5am nang magkita kami ni Sir Ian sa may LRT Buendia for our Mount Cristobal traverse. Kaunting usap-usap hanggang sa makarating rin kami sa bayan ng San Pablo kung san tinagpo kami ni Mang Lucio na guide namin para sa trek. Kasama niya ang ibang mountaineer na pupunta naman sa Mount Banahaw. Sumakay kami sa tricycle papuntang Dolores. Medyo maulan-ulan ang panahon pero dumiretso pa rin kami. Pinakilala kami sa tiyo ni Mang Lucio na si Mang Jaime na siyang guide daw namin. mga bandang 8am na nang nagsimula naming tahakin ang jump off area.
Matapos ang masalimuot na pagtawid sa madulas na kalsada narating rin namin ang bahay Montelibano, ang huling stopover bago umakyat
Ayan, wala kasing practice kahit takbo man lang kaya medyo hingal sa baba palang, masyadong nakalakas ng drain ung madulas na kalsada at ung gap ng aakyatan na mga ugat, kaya nahila masyado ang aking binti kaya naman bandang kalagitnaan eh pumitik siya at natuluyan na talaga nung pa bulwagan na kami
narating rin ang crater na swamp area mga bandang tanghali, daming tutubi sa lugar na ito
ang bulwagan na siyang basecamp area, ganda dito at perfect for camping, may puno na protection sa hangin, mga ugat nya pangiwas sa tubig at relatively flat na area kaso dayhike lang kami kaya kahit gustuhin namin hindi pwede
narating rin ang summit, kaso walang clearing pero Ok lang. may na accomplished na naman ako na bundok, kagaya ng sabi ni sir Ian, "a day well spent" na naman. Maraming salamat nga pala kay Sir Ian sa pagsama sa akin sa hike at si Mang Jaime na naging guide namin at siyang saklay ko sa pagbaba, andyan pa rin siya kahit malakas ang buhos ng ulan.
0 Reaction(s) :: Mt. Cristobal dayhike
Post a Comment