AA's Akyat Kalusugan for the Dumagat tribe plus sidetrip to Minalungao River
4am nagkita kita sa Munoz area ang Akyat Aral family, kami ni Rex kumain muna sa Jollibee at nagkalituhan pa dahil dalawa sila at harapan pa. Around 6am umalis na ang group bound to General Tinio, Nueva Ecija for the outreach program for the Dumagat tribe. Nice to see the faces of Akyat Aral members once again.
nagkaroon ng maraming aberya sa pagpunta namin dahil sa hindi maganda ang kalsada at kelangan nang mas malakas na sasakyan, kaya naman inantay pa namin ang tinatawag nila na skeleton o tora tora para maghatid sa amin sa Sitio Bulak, inabot na kami ng tanghali kaya nag tanghalian na muna kami hanggang sa makarating na kami bandang hapon na
matapos ang halos isang oras na tumbling namin at masalimuot na pwesto sa skeleton ay narating na rin namin bandang mga hapon ang Sitio Bulak. Walang pinalampas na sandali at habang may liwanag pa at sinimulan na namin ang mga palaro sa mga Dumagat lalo na sa mga kabataan at ilang matatanda na inabot na rin ng kinabukasan ang mga palaro.
kainan time!
Sa kabila nang ilang problema na nadaanan namin along the way, naging matagumpay pa rin ang Akyat Kalusugan na programa ng Akyat Aral at binabati ko ang lahat ng mga miyembro sa walang kupas na pagtulong at pagbibigay ng kanilang oras sa misyon na ito. Mabuhay Akyat Aral family.
enjoy sa sidetrip sa Minalungao river
by
Jinjiruks
July 21, 2013
10:00 PM
Pers Day AM shift at QBE
Pers Taym ulit na buhay pang-umaga, huling natatandaan ko na nag umaga ako eh mga 2-3 taon na ang nakakaraan kaya na miss ko naman ang shift na ito. Bagong kumpanya, bagong mga pagsubok na daraanan. Dahil sa hindi na tantya ang travel time eh na late ako nang ilang minuto lang naman, masaya ang buong linggo ng training. Maaga rin kami nakakauwi para asikasuhin ang mga requirements. Intereactive at masaya ang mga activities, mababait ang mga trainer. Kailangan patunayan ko sa sarili ko na kaya ko magsimula ulit para sa bagong landas na tatahakin..
My New Family at QBE, Pioneer batch of WC U/W and Processing with Sir JP as the Trainer (center)
by
Jinjiruks
July 15, 2013
10:00 PM
Magdalena River Rafting adventure
Sunday Morning, nagkita kita ang Team Elite sa DLTB Bus Line sa MRT Buendia para pumunta sa gagawing river rafting sa Magdalena, bayan ng Laguna. As usual ako ulit ang huli. Tumagal rin ng 2 oras ang byahe at nakarating kami bandang 9 na ng umaga kung saan sumakay na kami ng jeep pa Magdalena at huminto sa Church of Mary Magdalene ang landmark sa bayang ito habang inaantay ang kasama namin na si Rex at ang guide namin sa river rafting na si Kuya Raffy
Pamahalaan Bayan at ang pamosong Walk of Fame
Balanac River Dam, final stage ng river rafting
White River Rafting adventure
Maraming Salamat ulit Tito Raffy sa pag accomodate sa amin mula simula hanggang sa paguwi namin
by
Jinjiruks
July 14, 2013
11:00 PM
Teh Last Day
Maraming Salamat sa 5 taon 4 buwan at 23 araw JP Morgan Chase!
Malungkot man pero kailangan gawin dahil sa mga personal na dahilan.
Salamat at marami akong natutunan sa iyo at sa pagkakaroon ng ilang kaibigan sa opisina.
Sabi nga ng ating HRBP, maliit lang ang industriya natin at malay mo magkikita pa tayo ulit sa ibang pagkakataon.
by
Jinjiruks
July 12, 2013
11:30 PM
Jog, Gala, Pot session sa Kyusi with Team Elite
jogging mode sa UP Diliman in preparation for the Milo National Marathon sa katapusan
after jogging, patay na tayo dyan, babawiin rin pala sa pagkain sa Sunday market sa Centris
then nag-antay kami ng bandang hapon para pumunta naman sa Icreamist, ang pamosong umuusok na s'more dip na parang pot session na rin dito, nyahaha!
Salamat ulit sa bonding at adventure Team Elite and see you this weekend sa susunod na adventure natin!
by
Jinjiruks
July 7, 2013
11:30 PM
Subscribe to:
Posts (Atom)