Path

Nagdadalawang isip talaga ako kung tatanggapin ko yung offer na job ng DSWD sa akin regarding Information System Analyst I (SG-12.. Ok na rin na starting kahit papano sa gov't), matagal na kasi ako nagpasa ng application doon noon mga panahon na wala pa akong job; ang tagal naman kasi nila mag process ng applications pero sayang rin kasi up to now.

Sa ngayon eh inaantay ko pa rin ang tawag ng employer from Saudi, iniisip ko kasi kahit pa ganun ang salary mo rito sa Pinas eh wala talaga mangyayari sa iyo, pero pag abroad eh since libre halos lahat eh talagang makakapagipon ka kung matipid ka. Sinabi ni Mama wag na raw ako lumipat at antayin na lang raw yung sa abroad. Iyon lang naman talagang undecided pa ako sa part na ito.

Kahapon eh nag text sa akin ka officemate ko na nagbago na naman ang shift ko from 5-2 eh naging 4-1 na raw, nagulat ako kasi maaga na nga ang 4am na aalis eh anu pa kaya kung 3am, walang masasakyan sa aming area dahil alanganing oras talaga at hindi naman sila responsible kung anu manyari sa akin. Kaya nga mamayang hapon eh tatawag ako sa Bisor namin at aapila na kung maaari eh lipat ng shift, ok lang sa akin ang shift ang sasakyan lang talaga yung possible next shift na lang sana kung malilipat sa 6-3 sana eh maging Ok naman sa kanya ang suggestion at request ko.

2 Reaction(s) :: Path

  1. tama yung mum mo. wag ka na lumipat. mahirap magtrabaho sa gov't. palakasan kasi ang siste dyan kaya 'di nila(i mean yung higher-ups) maa-appreciate yung hardwork ng isang employee. 'di naman applicable sa lahat 'to pero kadalasan kasi eto ang nangyayari. kung nakakasurbayb ka pa naman sa job mo ngaun, kapit ka na lang muna dyan and antayin mo na lang yung trabaho sa Saudi. opinyon ko lang naman 'to. nasa sa iyo pa rin ang decision, ikaw lang naman kasi ang makakapag-weigh nang mabuti sa situwasyon mo ngayon. ;)

  2. honga arjay eh. mahirap talaga mag work dun at matagal ang promotion talaga. salamat ulit sa advice.