Pagkatapos ng pasok, dali-daling pumunta na kami ni Vien sa LRT Buendia pa-taxi at baka nag-aantay na rin kasi sila. Ang bilis ng byahe at mga ilang minuto palang ay nasa LRT na kami. Kumain muna kami sa Jabi then wait sina Mark and Xtian na nagluluto pa ng ulam, samantalang si Royette eh sa Alabang na manggagaling at sa Sta. Cruz na kami kikitain. Nakaalis bandang 7am na at ma traffic pala sa SLEX na Los Banos na way pag ganung mga panahon. Naunahan na naman kami ni Roy sa terminal. Imbes na mag tricycle eh minabuti na naming sumakay pabalik sa Palengke kung san andun ang terminal pa Majayjay. Mga ilang minuto rin ang byahe, tapos eh sumakay ulit kami ng isa pang jeep pa Taytay naman sa Falls mismo. Nagpa register sa barangay, 30 pesos pag overnight, buti nalang at malaki ang capacity ng tent na nirentahan namin at tama lang sa aming 5 worth 350 pesos.
setup ng tent
minamalas ang kagandahan ng talon
daming mga naliligo
grabeng lamig ng tubig, totoo pala sinasabi nila
ngasab, kain at lamon pa!