Lakos

Na miss ko talaga si Joy, co-trainee ko sa work na laging game sa biruan. Nung nagkasama kami sa isang area eh puro biruan talaga ang nangyari, hindi ko alam dati bakit Lacoste ang tawag ng ibang vets sa kanya, sino naman kaya nag nagpasimuno nun, surname niya kasi eh Buaya (bu-wa-ya) kaya siguro ganun na lang. Wala lang natutuwa lang ako sa kanya at hindi siya napipikon talaga lalo na't mga daring/green jokes na pagusapan. Pero mukhang nakaka insulto iyon lalo na sa asawa na ginagawang biro mga ganun.

Ako naman kasi pagbibiro ko sa kanya eh green lang talaga at walang below the belt, sana nga hindi magalit si Joy sa akin, si Garry humirit pa kahapon Princess Sarah raw na isinumpa hehe. Wala lang, lahat halos kinabagan sa mga patawa bago matapos ang shift nila. Kung wala siguro mga ganung tao gaya ni Joy, ang seryoso at tahimik ng opis, buti na lang andyan siya lagi para magpatawa at walang tigil na hagikhikan. Sa totoo lang hirap talaga ako patawanin at suplado lagi tingin nila pero may mga tao talaga na napapatawa ka sa di sinasadyang pagkakataon. Hehe!

Regarding sa PC naman eh hindi na tumuloy si Joel sa pagbili nun kasi halos latak na lang talaga ang natira at wala nang matino sabi niya eh kaya raw niya ako i assemble ng PC for 6k lang raw, pagipunan ko pa siguro iyon. Pero ewan ko maabutan ko pa ba mga iyon since desidido na ako mag abroad talaga at nagaantay na lang ng tawag.

Nalulungkot rin ako ngayon kasi parang hindi ko maramdaman yung concern sa akin ng baby ko, hindi man lang mag text kung san na siya or kung anu ginagawa niya kagaya ng ginagawa ko sa kanya, siguro busy lang siguro siya ngayon sa paghahanda sa work niya. Mukhang nawalan na siya ng time sa akin, anu na kaya mangyayari sa amin or paranoid lang talaga ako.

2 Reaction(s) :: Lakos

  1. that is why open communication plays a very vital role in any relationship ;)

  2. tama!