Nagkaroon ng pagkakataon na maging volunteer ang inyong lingkod sa katauhan ng pagiging bus marshal sa gaganaping 1st Family Day ng QBE. Sunday ang event na ito at wala naman akong naka sched na gagawin kaya ok lang. Mabilis naman ang byahe at nakarating rin ako sa office on time. Medyo madalang ang pagdating ng mga pamilya na pupunta sa event sa Megatent sa Libis, QC. Hanggang sa last batch na eh ako nalang at yung driver ang kasama papunta sa site. Andun na rin ang aking mga ka team mate kasama ng kanilang mga anak. Sobrang nag-enjoy ang lahat sa pagbaha ng pagkain, inumin, laro at higit sa lahat mga pa premyo. It pays to be a volunteer, sabi ko, bukod sa mga freebies eh nanalo pa ako ng minor prize na blender. Kaya naman sa susunod na mga event eh sasali ulit ang inyong lingkod. Maraming salamat ulit sa QBE sa pagkakataon na makasama sa ganitong aktibidad.
Mt. Balagbag, the second time around
Dahil sa ilang linggo na akong hindi nakakaakyat ng bundok. Napagpasyahan ko na umakyat ulit sa malapit lang na bundok dito sa amin. Sorry kung last minute ako magyaya mabuti at may tumugon naman sa aking anyaya at si Jonathan ay nayaya ko na umakyat sa Bundok Balagbag. Nakaraang taon pa nung umakyat ako dito kasama si Sir Aldrin. Medyo tanghali na kami nagsimula at kainitan ng araw. Mabuti nalang at medyo on time kami nakaakyat sa summit at nakababa rin bago pa ang last trip ng bus. Sayang nga lang at sarado na daw ang Mt.Maranat dahil sa mga engkwentro ng mga sundali at mga NPA sa naturang lugar. Sana makasama ko rin sa pagakyat ang ilang baguhang mamumundok para ma appreciate rin ang ganda ng lugar at lapit lang sa QC.
by
Jinjiruks
October 20, 2013
9:00 PM
Outbreak Missions: The Adarna Initiative
Last week, napagusapan ng magkakaibigan na Abundio, Rene at Thomas na magpa rehistro sa gaganaping Outbreak Missions, niyaya nito sina Cyril at Emerson pero nde nakapag paregister ang mga ito at si Emer sa kabutihang palad ay nakahabol pa. After ng work ko, diretso na ako sa Ayala MRT para tagpuin sina Thomas, Rene, at Abundio. Bandang 6/7pm na rin nang magkita at kumain kami sa Chowking. Pahinga sandali at kikitain namin si Emer sa may Festival Mall na.
Inikot muna namin ang Festival Mall at tiningnan ang mga sulok para sa preparasyon sa gagawing Misyon. Nag-antay muna kami sa Seattle at dun na kami kinita ni Emerson. Pagsapit ng bandang 11 ng gabi. Naghanda na kami at midnight ang wave namin. Pa picture muna bago ang event.
Bandang hatinggabi na nang magsimula ang Mission, maraming mga sumali halos mga kabataan. Sa simula takbuhan na agad at walang segundo na dapat palagpasin, daming zombie na humahabol at nawalay agad kami ni Rene sa aming mga kasama. Daming mga puzzle at pasikot sikot sa loob ng Festival Mall, nakasama kami sa mga kabataan na medyo ok mag strategize. Hanggang sa malapit na kami sa dulo, binigay ko ang life flag ko kay Thomas, sa final stretch ng misyon, sayang lang at nakuhanan ako ng flag at hindi nakakuha ng dog tag pero mabuti nalang at hindi kami nagpahid ng "Adarna" at wala talagang gamot sa Misyon na iyon. Ang mga kasama namin dahil sa hindi kami sinabihan at nagsariling desisyon eh hindi naman nakapasa at walang dog tag at hindi nakalagpas sa Misyon. Matapos ang event ay nagpa picture na kami sa mga zombie na kagaya ng unang plano namin.
Salamat at ulit at naka bonding ko ang STARS Bravo Team from this Zombie Invasion. Hope to see you again and hopefully sa ibang event naman like running and hiking.
by
Jinjiruks
October 19, 2013
12:30 AM
Subscribe to:
Posts (Atom)