Ganito kami noon..

hindi mahilig magkwento sina mama at papa kung ano ang buhay nila dati (mga 60-70's), nabubuksan lang ito kung pinapagalitan nya kami, hehe! pasaway kasi kaming magkakapatid lalo na ang 2 bata. syempre iba ang buhay dati kaysa ngayon. hindi naman mayaman ang angkan nilang dalawa. alam nyo naman ang buhay sa probinsya.. may lupa ka nga kapos naman sa pera! kaya ang iba eh napipilitan nga na pumunta sa Maynila.. na ang akala nila eh instant yaman agad pagdating mo.

pag may pinapabuhat si papa na mga timba sa amin at kami nagrereklamo, madalas nyang sabihin, "wala pa nga yan, kesa dati, kami nag iigip ng naka-paa lang - 5 kilometro mula sa amin.. kayo ilang lakad lang nagrereklamo na.." ibibida pa nya ang pag-aaral nila.. "wala nga kaming agahan pag papasok, namimitas na lang kami ng bayabas at sa kabilang baryo pa kami pumapasok.." kung sa pagkain naman, minsan ayaw kumain - pihikan.. "kami nga noon, bagoong lang kinakain naman at 2 lang kami kumakain sa isang araw.. namimili pa kayo ng pagkain.." si mama naman hindi naman ang kwe-kwento yan. buhay senyorita yan sa kanila, nung hindi pa sila nagpapakasal at may pagka rebelde daw. minsan maglalayas at pupunta sa maisan ng tiyahin nya, at isang buwan bago umuwi. iilan lang yan sa mga buhay buhay ng magulang namin noong unang panahon.. mahirap pero masaya, hindi naman sila nagsisisi ata sa mga ginawa nila noong kapanahunan nila..


tag: , , ,

5 Reaction(s) :: Ganito kami noon..

  1. The filipino parent flashback sermon formula:

    "Nung panahon namin!... (insert what they did right here), eh kayo!... (insert what you did wrong here)

  2. bwahahahahahahahahahaha.. mabuti naman at hindi ganyan si mama!!.. masunurin kasi ako e..(wat?!..hahahahahahahahahahahaha)

  3. hahaha.. hayaan mo na lang.. ganyan talaga ang mga magulang..hehe..

  4. tama ka nga alternati, ganun talaga mga matatanda. hehe.. sure ka chino.

  5. thank you for giving a few moments of your time reading my posts. i appreciate it. :-)