Sunday morning, maagang umalis sa bahay dahil maaga ang flight ko pa Ozamiz city na mga 6am, with my former officemate Rex. Try ko lang kung may shuttle nang ganun kaaga kaya naman nag sadya ako na bumaba sa Pasay Rotonda pero mga 6am pa daw ang start niya kaya minabuti ko nalang na kitain si Rex sa MRT Ayala at mag taxi nalang pa Terminal 3. Napalitan pa ang gate area namin na imbes 120 eh sa 116 pero on time naman ang flight.
Mga 1hr 25mins ang byahe, this is my 2nd time already na makapunta ng Mindanao kaya excited ulit ako dahil new area na naman ang mako-cover ko
On our 1st day, byahe na agad kami pa Iligan City, ganito pala dito, para mapabilis ang byahe merong Barge terminal sa Mukas na parang mini Roro tapos transfer ka sa kabilang side para makatipid ng oras kesa ikutan mo ang byahe para makapunta sa Iligan part. Tanghali na nang makarating kami sa terminal, kaya nag pasya kami na dumiretso na sa Islamic City of Marawi dala ang aming backpack. Adventurous talaga kami despite sa mga kaguluhan na nangyayari sa ilang parte ng Mindanao eh tuloy pa rin kami. In fairness tahimik naman ang Marawi city which is the only Islamic City in the Philippines. Sinadya namin puntahan ang Mindanao State University. Grabe ang lamig dito at mala Baguio ang klima. Kaya naman sarap mag-aral siguro dito. Reminds me of UP Diliman habang nililibot namin ang lugar.
Day 2, maaga kaming nagising for breakfast at nang makarami. Instead of pushing sa itinerary namin na come what may eh, nakahingi si Rex ng DIY IT mula sa Inn na tinuluyan namin mula sa DOT Iligan City kaya ito ang susundin namin for the whole day. 1st stop namin eh mag courtesy call (VIP lang ang peg) sa DOT sa bahay Salakot para mag inquire kung merong mga guide or transpo na provided. Then we decided na kami nalang mag commute para mas tipid. Maria Christina Falls, super ganda ang lugar at mabuti nalang at Lunes kaya halos kami lang ang tao sa area na iyon. Sobrang lakas ng current sa falls kaya hindi sya advisable na liguan.
Quick trip to Mimbalot Falls
Then last stop at Tinago falls, medyo malayo ang area at kelangan mag habal-habal kami, tama nga na Tinago talaga siya dahil nasa pinakadulo pa siya ng Linamon sa Lanao del Norte. Blue green ang water, malamim, meron pang raft area dun kung san pwede ka lumapit sa falls, parang Signal#4 ang hangin at dalisdis ng tubig sa falls, as much as I want to swim takot ako kasi malalim siya kahit pa may life vest pero enjoy pa rin and na appreciate ko ang area.
On our last day at sorry Rex dahil sa kung anung aberya at anung oras na tayo nakapunta sa Tangub City. Medyo inabot na kami ng tanghali kasi nang makarating dito tapos medyo makulimlim pa. Sabi ko sa sarili ko Lord, pagbigyan nyo na kami at medyo matatagalan pa bago kami bumalik dito. Nagsimula nang pumatak ang ulan nung nag habal-habal kami kaya naman tumambay muna kami sa kalapit na bahay para magantay na tumila ang ulan at Halleluja at lumipas rin ang ulan at balik na ulit ang haring Araw sa langit. At nakapunta na nga kami sa Hoyohoy Stone Chapel Adventure park kung san ito talaga ang goal namin para ma experience ang longest and highest zipline in Asia. Medyo lungkot nga lang at hindi pwede mag solo or superman kaya naman naka sitting position at partner pa kami sa zipline. Grabe ang taas ng area at nakakalula siya. Kaya todo kapit naman ako sa harness ko at buti nde ko dala cellphone ko at baka mahulog pa siya. Nice yung area, tamang chillax at malamig pa, will be back here kasama ng iba pang friends.
Last stop of the day pagbalik sa Ozamiz city ang Cotta Fort, yun nga lang at nahuli kami sa punta at close na ang area kaya naman dun kami sa Cotta Shrine nag settle at take pictures, inamoy muna ang dalampasigan na humahampas sa Port of Ozamiz at ninanamnam ang huling araw namin ng pag stay dito sa Northern Mindanao bago tuluyang umalis kinabukasan ng umaga pabalik ng Manila. Salamat ulit Sir Rex sa pagsama sa adventure na ito and hopefully sa ibang travel or hike eh makasama ulit kita at iba pang mga friends.
0 Reaction(s) :: Teh Great Northern Mindanao adventure
Post a Comment