminal ng GL Bus Line. 6:30am pa ang nakalagay sa schedule kaya naidlip muna sila habang ako ay nag-aantay hanggang sa magbukas. Hindi ako natutuwa sa process nila kung saan hindi mo alam kung pipila ka ba o sasakay muna bago magbayad. Kami na ang matagal na nag-antay kami pa ang huling nakapasok sa bus. Inis na inis ako pero wala naman akong magagawa.
Ininda ang 12 oras mula pa Manila sa pagkakaupo, samahan pa ng dahil sa malaki ang bag ko eh nasisikipan ako at hindi kumportable sa pwesto ko. Saktong tanghali nang makarating sa Sagada, dumiretso agad sa George Guest House para tumuloy at nakipag negotiate ulit kay Tita Dora dahil apat lang kami, mabuti nalang at mabait si tita at meron pang room for 4.
After magpahinga, mga 2pm, nagpunta sa Cave connection adventure (Lumiang-Sumaguing) para ma experience nila ang spelunking. Dahil first time nila at hindi sanay sa ganitong activity, todo ingat ang guide namin. Hindi na rin kami nakatapos sa last stage dahil pagod na rin ang aking mga kasama, tumagal ng halos 4-5 oras at ginabi na rin kami sa daan.
Matapos ang ligo eh namalayan ko nalang na nakatulog na rin ako, sa puyat at pagod na rin.
0 Reaction(s) :: Sagada, the 3rd time [Day 1]
Post a Comment