Isang Magandang Umaga

habang dinudungaw ko sa sinasakyan kong dyip ang kapaligiran; mabuti at maganda ang panahon ngayon, kagabi kasi eh medyo maulan. ngayon lang nga ako umalis sa amin ng umaga. usually gabi ang alis ko at umaga ang uwi. wala na talaga akong social life pag gabi. puro multo at mga butiki na lang makakausap ko sa office. hehe. wala lang. sa ngayon 24 hours ako ngayon sa office. kawawa naman ako. OT sa umaga at regular work naman sa gabi. kakayanin ko na lang at iidlip ng sandali.

last 2 days eh. nakapaglaro rin ako ng Pirate King Online, parang One Piece sya kasi pwede ka maging member ng Navy or pirata mismo. wala lang. i guess i should give it a try. matagal tagal na rin akong hindi nakakapaglaro ng real-time MMORPG (real time in the sense na nakikita kong gumagalaw ang character ko.. kase puro browser based MMORPG nilalaro ko. puro text at devoid sa graphics! old skool.. haha!) sana nga tuloy-tuloy na ito at hindi ko titigilan, unlike sa Trickster medyo napapangitan ako. kasi pareho lang ng class unlike dito.. may new class explorer, voyager, seal master.. mga ganun at may naval battle pa.



tag: , , ,

12 Reaction(s) :: Isang Magandang Umaga

  1. retired na ko sa mga online games... nasura ang buhay ko jan... or m,aybe wala lang talaga akong control...

  2. sira din ang buhay ko sa online game. lumabo tuloy mata ko. hehehe pero iba tlaga kapag mgaling ka magbudget ng time.

    ^_^

  3. hello po.. naway maging maganda palagi ang araw mo.. :)

  4. nasa disiplina lang yang paglalaro. ako kasi weekdays may work. kaya weekends lang nakakapaglaro. at pag naglalaro naman 5 hours na ang maximum ko. control lang talaga.

  5. dati adik adik ako sa ragnarok.
    kaso nasira pc namin kakalaro.
    tsk tsk tsk
    ang mahal na rin kasi ng top up card.
    graduate na rin ako sa mga oL.
    kaya nga blogger na kao ngayon eh.
    ayus ayusin mo buhay mo para sa iyong iniirog.
    yiki.
    nasty boy ka talaga.
    haha.

  6. lol nars xienah. hindi ako yun. kapatid ko iyon. wala nga akong talent dyan sa mga poem na yan.

  7. Hinihiling ko lamang sana na maging adik ako sa mga ganyang uri ng laro. Ngunit nawawala ako sa tuliro.

    Buhay estudyante nga naman oh.

  8. naku masama magpaka adek sa video games. yung tama lang dapat. in moderation kumbaga sa alak.

  9. teka?
    ano bang meron sa online games??

    waaahh..

  10. wala naman ms.yna pinaguusapan lang namin yung kaadekan sa video games at pag kontrol dito.

  11. sobrang naadik ako sa ragnarok dati. that's the reason why i wanted my mom to put us in broadband. haha. but, i was able to tolerate my mania over online games. LAN games na lang nilalaro ko. hahaha. sabog!

  12. ok lang ang games basta moderation lang. salamat sa pagbisita at komento.