...

0 Reaction(s)
i miss your company.. 

Sabi niya

0 Reaction(s)
I am so DEEPLY SAD... I missed being cuddled, kissed and loved... How i wish ganun kadaling mahalin kang taong mahal mo para masaya.

Paglisan sa Lungga

0 Reaction(s)
Huling araw nasa dorm na tinutuluyan. Impake time na. Matapos ang halos dalawang buwan na pagsubok lang kung paano ang buhay. Oo nakakatipid ng oras at maagang nakakauwi pero hindi talaga nakakaipon at negative palagi sa gastos, samahan mo pa nang pabago bagong polisiya ng namamahala ng room namin at mas mabuting hindi ko nalang banggitin ang mga di pagkakaunawaan at ugnayan namin sa kanya. Medyo liberating at parang OFW akong pauwi sa amin nung gabing iyon at nagpaalam nako sa aking kasama na kung sakali makahanap siya ng magandang room na good for two nalang at hindi nakikialam masyado ang mayari ng bahay eh mas ok at baka bumalik ako pero sa ngayon habang hindi pa kaya pagsabayin ang gastos sa bahay at pag rerenta pa ng room eh tiis tiis muna sa apat na oras na paguwi sa amin mula sa Pasay.

Just a Normal day

0 Reaction(s)
Normal celebration sa office ata itong Valentines Day. Nag setup pa ng mini stage for picture taking. Hindi lang sanay dahil sa BPO world normal day lang lalo na SLA/Volume driven tayo. Nakisali sa bunutan ng pair, worth 50 pesos lang halos ang pinabili tapos eh halos doble ang nabalik sa akin. Umuwi din nang maaga sa dorm at minabuting mag download nalang ng tv series.

Hanggang

0 Reaction(s)
Nagusap kami ng close friend ko at pinagusapan namin mga bagay bagay na nangyayari sa buhay namin. Sa kanya ko lang nasasabi mga ganitong bagay at nagiging totoo ako sa sarili ko at sinasabi mga nasasaloob ko. Halos lagpas isang linggo na nang malaman ko nga na meron nang iba si ex.

Karma na nga daw sa akin iyon dahil sa ginawa ko. Parang hindi parin ako makapag move on at natutulala nalang ako pag naiisip ko mga happy moments kasama siya. Wag ko na daw balikan at respeto nalang din sa kanya at sa akin. Mabuti nga siguro ganon nalang sana. Kahit anong divert ko na pagpapaka busy gaya ng panonood ng mga TV series, at the end of the day. Malungkot parin.

Kailan kaya magiging ok ang lahat para sa akin. Pakiramdam ko parang dapit hapon at nawawalan nako ng pagasa na magiging maayos din ang lahat. Hanggang kailan ako magaantay at aasa na may darating na magandang bukas para sa sarili ko. 

The Hunting of Hill House

0 Reaction(s)

A nice tv series to watch sa Netflix. Hindi OA ang pagka horror niya, tamang timpla lang sa suspense. Maraming twist at revelations along the way. Two thumbs up at na entertain niya ako at nakakarelate sa mga struggles. Sana marami pang mga ganitong series na original at tumatagos sa mga viewers talaga. 

The third stage..

0 Reaction(s)

I hate to turn up out of the blue uninvited but I

Couldn't stay away I couldn't fight it

I had hoped you'd see my face

And that you be reminded that for me it isn't over.. 

Sabi niya

0 Reaction(s)
Pero seryoso, sa pagdating ng panahong para lamang sayo, darating ang kailangan, at unti-unti, maglalaho ang lahat ng takot. 

-Yas Jason, blogero

Unspoken

0 Reaction(s)
It was last week na nagkaroon tayo ng pagkakataon na magkausap. As usual umabot na naman ng lagpas isang oras ang ating kumustahan sa isa't isa, ako habang may OT at ikaw may pupuntahang pagtitipon.

Me bagay na gusto ko sanang sabihin sa iyo sa araw na iyon. Na nais ko sanang magsimula tayo muli at handa akong ayusin at mag meet tayo ng halfway sa naging dahilan ng ating paghihiwalay. Pero kinabukasan bigla mo nalang sinabi na meron ka na palang iba kaya medyo ok ka na. Kaya pala sinabi mo na open ba sa pakikipagusap sa ex kahit meron kana at oo ang sagot mo pero sa palagay ko, mas mabuti nang walang komunikasyon at awkward iyon sa kinakasama mo.

Nagtanong ka sa akin kung kumusta na pakiramdam ko nung nalaman ko sa iyo ang balitang iyon. Mas minabuti ko nang hindi magsabi nang totoo na ok lang ako at normal lang. Pero hindi mo lang alam sa loob loob ko medyo nalulungkot lang ako dahil ang mga plano ko at pagaayos ng gaya ng dati ay bigla nalang gumuho at hanggang ngayon andun parin ang kirot at pag sink in ng nararamdaman ko. Parang nabaliktad ang sitwasyon natin. 

Pero kaya yan, pinatigas na ako ng panahon at malalampasan ko rin ito. Gaya ng sabi ni Adelle, I wish nothing but the best to you. 

Trying

0 Reaction(s)

Hmm kaya ko kaya?

0 Reaction(s)