Naka-VL for Friday shift for this event. Tried to get enough sleep at ayoko na sa sobrang excitement eh kulang na naman sa tulog. Woke up at around 2am, kelangan maaga at 3.30am ang shuttle bus service sa Trinoma area, malas nga lang at kaunti talaga ang mga dumadaan na sasakyan. Nag-antay pa ako ng trip to Batasan then no choice ako na kelangan bayaran ko ang slot sa tricycle to Sandigan, then nag Taxi papuntang SM North dahil 3am na at wala parin akong masakyan, nakasakay naman around 3.15am at nag-antay nalang hanggang mapuno at umalis ang bus by 3.30am
Morning view at Camp Sinai, ganda pala dito pag ganitong umaga, same as other mountains, no wonder mas maganda talaga mag overnight sa hike para sa mga scenery kagaya nito
This is it! 10k race is about to start in a few..
River crossing obstacle, unless may extra kang shoes, inalis mo or magaling kang tumawid sa mga batuhan, talaga mababasa ka dito no matter that (pictures courtesy of JazzRunner)
Hindi na siya Merrell kung wala ang trademark na ito, wala kang kawala sa putikan, swerte kako ang nag 5k at hindi nila naranasan ito unlike sa 10/21k nevertheless, ito ang pinunta ng mga trail runners, ang adventure na hindi madalas gawin sa ibang trail runs (pictures courtesy of JazzRunner)
Mahirap ang route just as expected, andyan ang river crossing, dadapa ka sa putikan, lalo na ang last stretch na uphill, gumawa pa ng eksena ang inyong lingkod, dahil nga sa last kilometer, naramdaman na niya ang pagpitik ng binti niya at malapit nang pulikatin kaya naglakad-lakad nalang siya hanggang sa bumigay na siya sa last 50m kung saan tinulungan na siya ng race marshall, pahinga ng ilang segundo then went to finish line. Natapos at nairaos ang sobrang hirap na 10k run.
Was able to finish the race at 2:12:49, Rank 187 among 433 10k runners, not bad!
Thumbs up Merrell for a great race. See you again next year!
Thumbs up Merrell for a great race. See you again next year!
0 Reaction(s) :: Merrell Adventure Run at Camp Sinai, Pintong Bukawe, San Mateo, Rizal
Post a Comment