Sa Iyo..

Kumusta ka na? Dalawang dekada na pala mula nang magkakilala tayo sa isang gameshow. Nagkausap rin tayo dati mga ilang taon at nagkamustahan saglit. Alam ko naman na masaya ka sa piling niya kaya hindi na kita inabala pa.

Lately nalaman ko nalang na nawala na si Tatay mo, nalaman ko rin na wala na rin kayo. Kaya ba umuwi ka sa Pilipinas at nagpasyang samahan ang iyong pamilya at dito na ulit magtrabaho? Hindi ko alam kung ayaw mo na ako makita at naka-blocked na ako sa social media mo. Nagpalit ka rin ng pangalan, pero dahil siguro sa lakas ng tibok ng puso ko na laging nakasubaybay sa iyo—at oo, aaminin ko, dahil stalker ako—nahanap rin kita agad.
Hindi ka nagre-response sa request ko at message. Naiintindihan ko naman kung bakit gusto mo nang isarado ang kabanata natin. Hindi rin naman tayo nagtagal, at parang hangin nalang na bigla ka nalang nawala rin nang walang pasabi. Bagamat masakit na lumisan ka noon na tila isang magandang panaginip na biglang natapos, ang mga alaala mo ay nanatiling buhay sa isip ko.
Wala naman sa akin ang kapasyahan, pero mas matutuwa ako kung magiging magkaibigan ulit tayo. Miss ko na makasama ka ulit. Miss ko na ang mga ngiti mo, ang mga tawanan natin, at ang bawat sandaling magkasama tayo. Gusto ko sanang makibalita sa iyo kung ano na ang bago sa iyo, kung anong pinagkakabalahan mo, kung kumusta na ang buhay mo, at kung masaya ka ba ngayon.
Alam ko, parang wala namang chance na mabasa mo ito. Sabi ko nga, tila sinarado na talaga ng tadhana na magkatagpo tayo ulit. Pero sa kabila ng lahat, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Dahil hangga’t umiikot ang mundo, umaasa pa rin ako na balang araw—hindi man ngayon—naway pagbigyan ako ng pagkakataon na muli kang mayakap at makasama.
O siya, mahaba na itong sulat ko sa iyo. Epekto lang siguro ng tag-ulan at ng pangungulila sa iyo.
Nagmamahal at laging umaasa..

0 Reaction(s) :: Sa Iyo..