Saturday morning, nagkita kita ang Akyat Aral family sa Chowking sa Shaw Boulevard at lumakad pa Tanay para sa outreach program. Sa kabila ng masungit na panahon, pinagpatuloy parin namin ang aming misyon. Eto rin ang 1st na magkikita kami ni Daniel na aking kababata. Nakarating bandang 7am sa Daraitan at tinawid namin ang rumaragasang ilog sa pamamagitan ng banka at nagsimula na ang aming paglalakbay papuntang Sitio Cablao
Matapos ang dalawang oras na pagakyat at pagsugod sa hagupit ng kalikasan, narating rin namin ang Sitio Cablao. Sobrang hangin sa lugar na ito na parang liliparin ka sa bugso niya.
ruta na nilakad namin papuntang Cablao, mga 6 na kilometro na halos 2 oras 17 minuto ang inabot
Gaya ng nakagawian, nagkaroon ng mga program para sa mga kabataan na sabik na sabik namang nakilaro sa amin. Naghanda rin ng munting salo salo para sa kanila at namigay ng mga gamit pang paaralan sa mga kabataan.
Congratulations ulit sa Akyat Aral Family sa isang matagumpay na proyekto. Sa kabila ng sungit ng panahon, pinagpatuloy parin natin ang ating misyon na bigyan ng ngiti at pagasa ang mga bata na nagaantay sa taas. Sana makapasa pa kami sa inyong mga proyekto.
Nilisan namin ang Sitio Cablao kinabukasan. Walang tigil ang paguulan kaya naman lumuwa ang ilog at delikado na siya tahakin sa bandang ibaba kaya naman sa mga boulder na kami dumaan at isang challenge ito sa aming lahat lalo na ang mga baguhan palang sa amin. Sabi ko nga eh, lahat first time ko dito, charge to experience nalang. Pero nag enjoy ako sa adventure na ito.
Tinahak namin na daanan pabalik. Umalis kami sa Daraitan bandang mga hapon na matapos magpalit ng damit at maligo ang ilan sa amin. Nakakapagod pero masaya kaming lahat sa aming misyon. Hanggang sa uulitin Akyat Aral family.
0 Reaction(s) :: Akyat-Aral: Share a Bread, Save a Life project
Post a Comment