Biglaang hike ulit from Wawa dam to Camp Sinai, after ng Salomon, sige hike pa, pudpod na ang paa kakatakbo tapos ngaun trek naman. Meet sina Mark, Roy and Thomas sa Mercury drug, grabe ang traffic dahil Palm Sunday sa simbahan kaya maraming sasakyan. Nakarating sa Wawa dam around 9.30am na at kainitan na ng araw. Napilitang mag short si Roy at tsinelas dahil tatawid nga sa ilog. Tumigil sandali sa tindahan ng halo-halo para magpahinga at palamig. Then diretso ang trek for more than 14kms. Then finally nakarating rin sa Camp Sinai at noon. Kain ng buko/apple pie sa taas, nakipag kwentuhan sa bantay sa carinderia then nagpunta na sa DENR office pero walang tao dun kaya pahinga lang kami.
I dunno what happened pero parang hindi nag update and ascend data kaya ang descend lang ang medyo maayos, instead of taking the jeep to Antipolo, bumalik nalang kaming 4 pabalik sa Wawa, kawawa naman si Roy at drained talaga, biruin mo ba naman wala pang tulog tapos pinaglakad ko pa ng 30km hehe, napagod kaming lahat at hindi na nagsasalita at inabot na rin ng gabi at kaunting ambon along the way
0 Reaction(s) :: Wawa dam to Camp Sinai river/hill trek adventure
Post a Comment