4am nagkita kita sa Munoz area ang Akyat Aral family, kami ni Rex kumain muna sa Jollibee at nagkalituhan pa dahil dalawa sila at harapan pa. Around 6am umalis na ang group bound to General Tinio, Nueva Ecija for the outreach program for the Dumagat tribe. Nice to see the faces of Akyat Aral members once again.
nagkaroon ng maraming aberya sa pagpunta namin dahil sa hindi maganda ang kalsada at kelangan nang mas malakas na sasakyan, kaya naman inantay pa namin ang tinatawag nila na skeleton o tora tora para maghatid sa amin sa Sitio Bulak, inabot na kami ng tanghali kaya nag tanghalian na muna kami hanggang sa makarating na kami bandang hapon na
matapos ang halos isang oras na tumbling namin at masalimuot na pwesto sa skeleton ay narating na rin namin bandang mga hapon ang Sitio Bulak. Walang pinalampas na sandali at habang may liwanag pa at sinimulan na namin ang mga palaro sa mga Dumagat lalo na sa mga kabataan at ilang matatanda na inabot na rin ng kinabukasan ang mga palaro.
kainan time!
Sa kabila nang ilang problema na nadaanan namin along the way, naging matagumpay pa rin ang Akyat Kalusugan na programa ng Akyat Aral at binabati ko ang lahat ng mga miyembro sa walang kupas na pagtulong at pagbibigay ng kanilang oras sa misyon na ito. Mabuhay Akyat Aral family.
enjoy sa sidetrip sa Minalungao river
0 Reaction(s) :: AA's Akyat Kalusugan for the Dumagat tribe plus sidetrip to Minalungao River
Post a Comment