Nakatulog.. kainis!

waaa.. kaninang umaga, maaga akong nakauwi.. buti nalang maaga pumasok ang isang writer at 6.15am nakaalis na ako sa office.. mabilis naman ang biyahe.. kaso traffic na along commonwealth avenue kaya medyo bumagal.. antok na talaga ako nun sa jeep.. muntik ko nang masandalan katabi ko.. sa bahay.. bumili muna ako ng taho.. sabay tulog.. nakita ko lang sa magandang umaga pilipinas eh yung nasusunog na palengke sa Bicutan.. nawala sa isip ko ang Doraemon at One Piece (waaaa!! ayoko panoorin sa VCD/DVD.. naaaliw ako sa dubbing nila).. nagising na lang ako bandang 11.45am.. wala palang nagbabantay sa tindahan, buti na lang hindi pinasok ng mga MIB (May Itim na Binabalak).. hanggang ayon hindi na ako nakatulog.. lagi na lang 3-4 hours lang tulog ko.. kelan kaya ako makakatulog ng 8-10 hours.. huhu.. medyo mga 9pm na ako nakapasok dito sa office.. kasabay ko pa ka shift ko.. bukas.. hindi na muna ako matutulog.. alarm ko na lang cell ko..

medyo naaadek ako ngayon sa isang browser-based strategy game na Imperia Online.. maganda pa rin ang old skool games kesa ngayon.. hanggang ngayon nga.. enjoy pa rin ako sa text adventure games like Zork (hindi ko pa nga natatapos.. amf!).. sa Imperia.. ngayon pa lang ako umaatake sa kalaban.. espionage muna.. haha.. spy tactics.. kaso mabilis maubos resources ko.. 3 province kasi ang ginagawa ko.. aside from Imperia Online.. me isa pa akong nilalaro.. yung Time Hunter.. lv.17 elf na ako ngayon at nasa Medieval Period na..

another thing.. i tried to rate my site using the tool from silktide.com.. and got an average score of 6.9 (good thing sa site na ito.. bibigyan ka talaga ng pointers kung paano iimprove ang site mo.. biro mo rank #19 daw ang site ko.. very popular.. lol.. nagdududa na tuloy ako! hehe!)

3 Reaction(s) :: Nakatulog.. kainis!

  1. Pareho tayo...kakainis talaga pag di kumpleto ang tulog. Wish ko lang sana kahit 6 hours and tuloy tuloy na antok pero wala eh aaargh!

  2. siguro nga mas mahaba pa tulog mo.. eh ako ilang oras lang.. maingay kasi minsan sa labas or pag may bumibili sa tindahan.. hehe.. pag weekends busy rin..

  3. nasanay na kasi ang katawan cguro..