Last week, napagusapan ng magkakaibigan na Abundio, Rene at Thomas na magpa rehistro sa gaganaping Outbreak Missions, niyaya nito sina Cyril at Emerson pero nde nakapag paregister ang mga ito at si Emer sa kabutihang palad ay nakahabol pa. After ng work ko, diretso na ako sa Ayala MRT para tagpuin sina Thomas, Rene, at Abundio. Bandang 6/7pm na rin nang magkita at kumain kami sa Chowking. Pahinga sandali at kikitain namin si Emer sa may Festival Mall na.
Inikot muna namin ang Festival Mall at tiningnan ang mga sulok para sa preparasyon sa gagawing Misyon. Nag-antay muna kami sa Seattle at dun na kami kinita ni Emerson. Pagsapit ng bandang 11 ng gabi. Naghanda na kami at midnight ang wave namin. Pa picture muna bago ang event.
Bandang hatinggabi na nang magsimula ang Mission, maraming mga sumali halos mga kabataan. Sa simula takbuhan na agad at walang segundo na dapat palagpasin, daming zombie na humahabol at nawalay agad kami ni Rene sa aming mga kasama. Daming mga puzzle at pasikot sikot sa loob ng Festival Mall, nakasama kami sa mga kabataan na medyo ok mag strategize. Hanggang sa malapit na kami sa dulo, binigay ko ang life flag ko kay Thomas, sa final stretch ng misyon, sayang lang at nakuhanan ako ng flag at hindi nakakuha ng dog tag pero mabuti nalang at hindi kami nagpahid ng "Adarna" at wala talagang gamot sa Misyon na iyon. Ang mga kasama namin dahil sa hindi kami sinabihan at nagsariling desisyon eh hindi naman nakapasa at walang dog tag at hindi nakalagpas sa Misyon. Matapos ang event ay nagpa picture na kami sa mga zombie na kagaya ng unang plano namin.
Salamat at ulit at naka bonding ko ang STARS Bravo Team from this Zombie Invasion. Hope to see you again and hopefully sa ibang event naman like running and hiking.
0 Reaction(s) :: Outbreak Missions: The Adarna Initiative
Post a Comment