IMMOS

0 Reaction(s)

Sayang

0 Reaction(s)
Habang ang iba na sulit ang long weekend, ako dito lang sa bahay pababoy lang, nasasayangan ako at walang akyat kung kailan mahaba ang bakasyon

For what it's worth

0 Reaction(s)

Know thy differences

0 Reaction(s)

...

0 Reaction(s)

Deposit muna tayo

0 Reaction(s)

Sabi niya..

0 Reaction(s)
Madami tayong hinahanap sa buhay..pero ang tanong,  mkkta nga b ntn sa isang lugar ang mga hnhnp ntn? Do we settle 4 ok or we'l keep on looking 4 d bettr? How we'l we know dat d nx one is d bettr one? For me, why keep asking d questions when u shud start lookng 4 d answrs. Go on nd make dat nx step nd f it did not turn out d way u wnt it to, reflect, cry f u wnt..den make d next step, dis time u'l know its d BETTER one..

True

0 Reaction(s)

Shards of Wisdom

0 Reaction(s)

Don't take pity on yourself. Instead, work harder to make your situation better. 

Be happy. There are so many things to be thankful for.

Time won't stop for you. Worrying and stressing is simply a waste of time.

Nothing will change your situation more than changing your attitude. Perspective is everything. Be thankful for your struggles, because there is a lesson to be a learned in the end of it.

to You

0 Reaction(s)
Treat me Right, I'll treat you better.. 

...

0 Reaction(s)

Panaghoy

0 Reaction(s)
halaw mula kay Poging Bulag..

 "Umiikot ang mundo. Tumatakbo ang oras.

 mabilis, matulin, parang hangin.
 habang nakikipag siping ang isipang uhaw.
habang lumilipad ang diwang sing tingkad ng araw nakita ko ang aking sarili sa loob ng aking isip.

naliligaw, sumisigaw, naghahanap ng lugar,
naghahanap ng tirahan,
naghahanap ng kasama,
nag hahanap ng uunawa.

naghahanap ng katotohanan,
naghahanap sa gitna ng kawalan.
walang patutunguhan,
subalit patuloy sa paglalakad"

Sabi niya..

0 Reaction(s)

Napaka igsi ng buhay para ilaan sa lungkot, sa problema sa trabaho, oh sa katrabaho, katrabahong maraming issue, oh sa kaibigan, sa karelasyon at iba pa, tanong lang, bakit ba tayo nagsusumikap? Dibat para mabuhay, para mabili ang gusto, magawa ang gusto, ng sa ganun maging masaya, makaipon, makapag pundar. Ngayon kung magpapatalo tayo sa problema na yan at magmumukmok oh iiyak sa gilid, hindi mo ba naisip na sayang ang buhay? Lahat tayo hindi na pabata, habang lumilipas ang oras patanda tayo ng patanda buhay natin pawala ng pawala, kaya mamili ka, san mo gustong gamitin ang natitirang buhay mo? Sa lungkot oh sa ligaya? 

Tandaan, Hindi lahat ng bagay kaya mo, hindi lahat ng sira kaya mong ayusin, lahat tayo may kanya kanyang tungkulin sa mundong ito minsan may mga pangyayareng hindi mo na kayang baguhin oh ayusin. Kaya chill lang enjoy life smile everyday kahit ano pa yan 🤟🏻

- Geo Ong, taken from Facebook

Jin as Doc Lab

0 Reaction(s)

na retrieved lang sa old yahoo mail inbox na galing sa yahoo briefcase, convo with Tris na nasa abroad that time habang ako eh college student pa.. 


mark_james01: k lang

jepoy_m: ok ka na ba?

mark_james01: musta?

jepoy_m: musta ung sermon?

mark_james01: meh probema ako

jepoy_m: anu yon

mark_james01: meron ako gusto ligawan eh

jepoy_m: ahh ok.. then

mark_james01: kaso mas matanda and mas matalino

jepoy_m: gaano katanda?

jepoy_m: baka naman nanay mu na yan/

mark_james01: 24

mark_james01: sa UP kc galing un kaya matalino

mark_james01: d ko alam kung pano ko...

mark_james01: wala 

mark_james01: d ble na lang

jepoy_m: ilang taon knba?\

mark_james01: 20 na sa jan

jepoy_m: ahh ok//

jepoy_m: anung msama dun?

mark_james01: ala namn

jepoy_m: anong inaalala mu

mark_james01: di ko alam kung pano ko itatanaong kung pwede ako manligaw

jepoy_m: ask her

jepoy_m: ende ung magaantay ka dyan ng himala

mark_james01: last day ng skul amin ngaun

mark_james01: baka hindi ko na makita un

jepoy_m: sabihin mu ngaun

jepoy_m: anu pa antay mu

mark_james01: gragraduate na kc n2ng sem na 2

jepoy_m: go!!!!!

jepoy_m: go!!!!!

jepoy_m: go!!!!!!

mark_james01: kaso baka mareject ako

jepoy_m: ende maiiwasan un

mark_james01: pag may ino-offer ako don laging nirereject

jepoy_m: kung kayo kayo// pag ende ende

jepoy_m: ganun lang kasimple

mark_james01: pag nareject ako baka di ko matanggap

jepoy_m: cant lose what u never had//

mark_james01: eh kung maghinatay pa ako ng ilag araw, bwan, taon?

mark_james01: kc ngaun na lang kami nagkita uli non after 2 yrs

mark_james01: nung pasukan nga di pa kami masyado nagpapansinan

mark_james01: kelan na lang uli nung pumunta kami sa talk tapos tinanong ko kung uuwi na cya

jepoy_m: then...

mark_james01: tapos sabi nya "bakt sasabay ka?"

mark_james01: commute kc ako nong araw na un

mark_james01: tapos meh dala cya kotse

mark_james01: tapos e di sumabay ako

jepoy_m: ahh sakay ka car

jepoy_m: then..

jepoy_m: anu pinagusapan nyo

mark_james01: tapos cmula non napapadalas na ung pagsabay ko sa kanya

mark_james01: papasok sa skul and pauwi

jepoy_m: then wala bang hint?

mark_james01: ewan ko

mark_james01: minsan napaguusapan namain ung mga baogng palabas sa cne

jepoy_m: nyak// ang hirap ng ganun

jepoy_m: ?

mark_james01: tapos pag tinatanong ko kung gusto nya panoorin to.. yan...

jepoy_m: anu sabi

mark_james01: hindi sumasagot

mark_james01: parang ayaw

mark_james01: saka na daw kc nung mga araw na un

mark_james01: gumagawa kami ng mga proj

mark_james01: busy kami

mark_james01: lagi nga kami ouyat

mark_james01: puyat

mark_james01: tapos pag cnasabi ko na dahil nga sa parehas kami puyata kung pwede ako na lang ang magmamaneho

mark_james01: tapos reject pa rin

mark_james01: nung gumagawa kami ng proj.. minsan hanggang madaling araw nagusap kami sa phone non

mark_james01: ewan ko ba

mark_james01: censya ka na dami ko na cnabi

jepoy_m: nyak

jepoy_m: ok lang..

jepoy_m: alam mo it would be better na confront mo na sya

jepoy_m: kesa naman tumagal yan//

jepoy_m: kaw lang nahihirapan nyan

mark_james01: di ko nga alam eh.. parang ayoko masira ung friendship namin

mark_james01: dahil medyo close na kami non

jepoy_m: bhala ka// you have to choose

mark_james01: hindi naman sa close na close

mark_james01: basta we get along ok

mark_james01: we get along fine

jepoy_m: either 1] say and let love takes place or 2] dont say and continue to endure the friendship full of pretendings

jepoy_m: kaw bahala

jepoy_m: kung anuman decision mo/// panindigan mo

mark_james01: parang natatakot ako na baka pagtinaong ko kung pwede ako manligaw baka mareject ako

mark_james01: sa tinign mo patgalin ko muna

jepoy_m: fear of rejection// paano mo malalaman kung ganyan ka ng ganyan

mark_james01: kaso baka hindi ko na makita un

jepoy_m: wag tris/// kaw lang nahihirapan nyan

mark_james01: ewan ko para nanga ako mamatay d2

jepoy_m: now or never

mark_james01: dami ko na problema

mark_james01: dinadagdagan ko pa

jepoy_m: u have to make a choice now

mark_james01: ngaun?

mark_james01: as in ngaun?

jepoy_m: wag mo nang patagalin

jepoy_m: kung may chance sabihin mo

jepoy_m: maghanap ka lang ng tyempo

mark_james01: kso 2ng mga nagdaang araw parang medyo umiiwas na

jepoy_m: ayan na nga/// mabuti pang sabihin mo

jepoy_m: kesa unti unting lalayuan ka nyan

mark_james01: dati pag hinahatid na ako sa bahay pag tinanong ko kung ano oras cya papasok

mark_james01: ang sagot eh "bakit sasabay ka?'

jepoy_m: nyak// pakipot lang un

mark_james01: eh samantalang kagabi tinanong ko kung pwede sumabay

mark_james01: sabi nya "hindi ko alam, ihahatid ko pa kc tatay ko,, ihahatid ko pa nanay ko.."

jepoy_m: ang hirap nyan//

jepoy_m: kaya nga tapatin mo na tris//

mark_james01: samantala datio cnasabi nya "ok, pagkahatid ko sa nanay ko tatawagan kita.. dapat ready ka nang 7:30 -8

jepoy_m: wag mong hayaan na mangyari pa na lumayo na sya ng tuluyan nang ende nalalaman narramdaman mo sa kanya

jepoy_m: call her now

mark_james01: ngek

mark_james01: baka magkita kami sa skul non ngaun

jepoy_m: bahala ka nga

jepoy_m: ang kulit

mark_james01: di ko alam kugn pano ko sasabihin

jepoy_m: ikaw na nga tinutulungan dyan

mark_james01: baka kc d ko matanggap... baka sa pasukan mawalan ako ng gana

mark_james01: matagal pa naman bago akomakalimut

jepoy_m: kaya nga habang maaga sabihin mo na

jepoy_m: para ende na magtagal yan

mark_james01: pano ko sasabihin?

jepoy_m: nyak// kaw nakakalam nyan

jepoy_m: sabihin mu gusto mo sabihin naturally

mark_james01: meron pa cya libro sakin eh

mark_james01: 2

mark_james01: and meh pinapaburn na cd

mark_james01: kung don ko na lang sabihin pag ibibbgay ko na ung mga un?

mark_james01: di ko alam kung ready na ako

jepoy_m: tris// now or never

jepoy_m: just say naturally kung ano narramdman mo

jepoy_m: mhirap ung scripted

mark_james01: ok tapos?

mark_james01: tanong ko kung hindi pa cya nakakahalata? kc pag sumasabay ako sa kanya

mark_james01: kahit alam ko pwede na ako umuwi

mark_james01: hinihintay ko pa rin cya

mark_james01: kaya nga ginagabi na ako ng uwi lagi

jepoy_m: sabihin mo na may special kang nararamdaman sa kanya

jepoy_m: ey tris// sorry po// pero kelangan ko na mag log out// time na ako

jepoy_m: pero just try to absorb na lang po lahat ng sinabi ko sa yo

mark_james01: ok salamat sa pakikinig

jepoy_m: hope// na nakatulong ako

jepoy_m: cge po paalam na// gandang am/// gabi dito

Panaginip

0 Reaction(s)

Medyo vivid pa ang panaginip ko kanina. Ewan ko bakit naalala ko pa rin siya hanggang ngayong oras. Na parang galing ako sa area bago mag Estrella eh lumakas ang ulan, dala ko hiking bag ko at medyo malakas ang ulan eh sumugod ako sa baha, ramdam ko ang lamig ng baha tapos nakita ko nalang na butas ang kaliwang hiking shoes ko sa bandang unahan. Nagpatila muna ng ulan sa isang waiting shed.

Biglang nag shift sa isang parang school at may exam pa nga na nangyayari. Nag excuse muna ako at may kukunin sa bag ko. Parang nagkausap kami ni mama nun at nanghiram ata ng pera. May hinahanap ako sa hike bag ko na Atmos na nga siya kahit hindi pa dumadating. Hindi ko namalayan ang oras at pagbalik ko ako nalang ang hindi tapos mag exam at inaantay ako ng proctor. Nag sorry ako pero parang ok na at no need ko na kailangan tapusin daw.

Lumipat na naman ang eksena sa may talipapa parang nawala kasi ang isang pares ng tsinelas na sinusuot ko kaya napapunta ako dun. May nakita akong trekking pole habang naghahanap ng tsinelas. Eh wala sa lugar na yun ang hinahanap ko lumipat ako sa kabilang talipapa at nag motor ata. Hanap parin ako hanggang sa hindi ko namalayan na nadala ko pala ang pole at hindi ko naibalik sa tindahan kaya tinawagan ako na nadala ko ata daw iyon at hindi nabayaran. Hindi ko alam bakit hindi ako bumalik kasi naging kainan na ang area at bumaba pako ng hagdan para makalabas sabay usap sa akin nung mga tindera na parang hawig ko ata ang nagdedeliver sa kanila ng paninda.

Hanggang sa nagising nalang ako. Medyo ganyan kagulo ang panaginip pero hindi ko alam ano ibig sabihin. 

19 years in the making

0 Reaction(s)
this is probably one of the earliest email convo i have na nakatago pa, the most earliest eh nag down na ang site which is parsmail..


on Materialism

0 Reaction(s)

People are so hooked up with material things, working long hours to attain that, and still end up being miserable. 

They didn’t know that Materialism is a system that eats them from the inside out.

These people define their value in terms of the objects that they own. They get stuck in a never-ending comparison. They crave external appreciation and wait to be noticed by others.

And losing their true identity in the end.

- Francis Isberto

...

0 Reaction(s)
i miss your company.. 

Sabi niya

0 Reaction(s)
I am so DEEPLY SAD... I missed being cuddled, kissed and loved... How i wish ganun kadaling mahalin kang taong mahal mo para masaya.

Paglisan sa Lungga

0 Reaction(s)
Huling araw nasa dorm na tinutuluyan. Impake time na. Matapos ang halos dalawang buwan na pagsubok lang kung paano ang buhay. Oo nakakatipid ng oras at maagang nakakauwi pero hindi talaga nakakaipon at negative palagi sa gastos, samahan mo pa nang pabago bagong polisiya ng namamahala ng room namin at mas mabuting hindi ko nalang banggitin ang mga di pagkakaunawaan at ugnayan namin sa kanya. Medyo liberating at parang OFW akong pauwi sa amin nung gabing iyon at nagpaalam nako sa aking kasama na kung sakali makahanap siya ng magandang room na good for two nalang at hindi nakikialam masyado ang mayari ng bahay eh mas ok at baka bumalik ako pero sa ngayon habang hindi pa kaya pagsabayin ang gastos sa bahay at pag rerenta pa ng room eh tiis tiis muna sa apat na oras na paguwi sa amin mula sa Pasay.

Just a Normal day

0 Reaction(s)
Normal celebration sa office ata itong Valentines Day. Nag setup pa ng mini stage for picture taking. Hindi lang sanay dahil sa BPO world normal day lang lalo na SLA/Volume driven tayo. Nakisali sa bunutan ng pair, worth 50 pesos lang halos ang pinabili tapos eh halos doble ang nabalik sa akin. Umuwi din nang maaga sa dorm at minabuting mag download nalang ng tv series.

Hanggang

0 Reaction(s)
Nagusap kami ng close friend ko at pinagusapan namin mga bagay bagay na nangyayari sa buhay namin. Sa kanya ko lang nasasabi mga ganitong bagay at nagiging totoo ako sa sarili ko at sinasabi mga nasasaloob ko. Halos lagpas isang linggo na nang malaman ko nga na meron nang iba si ex.

Karma na nga daw sa akin iyon dahil sa ginawa ko. Parang hindi parin ako makapag move on at natutulala nalang ako pag naiisip ko mga happy moments kasama siya. Wag ko na daw balikan at respeto nalang din sa kanya at sa akin. Mabuti nga siguro ganon nalang sana. Kahit anong divert ko na pagpapaka busy gaya ng panonood ng mga TV series, at the end of the day. Malungkot parin.

Kailan kaya magiging ok ang lahat para sa akin. Pakiramdam ko parang dapit hapon at nawawalan nako ng pagasa na magiging maayos din ang lahat. Hanggang kailan ako magaantay at aasa na may darating na magandang bukas para sa sarili ko. 

The Hunting of Hill House

0 Reaction(s)

A nice tv series to watch sa Netflix. Hindi OA ang pagka horror niya, tamang timpla lang sa suspense. Maraming twist at revelations along the way. Two thumbs up at na entertain niya ako at nakakarelate sa mga struggles. Sana marami pang mga ganitong series na original at tumatagos sa mga viewers talaga. 

The third stage..

0 Reaction(s)

I hate to turn up out of the blue uninvited but I

Couldn't stay away I couldn't fight it

I had hoped you'd see my face

And that you be reminded that for me it isn't over.. 

Sabi niya

0 Reaction(s)
Pero seryoso, sa pagdating ng panahong para lamang sayo, darating ang kailangan, at unti-unti, maglalaho ang lahat ng takot. 

-Yas Jason, blogero

Unspoken

0 Reaction(s)
It was last week na nagkaroon tayo ng pagkakataon na magkausap. As usual umabot na naman ng lagpas isang oras ang ating kumustahan sa isa't isa, ako habang may OT at ikaw may pupuntahang pagtitipon.

Me bagay na gusto ko sanang sabihin sa iyo sa araw na iyon. Na nais ko sanang magsimula tayo muli at handa akong ayusin at mag meet tayo ng halfway sa naging dahilan ng ating paghihiwalay. Pero kinabukasan bigla mo nalang sinabi na meron ka na palang iba kaya medyo ok ka na. Kaya pala sinabi mo na open ba sa pakikipagusap sa ex kahit meron kana at oo ang sagot mo pero sa palagay ko, mas mabuti nang walang komunikasyon at awkward iyon sa kinakasama mo.

Nagtanong ka sa akin kung kumusta na pakiramdam ko nung nalaman ko sa iyo ang balitang iyon. Mas minabuti ko nang hindi magsabi nang totoo na ok lang ako at normal lang. Pero hindi mo lang alam sa loob loob ko medyo nalulungkot lang ako dahil ang mga plano ko at pagaayos ng gaya ng dati ay bigla nalang gumuho at hanggang ngayon andun parin ang kirot at pag sink in ng nararamdaman ko. Parang nabaliktad ang sitwasyon natin. 

Pero kaya yan, pinatigas na ako ng panahon at malalampasan ko rin ito. Gaya ng sabi ni Adelle, I wish nothing but the best to you. 

Trying

0 Reaction(s)

Hmm kaya ko kaya?

0 Reaction(s)

..

0 Reaction(s)

Sabi niya

0 Reaction(s)
Hindi madali ang umahon s bundok. Pagod, puyat at malaking gastos ika nga. Pero ang kapalit ay ang di maipaliwanag n kasiyahan s piling ng inang Kalikasan n di kayang tumbasan ng apat n sulok ng syudad n ating ginagalawan. Ang magkaroon ng mga bagong kaibigan at kasama s walwalan ay ilan lamang s nagiging bunga ng pagpapagod s kabundukan. Minsan nga c POREBER ang natatagpuan.

-Kuya Arnel, Giya

Bes

0 Reaction(s)

Photo was taken last weekend at Malabrigo, Lobo, Batangas. It's been a while since the gang went on a trip. Being with them will always be the happiest dahil sa kanila lang nasasabi ko mga nasasaloob ko at iba lang mga drama at tagumpay sa buhay. Thank you guys for being there always to me. 

He Says

0 Reaction(s)

Although I cannot say that this blog has been demised, I just lost the determination. Not even a writer’s block I must say, I just lost it.

Even though my presence won’t be felt not as much as like three years way back, I’ll still try to lurk into your homes.

I wish that someday I will rekindle the flame with writing, but I guess not for now.

Thus, I go back to the state of dormancy.

-Mike's Secret Inhibition

----> i feel the same way.. Wala na ang dating drive para mag blog, nagbabago ang priorities at hilig. Nakakamiss na dating buhay kung pwede lang ibalik ang nakaraan at sundan ang ibang path.

Pag-isipan

0 Reaction(s)

Nowadays

0 Reaction(s)

He Says..

0 Reaction(s)

I hate it. I hate doing nothing. It gets me really upset. It just contributes to a very old sequence that grinds my sanity off their mark. If I stood for thirty seconds without me doing something, flashbacks would start throbbing in my mind, my heart, my soul. 

[ g.e.t.t.i.n.g. l.o.n.e.l.y. ], Project Black and White

Tanto

0 Reaction(s)
Minsan naiisip ko minsan. Nakakapagod na magtrabaho. Ilang taon narin akong nagtratrabaho mula pa nang nagtapos ako sa kolehiyo. Gusto ko na minsan magpahinga, magbakasyon at mag reflect minsan sa kabundukan, basta malayo. Iniisip rin minsan. Para san ba itong ginagawa ko. Anong end game nito. Bakit ako nagpapakapagod samanatalang ang iba living the best of their life. Ewan ko. Sinasabi ko nalang palagi kagaya ng motto ko sa pamumundok. Mapapagod pero hindi susuko. Bahala na kung anong ilatag sa akin ng kapalaran. 

Nasasanay na rin..

0 Reaction(s)
Halos two weeks narin sa dorm. Medyo kampante na rin at kaunting adjustment na rin. Umuuwi parin ako ng weekend para dalhin ang labahin pero eventually kelangan matutunan narin na magpalaba dito para makatakbo or jog sa weekends. Humaba narin ang oras ng pahinga at pag tulog kaya medyo advantage talaga. Hindi ko pa alam kung cost effective siya at yung oras talaga ang mahalagang factor sa akin na ang apat na oras sa byahe eh sana nakapagpahinga na. Good luck nalang sa akin at sana magtagal at masanay at eventually makalipat na magkakasama kaming magkakabarkada. 

Life is not a Race

0 Reaction(s)

Taken from a facebook post from sir JP.. An eye opener to everyone.. 

”This is the problem of some (or most) people in our society. They think life is a race. People are socially conditioned by unrealistic requirements and standards. Hello, its already 2019.

Some arrive at work late, some come early. We all have our own road bumps and hindrances during our life journey. 

PLEASE. Ang buhay ay hindi contest. Life is not a competition. STOP THE COMPARISON. Dont let make other people feel they cant keep up with the invisible race our unrealistic fellows created. Let’s not make people question their life just because we are a bit of ahead of them. Kaya marami ang na de-depress.

Wala sa edad yan. Kung kaya mong makabili ng kotse by 24, go! But if you can't afford one yet and you're already 35, wala rin namang problema doon. Relax lang. 

Instead of saying, "Ikaw?", how about, "Kaya mo rin yan. Ikaw pa ba! 😉

When other people succeed, be happy for them. 

When you succeed, help others succeed, too.” 


Don't be pressured.

Do not pressure. 

We all have our timelines.

Home (-sic)

0 Reaction(s)
Nakakamiss ang paguwi nang late, ngayon kasi 0530pm nasa haus nako pero syempre advantage ang malaking oras ng pahinga pero late pa rin ako nakakatulog.

Nakakamiss ang mga kakilala ko nung nasa BPO pa ako palibhasa kasi halos same age range lang kami kaya nakakausap at namumura ko sila nang hindi sila na oofend. 

Nakakamiss rin si ano. Perfect na sana eh, ala nakong hahanapin pa sa kanya kaso ang oras naman niya ang may problema kaya last year mas minabuti ko nang putulin na. Mahirap dahil hindi siya deserving na gawin ko kanya ito pero hindi rin naman ako magiging masaya at patuloy lang namin pagaawayan ang oras. 

Nakakalungkot pero need to move forward, tumalon sa comfort zone at explore ang possibilities.

Magiging ok din ang lahat. Temporary challenge lang ito. 

MMXIX

0 Reaction(s)
Bagong taon na naman. Sinilip lang ulit ang blog. Half year na rin sa wakas at kahit papaano may security of tenure dito sa bago kong trabaho sa gobyerno at iniwan ko na ang lagpas isang dekada sa buhay BPO. Isang dekada na rin na walang relasyon. Pinatibay na ako ng panahon. Masaya at malungkot pero wala naman tayo magagawa kundi mag move forward lang. Dahil nalalayuan na ako na Pasay at uwian pa sa Montalban, napilitan akong mag dorm sa loob ng dalawang dekada kung kelan ako tumanda saka ko palang ma experience ang ganito kaya nag aadjust pa ako. Nagbalik tanaw lang sa mga previous entries last 2009, mga panahon ng kalokohan at katangahan ko pa. Pero salamat sa experience at natuto rin at pinatatag ako.