nakakamiss lang..
- naliligo sa labas pag umuulan.. lalo na't may sirang alulod sa amin.. iba pa ang ulan dati..sweet water pa sya.. ngayon.. acidic na sya.. masama sa balat.. iyan na ngayon ang kabayaran ng industrialization..
- mga larong kalye.. patintero, taguan pag gabi at iba pa..
- mga lumang palabas at cartoons.. na hanggang ngayon eh maganda at masarap panoorin
- ang malaking oval field sa school namin, kung saan tuwing recess eh.. naglalaro kami ng cops and robber football, long jump.. pagbalik sa classroom.. amoy-pawis lahat.. hehe..
- Once Upon a Time in China series na VHS pa mula kay Jervin
- pagmulat ko sa kaadekan sa "video games" courtesy of my best friend since Grade 3 (almost 10 years na kaming magkaibigan!).. si Angelo.. mula arcade to family computer, sega, 3DO, Atari, hanggang Playstation, DOS/PC games, nahihiya pa nga ako pumunta sa kanila kasi maglalaro lang ako.. hindi alam ni Angelo pero mga 30mins na akong nasa labas.. nagdadalawang isip kung papasok ba sa kanila.. hehe.. unang game na nalaro ko eh yung sa Game and Watch.. volleyball pa nga ata sya.. then sa FamiCom yung parang Castlevania spin-off import game kasi kaya hindi ko alam..
- nakaka miss rin ang pag-akyat sa stage tuwing graduation / recognition day.. (consistent 2nd honor po.. kahit kelan hindi ako naging 1st honor.. huhu).. wala lang.. sinusuklian ko lang ang mga paghihirap ng mga magulang ko sa pag-aaral.. saka that time.. nde naman talaga seryoso ang pag-aaral.. parang laro lang sa akin.. hindi ko iniintindi.. (oi, hindi ako nagyayabang.. pero ganun talaga)
- lahat ng grade nlang sa elementary.. lagi may tinutukso sa akin.. mabuti pang wag ko nlang banggitin.. hehe..
- nakaka miss.. ang mga "pulburon, tocino at pastillas" ng mga teacher.. haha.. nabuko ba.. minsan nga.. may gimik itong teacher namin.. paunahan daw maubos mabenta yung mga tinda nya.. by row kasi iyon..
- si Mr. Dominguez ("butete" nga tawag sa kanya.. kasi malaki ang tiyan.. ewan ko anu kinalaman nun..) tuwing dumarating na nagsisitakbuhan ang lahat.. kasi pagbubunutin lang nya ng damo ang mga estudyante.. (pasensya npo.. rural po kami.. nde urban.. kaya common na ganitong scene)
- pagsali sa Quiz Bee.. (2nd place District and Division Science Quiz Bee!), sabayang pagbigkas (1st place.. naks)
80's din ako pinanganak... a year after the people power one...
Anonymous
July 5, 2006 at 12:41 PMah ok.. thanks for dropping by..
Jinjiruks
July 5, 2006 at 9:22 PMyeah... thanks for dropping by my blog too..
Anonymous
July 6, 2006 at 1:59 PM