Ipo Hike + Pinagrealan Cave adventure

0 Reaction(s)
Sunday morning, supposedly meron akong Batulao climb pero kinansel ko dahil baka hindi ko kayanin ang pagakyat lalo na kakatapos lang tumakbo nung Sabado sa Merrell Adventure run, niyaya ako ng friend ko na pumunta sa kanila sa San Jose del Monte at nature trip lang sa Ipo dam at sa iba pang pwede puntahan sa area na iyon. Nagkita kami sa Starmall SJDM tapos jeep to Garay sa Bigti tapos trek mode na kami na hindi ko naman akalain na gagawin talaga namin at hindi pa kami sumakay ng tricycle, tamang trip lang at usap at kwento along the way kaya hindi naman pagod

Though expected na naman ito, nagbakasakali narin kami kung makakapasok kami to take pictures, pero syempre bawal at National Security as usual, malamang eh hindi rin kami papayagan pag tinuloy pa namin ang Angat watershed area sa left part niya kaya sumakay nalang kami ng tricycle pabalik sa Pinagrealan Cave to explore the area

Signage to the Cave

Cave Formations

Teh Spelunker in action

Pristine waters at the cave, hopefully sana hindi siya magbago at masalaula pag naging kilala na ang cave

Thanks Japoy for showing me around your area, alam ko marami pang pwede puntahan dyan kaya see you some other time

Merrell Adventure Run at Camp Sinai, Pintong Bukawe, San Mateo, Rizal

0 Reaction(s)
Naka-VL for Friday shift for this event. Tried to get enough sleep at ayoko na sa sobrang excitement eh kulang na naman sa tulog. Woke up at around 2am, kelangan maaga at 3.30am ang shuttle bus service sa Trinoma area, malas nga lang at kaunti talaga ang mga dumadaan na sasakyan. Nag-antay pa ako ng trip to Batasan then no choice ako na kelangan bayaran ko ang slot sa tricycle to Sandigan, then nag Taxi papuntang SM North dahil 3am na at wala parin akong masakyan, nakasakay naman around 3.15am at nag-antay nalang hanggang mapuno at umalis ang bus by 3.30am

Morning view at Camp Sinai, ganda pala dito pag ganitong umaga, same as other mountains, no wonder mas maganda talaga mag overnight sa hike para sa mga scenery kagaya nito

This is it! 10k race is about to start in a few..

River crossing obstacle, unless may extra kang shoes, inalis mo or magaling kang tumawid sa mga batuhan, talaga mababasa ka dito no matter that (pictures courtesy of JazzRunner)

Hindi na siya Merrell kung wala ang trademark na ito, wala kang kawala sa putikan, swerte kako ang nag 5k at hindi nila naranasan ito unlike sa 10/21k nevertheless, ito ang pinunta ng mga trail runners, ang adventure na hindi madalas gawin sa ibang trail runs (pictures courtesy of JazzRunner)

Mahirap ang route just as expected, andyan ang river crossing, dadapa ka sa putikan, lalo na ang last stretch na uphill, gumawa pa ng eksena ang inyong lingkod, dahil nga sa last kilometer, naramdaman na niya ang pagpitik ng binti niya at malapit nang pulikatin kaya naglakad-lakad nalang siya hanggang sa bumigay na siya sa last 50m kung saan tinulungan na siya ng race marshall, pahinga ng ilang segundo then went to finish line. Natapos at nairaos ang sobrang hirap na 10k run.

Was able to finish the race at 2:12:49, Rank 187 among 433 10k runners, not bad!
Thumbs up Merrell for a great race. See you again next year!

Irony

0 Reaction(s)

Cagbalete Island summer getaway

2 Reaction(s)
After long hours of travel from JAC Liner Kamias, finally nakarating na rin sa Mauban port, matapos bumili ng rations for the island getaway

passenger boats waiting for the influx of tourist

hindi na habhab eh, tinidor na

port life

signs

beach bumming starts

this is the life

marine flora and formations

nightlife, lol

morning emoteros

happiness

we had a great time, truly relaxing and rewarding experience
see you soon again for our next island getaway

Back to Sinai again

2 Reaction(s)
Met Sir Shanwar at Jollibee Cainta, try kasi namin sundan ang route na nakalagay sa Merrell Adventure run, since taga Cainta pa si Sir, nagpunta kami to Gate 2 then sumakay ng jeep bound to Pintong Bukawe. Buti nalang at mabilis mapuno ang jeep, usap along the way then around 9am nakarating sa Camp Sinai, kumain saglit ng breakfast, then head to DENR area, kainitan na at good luck nalang at nognog mode na naman ako, maraming path ang nag open along the way kaya nalito kami kung san ang way unless nagtanong tanong kami kung san dumaan ang ibang runners, kasi meron ata silang nakasalubong na group of runners na baka same lang din ang mission namin na sundan rin at subukan ang trail for the race. Nagpasya na kami na bumama pa Wawa area since sureball na kasama sa route yun, ibang runners pala andun at hindi affiliated sa Merrell pero mga Ultramarathoners pala at rinig ko sasali for North Face run, 50/100km. Bumalik sa Camp Sinai halos tanghali na kaya tirik ang araw at hello sunog at exhaustion mode. Me good Samaritan na naawa ata sa amin at pinasakay kami, kaya ayun tinigil ko ang tracker at 10km then naglakad nalang kami to Sinai, then have our lunch grande at napaka generous nila dun at malaki ang servings na binigay sa amin. Nakakatawa lang yung intended na trail running eh naging hiking na talaga. Thanks ulit sa pagsama sir Shanwar and hopefully matuloy ang lakad natin sa 3rd week.