2nd Merrell Adventure Run

2 Reaction(s)
4:00am - Manaka-naka ang lakas ng ulan, araw ng takbo sa Merrell. Hindi sigurado kung tuloy ba. Nag-text kina Thomas, tingnan narin daw namin, para makasiguro nag-mobile internet para tingnan ang latest news mula sa Merrell FB site, may announcement, tuloy daw!

4:45am - Inantay na tumila ang ulan at dumako na papuntang Burgos sa waiting shed kung san ang meeting place namin, nauna nang dumating si Thomas at huli naman si Rene, sumakay na kami ng FX para mabilis ang byahe.

5:15am - Puregold San Mateo, nag-aantay ang shuttle service, kasabayan ang ibang runner, unti-unting napuno at nagtuloy-tuloy na paakyat sa Timberland Sports and Nature Club

5:45am - Touchpoint. CR. Bagahe. Kaunting pa-picture. Inayos ang armband at binuksan ang Endomondo Sports tracker. Hindi ko na dinala ang digicam at alanganin kasi dahil umaambon at ayoko na maulit na masira na naman siya kagaya nung nangyari sa Outbreak Manila. Lalo na't may chance na baka mahulog pa sya sa putikan or worse sa ilog. Kaya minabuting ko nalang na gamitin sya sa Pre at Post race.


6:10am - 10k Start. Mabagal ang progress dahil siksikan at jampack sa simula. Saka lang siya medyo nagkaroon ng distance between 750meters na. Sobrang maputik at meron na agad na nadudulas. Nagkaroon ng traffic sa may waterfalls area, since panay ang pag-ulan, malakas ang agos nito at delikado sa mga runners kaya alalay ang mga marshalls sa area.

30mins - 1hr later. No choice at basa talaga ang sapatos ng lahat ng runners. Patuloy na tinatahak namin ang kahabaan ng ilog. May mga area na malalim at yung iba nalulubog ang paa mo sa kapal ng silt sa ilalim ng ilog.

1hr-2hrs later. Patuloy ang pagtahak sa maputik na daanan. Uphill bamboo area, pila-pila na naman ang mga runners, basang sapatos at putikang damit sabayan pa ng lakas ng ulan. Grabeng pahirap at adventure ito. Nagsisimula nang humirap ang trail at cautious na ang bawat runner para makaiwas sa aksidente. Matapos ang pahirapan, lalong lumaki na ang gap at nakakatakbo narin ng maayos ang bawat isa. Patuloy ang mga putikang trail na sa puntong nagpapadulas na ang ilan para mapabilis ang pace nila sa karera. Sobrang kapal ng putik sa paa na anytime pwede kang madulas.

2-3hrs later. Ganda ng view sa tuktok ng bundok. Sarap ng hangin. Pampawi ng pagod. Patuloy na naglalakad ang iba uphill to conserve energy. Dagdag na obstacle eh kelangan pumasok sa mga pipes na puno ng putik kaya eto dugyot na naman. Isama pa ang maputik na area na kelangan lumuhod or gumapang kapa dahil sa merong mga kawayan sa taas mo. Kinarir ko na ang huling 1km sa kabila ng merong bato sa paa at nararamdaman ko na naman ang sakit ng plantar fasciitis at achilles tendonitis ko. Mental conditioning nalang na kaya mo yan Jeff. Sige lang at wag kang tumigil. Hanggang sa narating ko rin ang finish line sa pagitan ng 2-3hrs.

Napagusapan namin nina Rene at Thomas na sa may Pocari Sweat station kami mag-abang. Matagal bago kami nagkita-kita. Natagalan rin ako sa pagkuha ng bagahe ko dahil sa maliit lang siya at baka natabunan. Hindi narin kami nakakuha ng free foods dahil sa pa picture at naligo muna ang inyong lingkod sa sobrang putik. Good luck nalang sa paglilinis ng damit at sapatos, sana lang bumalik siya sa dati.

kumusta naman ang itsura ko matapos ang karera

wetlook daw, haha!

panoramic view of the race track

mga nagsisipagligo sa sobrang putik sa katawan

with PEX Running Club's Ms. Cath and Sir CJ

overall, despite of the bad weather condition, muddy trails and extreme obstacles, super happy kami sa adventure run na ito, aside sa first time namin ni Thomas at Rene sa event na ito, minsan lang mangyayari ito at mas exciting compared sa normal na flat race na ginagawa namin for the past 2 years, kudos to Merrell Adventure Run team, see you next year! 'till next adventure run!

Endomondo's race analysis

Back Again

0 Reaction(s)
June. Bagong buwan. Pero walang bago at bagkus bumalik pa sa dating trabaho. No comment nalang. Kelangan mag-isip-isip at muni-muni muna at kelangan nang mag desisyon bago pa mahuli ang lahat. Hindi siya nakakatuwa. Pero kelangan tanggapin. At kelangan may gawin.



photo credits: "Frolick" "Reflections of the Shire" · "There and Back Again" by John Kaufmann

Shards of Wisdom

2 Reaction(s)

Pain

0 Reaction(s)


"Life is pain. I wake up every morning I'm in pain. I go to work in pain. Do you know how many times I wanna give up? How many times I thought of ending it?"
-Gregory House, MD

That's Simon..

0 Reaction(s)

Teh Reason..

0 Reaction(s)
Naruto Shippuden #587

Mt. Daguldol hike (Day 2)

0 Reaction(s)
Teh Mountain chain in the morning

majestic sunrise rays

fellow mountaineers na inaabangan ang sunrise at the peak

si Prince habang busy sa pagkuha ng pics

sunrise ^^;

teh author, "side"-tripping

masarap kaya yan?

after breakfast, light talks, photoshoots at sa pag ligpit ng tent, all set na sa pag-descend

teh Assault team, Ed, Jim and I

Kahit pababa na kami, since mataas na ang araw, tagaktak parin ang pawis ko talaga at kada lakad ko may pumapatak sa lupa. Medyo nag slow down na rin ako at masakit na ang paa ko dahil tuloy tuloy kami sa pagbaba at ayaw na namin abutin ng tanghali. Dinaanan nalang namin ang tindahan ng buko at halo-halo. Nag-antay saglit sa ibang kasama para hindi lumayo ang gap.

Dinaanan ang waiting sheds at inantay sila ng ilang minuto hanggang sa umabot na ng 1 oras eh napagpasyahan na naming bumaba sa sitio at antayin nalang sila sa pinag-antayan namin na tindahan. 12:30nn kami dumating sa baba at makalipas ang 2 oras eh sila naman. Balak ng team na maligo bandang hapon na para hindi mainit. Kaya bandang 4pm matapos ang pahinga at halo-halo ulit. Naligo na rin kami at hindi na kumuha ng cottage dahil nagtitipid rin kami. Nilatag nalang namin sa may puno ang gamit namin sabay ligo.

Meanwhile, eto mga pics sa beach, sana lahat ng climb enoh meron mga beach sa baba para refresh ka talaga.. hehe!








homeward bound, San Juan-Lipa-Manila route, many many thanks sa GreenLife Icon
for again inviting me to teh annual friendship climb, hope to see you soon guys, 'till next climb

fellow mountaineers who conquered Mount Daguldol

Mt. Daguldol hike (Day 1)

0 Reaction(s)
3:30 am - Wake up time! Supposedly 3am dapat ako magising,sana hindi ako ma-late
4:00 am - FX, Montalban to Batasan, buti nalang at right on time ang pagdaan
4:30 am - Jeep, Batasan to McDonalds Philcoa, medyo umaabon pa, sana lang hindi lumakas
4:45 am - Met Prince sa McDo sabay daan sa Mercury para bumili ng water at trail foods, LRT-Buendia ang route namin, nag-dalawang isip pa kung mag-Quezon Avenue ba then Monumento, napagpasyahan na mag-Cubao nalang daw, eh kaso dumaan rin naman sa Highway ang bus kaya umikot lang kami parang ewan lang.
5:30 am - Arrived at Monumento, kaunting lakad pa-LRT, dahil malaki ang bag ko, aba merong X-Ray, sosyal na ngayon ang LRT.
6:00 am - LRT Buendia to Gil Puyat (Buendia)


6:15 am - RRCG Bus, paalis palang ng 6am trip. Sayang at may WiFi pa naman.
6:30 am - Antay mga GreenLife Icon guys, si Sir Bing ang unang dumating
7:30 am - Departure from Buendia, special passenger pa si Eily dahil sa HyperMarket pinasadya pang antayin ng bus, hehe!
10:30 am - Arrival at San Juan, Batangas town proper
11:00 am - Jeep to Hugom, San Juan, Batangas, fair weather ahead!
11:30 am - Registration at Hugom Barangay Hall, lunch at nearest Carinderia, prep-up
11:45 am - Jump off!

Beautiful coastline of La Luz Beach resort as we passed by

Start of trek mode

Ingat at baka mabasa ang shoes, hehe!

pati aso nakiki-beach na rin sa sobrang init

start of the forest path

Sinet-up ko rin ang Endomonto sports tracker, hiking mode. Sana lang makaabot pa siya sa taas bago ma-drain yung battery. Ilang oras at stops din ang inakyat namin. Grabe ang trail na ito, ang haba ng assault at ilang area lang ang flat. Kaya pwersahan ang paa ko talaga kahit months palang ang theraphy ko sa plantar fasciitis. Hindi masyado mahangin kaya todo tagaktak rin ang pawis namin. At since maraming girls sa group at medyo tanghali na rin kaya bumagal kami at 5-mins ang pahinga.

Ilang oras din ang nilakad namin. At on my part, hindi matapos ang pagtulo ng pawis sa mukha ko, sobra pa ito sa trail run at ilang pounds kaya ang nawala sa akin matapos ang hike na ito. Si Sir Bing, grabe din ang pawis at pinigaan na rin niya ang damit niya sa steep ng trail. Nauna kaming tatlo nina Ed at Jim sa grupo at inaalala kasi namin na baka gabihin kami sa daan at mahirap na. Naka ilang daan rin kami sa mga locals na nagbebenta ng halo-halo. Sayang lang at hindi namin nakita si Mang Lizardo na pamoso sa mga website.

Nag refresh ng stock ng tubig at pahinga sa ilang waiting sheds at bahay. Ilang minuto pa at mga 5pm ng hapon. Finally matapos ang katakot-takot na paghihirap. Naakyat rin namin ang tuktok ng bundok Daguldol. Biglang upo agad kami sa sobrang hapo, habang pinapanood ang ibang mountaineers na nagsesetup na rin ng camp sa lugar na iyon.

summit at 5:30pm

Nag-scout muna kami sa ibang area at siksikan na rin kasi kami sa lower part ng summit. Walang tao pero malayo sa water source. Mga ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin sa summit ang iba naming mga kasama. Pinagdesisyunan na rin na dito nalang kami with other mountaineers mag setup para hindi malungkot dun at kami lang kasi dun sa bakanteng area.

tent mode, ahaha! sorry mali yung paglagay ng fly, unang binyag ng tent ko

After mag-setup at kumain ng light dinner, umidlip na rin kami. Grabe nga daw ang kunsyerto namin ni Prince sa paghagok, sobrang pagod siguro. Ginising nalang kami ni Hans (anak ni Sir Bing) at mag-games na daw. Nakakatuwa ang mga palaro nila at nag-enjoy talaga ako, kaunting meeting at iba pang discussion. Hanggang sa napagpasyahan ng group na matulog na. Lights off mode. 12:00mn!

1 tulog na lang!

0 Reaction(s)

Teh First Stage

0 Reaction(s)

I know he has his reasons, and I won't force him to tell me if he doesn't want to. You know, privacy? Maybe my ex is right that I am shit clueless on what I'm doing, but there's one thing I know: I want him out of my life. I am sincerely sad that it has come to this, but I've been sad way too long. What's running in my mind is that a little bit more sadness won't hurt anymore if I can be given the chance to be happy afterwards. I'm clinging on the chance to be happy. I'm that desperate.
-Truth (Part One), Nox' One Midnight Wolf

Aantayin mo pabang maubos ito?

0 Reaction(s)

Strong Person

2 Reaction(s)

naruto shippuden #586

Five Things Every Runner Should Quit Doing Right Away

0 Reaction(s)

re-blogged from Takbo Printipe!; thanks for the inspiring article


1.  QUIT NEGATIVE SELF TALK

Believe it or not, we have control of that little voice in our heads. Never allow it to say things like, “I can’t” or “I’ am no good at this.” Replace any negative self-talk with positive messages. During a run or a race, repeat phrases like, “I feel good. I am strong. I am relaxed. This is easy.” You will be amazed at how this little mental trick can make a big difference!

2.  QUIT MAKING EXCUSES

Running is a do-it-yourself project. No one else can do it for you. You alone must put in the work to achieve your goals. Don’t allow bad weather, busy schedules, or dead batteries in your ipod, keep you from getting in your workouts. We make time for the things that are important to us. We make excuses when we don’t follow through. Quit making up reasons you can’t and start creating ways you can!

3. QUIT LIMITING YOURSELF

To truly break through in running we have to give up self-limiting beliefs. When we believe something is impossible, it usually is. When we believe that we are made for more, we often surprise ourselves with breakthrough performances. Quit believing in your limits and remove a barrier to discovering just how far and fast you can go!

4.  QUIT COMPARING YOURSELF TO OTHERS

You can always find someone who is slower, faster, heavier, lighter, older, or younger than you are. If you measure your success in running based on other people, you lose focus of the only person who really matters, and the only person you can control, yourself. Quit comparing yourself to others and focus on your own PR’s, goals, and personal progress. If you are making progress then you are winning and have a reason to celebrate each accomplishment!

5.  QUIT WAITING FOR SOMEDAY

Think of one thing you would like to do someday.  Maybe you want to run your first 5K, marathon, or ultra.  Maybe you want to join a running club in your area or start doing core exercises before you go to bed each night. Whatever it is, quit waiting for “someday” and get started now. The first step is the hardest and then you will have momentum to carry you. If the only thing stopping you is getting started, then make someday today!

Pers LSD run

2 Reaction(s)

data thru Endomondo, route from Timberland area (San Mateo) back to Montalban, Rizal
i know masyadong mabagal yan at lagpas na sa cutoff, puro lakad at pahinga kasi ang ginawa.. teehee!

Mga Makabagong Kasabihan (Kabadingang Edition)

0 Reaction(s)

1.“Aanhin mo ang gwapo kung mas malandi pa sayo!?”
2.“Walang matinong lalake sa malanding kumpare.”
3.“Wala nang hihigit pa sa malansang isda, kundi ang isang balahurang bakla.”
4.“Sa hinaba-haba ng prosisyon, bading din pala ang iyong ka relasyon.”
5.“Ang tumatakbo ng matulin, may gwapong hahabulin”
6.“Matalino man ang bading, na peperahan pa rin.”

Onli in da Pilipins

0 Reaction(s)

JamPak Race

0 Reaction(s)
Kaya naman pala hati ang mga runner on the last sunday of May, tambak ang mga racing events..



data courtesy of PinoyFitness.com

Runnr Lab

0 Reaction(s)



sa mga metro manila north area runners dyan, grab the opportunity..

teh Tali Beach experience II

2 Reaction(s)


thanks Ms. Angel Canada for the photo..

On Imitation..

0 Reaction(s)
Naruto Shippuden #585

Man to Pig, a life cycle!

0 Reaction(s)

Tali Beach, teh 2nd time around

0 Reaction(s)

Sounds Familiar?

0 Reaction(s)

All Time Favorite Blogpost

0 Reaction(s)