Sunday morning, prep up na for the Kalisungan hike, as usual ako na naman ang late sa group at dumaan pa kasi ako sa Mercury para sa rations and tagal ng byahe at nagpupuno pa ng pasahero sa lugar namin. Samahan pa ng traffic sa Cubao na hitik ang dami ng tao sa Raymond bus na hindi ko alam bakit dagsa ang pupunta sa Bikol, nakarating bandang 5.30am sa HM Bus terminal at inaantay na ako nila Mark and Jane, si Roy hahabol nalang at kikitain kami sa Duck junction.
pahamak na bibe na yan, ang dami palang junction sa lugar na ito at binaba pa kami ng bus sa ibang junction, dapat pala ang sasabihin mo eh Masapang junction at hindi sila familiar sa duck junction kainis, sumakay pa kami ng jeep ulit imbes na isang sakayan na lang.. (credits: Empi)
went to Barangay Hall at Lamot 2, me kaunting isyu at taasan ng boses between kay Kapitan at si Ate Mercy na siyang guide namin regarding sa guide fee, inantay munang humupa ang tensyon at nag-ayos ng mga gamit bago tuluyang umalis, si Ate Mercy, nagsimula nang mag kwento ng iba't ibang bagay mula sa isyu nya sa Kapitan hanggang sa iba pang mga pwdeng pagusapan namin kaya naman hindi ko alintana ang oras at pahinga nalang kami sa mga landmarks sa area ng Kalisungan gaya ng bakantang bahay pahingahan at sa punong mangga
after almost 2 hours of trek, pahinga at ilang dulas moments, the Elite team finally conquered Mt. Kalisungan, as usual gaya ng mga nearby mountain sa area, grassy ang summit kaya mainit at walang shade kaya sandali lang kami, wala ring clearing sa ibang peaks pero ok lang, ang importante, we prove once again na kaya namin at napagwagian ang isa na naman challenge na akyatin ang bundok at being one with Nature
view of the Seven Lakes of San Pablo, maganda siguro view dito pag early morning pa
ascend/descend (credits: Endomondo)
Salamat ulit Mark, Roy and Jane aka Elite Team for another bonding time outdoors, akyat akyat ulit pag may time!
0 Reaction(s) :: Mt. Kalisungan dayhike
Post a Comment