Ahh CAT(Citizen's Army Training)-1 days, hindi ko talaga makakalimutan ang mga panahon na iyon from COCC (Cadet Officer Candidate Course) hanggang maging officer. Daming pahirap, pero worth naman. One of the best part of my high school life.. pics shown on the left are the 1st and 2nd batallion officers.. (ako yung nasa far right.. mukha akong ewan.. haha!) C/Captain Jinjiruks 2nd Batallion S-2 (wala namang kwenta.. haha!) i really miss those days..
Naaalala ko pang nung COCC training days pa lang. napakahirap na; tuwing 7pm after class, pumupunta pa kami sa School Farm. Puro training, nakakapagod. Andyan pa mga mayayabang na officers. Demanding pang sundin utos nila at mag sa-salute pa. May isang papansin na officer laging tumatambay sa room namin, inaantay kaming lumabas; Tapos uutusan lang kung sino makita. mayabang talaga! hanggang angas lang.. a week before CAT graduation may FTX (Field Training Exercise, i dunno kung iyon ba abbreviation nun) most commonly known as "Hell Day". Kung saan todo pahirap bago maging officer ka. That time.. langya.. yung putik sa kanal.. pinahid sa amin, yung itlog na may shampoo. Pinainom! Nagpagulong gulong pa kami sa putikan. Talagang mahilo hilo at maputik buong katawan mo that time! (at napatunayan ko rin na nakakaputi talaga ang putik.. try nyo!), naranasan ko rin ang rappeling, at bumaba sa isang mataas na tulay.. todo talaga kaba ko noong araw na iyan.. nakakalula kasi.. pero pagbaba.. laging relief.. ayoko na gawin iyon ulit..
Bawi naman nung naging officer na kami! wala lang.. Kami na ngayon naguutos, pero syempre nde kasing lupit kagaya nung last batch. Talaga puspusan ang training namin, every year kasi may Tactical Inspection bawat branch ng Roosevelt College kasabay ng Foundation Day, kaya buong Saturday and Sunday! Tuloy tuloy ang training namin sa may Memorial Park. Yung nasa pic.. maluwag kasi ang area at tahimik.. kaya ideal for the training.. Iyan din ang reason bakit manipis na ang buhok ko.. huhu.. Bilad lagi sa araw naka beret pa.. talagang maluluto buhok mo nyan.. nagbunga naman lahat ng effort namin over-all 2nd place kami.. (record sa school yan.. naka display pa ang trophy namin up to now..) Salamat na lang sa magaling naming Corps Commander at Ex-O namin.. talagang puspusan at dedicated sila na manalo kami..
Those were the days.. mahirap pero masaya maging cadet officer.. sarap sariwain mga alaala!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
buti na lang hindi requirement yan samin dati :)
j
July 22, 2006 at 12:58 AMI hate CAT and ROTC--finished them both and just in case a war should broke...shit I'm LISTED aaargh!
jef
July 22, 2006 at 4:57 AMayoko din dati CAT/ROTC.. at hanggang ngayon! i even forced my mom na ihingi ako sa kaibigan nyang duktor ng fake medical certificate just to be excused sa CAT/ROTC. sa CAT, naging medic ako. at sa ROTC naman, ROTC office works. haha!
Anonymous
July 22, 2006 at 7:18 AMhaha.. ayoko rin ng ROTC.. bout sa CAT alam nyo sa section namin.. nakakahiya talaga pag private ka lang.. pag hindi ka officer either girl/boy scout ka.. wala lang.. masyado lang mataas ang expectation nila sa star section nung 4th year.. mahirap pero masaya.. kasi nakikita ko naman ang bunga ng CAT.. marami rin akong natutunan sa commandant namin..
Jinjiruks
July 22, 2006 at 8:55 PM