Usap

Kanina eh hindi ko dala ang mahiwagang payong ko na dual purpose (pang-ulan at pangtusok ng tao talaga), kasi medyo wala nang bagyo at ok naman ang panahon nang umalis ako. As usual wala na namang baon na dala kaya gastos na naman sa pagkain nito, paano kasi 2am sino naman maghahanda ng pagkain that time eh tulog pa mga tao nun.

Medyo umaambon nang nakarating ako sa office, buti at hindi naman late kahit papano. Ayun balak ko sana talaga after work eh punta sa Megamall para punta sa PLDT para mag apply for wireless landline, pero hindi natuloy kasi nagamit ko ang pera sa pagkain (hehe! sensya na!), eh wala pang sweldo ngayon at antay ko pa kaya ayun baka bukas na lang kapag nagkaroon na sa ATM.

Kasi ba naman yung kapatid ko eh ilang araw nang pinapabalik sa isang branch sa PLDT pero wala pa yung unit talaga, kaasar nga eh. Blacklisted pa naman ako ng PLDT kaya nagdadalawang isip ako kung tutuloy ko pa o yung kapatid ko na lang nag mag-aaply talaga, sayang kasi ang promo eh Php 1,500 lang na initial eh may unit ka na at activated within a day lang.

Kaya ayun since libre at walang tao sa Internet area eh gumamit na lang ako, wala lang usual suff na ginagawa ko, kwentuhan with my officemates, pinaguusapan mga nangyari kay ganito, kay ganyan sa shift nila, pati na rin yung Christmas Party sa Dec.2 sa Pasay kung san magkikita at anu susuutin. Halos namula na ako kakatawa sa kwento ni Natalia (opismeyt) tungkol sa "kanton" activity ng boyfriend niya, talaga straightforward syang magsalita sa bagay na iyon at kung anu ginagawa nila.

Hehe! Kakagulat kasi hindi ko akalain na may ganung side pala ang masungit at striktang babae na iyon. Wala lang natutuwa lang ako at nakapag open siya sa amin at wala lang sa kanya yugn mga bagay na iyon at hindi namemersonal. Sana nga lahat ng tao ganyan, naasar lang kasi sa iba, alam mo na kaunting salita mo lang may reaction at ibang meaning na sa kanila, na mas mabuti pa talagang manahimik na lang at tumango na lang sa sasabihin. Kasi ganun naman talaga, kung wala ka namang magagandang sasabihin eh mas makabubuting tumahimik ka na lang!

Honga pala maiba tayo eh hindi ko pa alam kung kailan kami magkikita ng baby ko, mga next week pa ata ang showing ng Golden Compass - baka that time eh wala na akong pera. Nakakahiya kasi sa kanya last time sya nagbayad sa sine kaya siguro ako naman dapat ngayon. Hmm.. kelangan makapag-isip ng bagong paglalambing sa kanya kaso wala talaga akong maisip sa ngayon kasi hindi ko pa masyadong alam ang mga hilig niya, ayoko naman tanungin kasi baka ma pre-empt lang yugn gagawin ko. Bahala na!

4 Reaction(s) :: Usap

  1. Hi, I can't find any contacts on your blog. Can I ask you to send a note for me? My email is in profile.
    Thanks, Chris

  2. san ka nagtatrabaho?

    ;)

    CALL boy?

    hindi pa pala ako nakalink sau

  3. @chris
    nah thanks nlang po chris

    @rich
    naka link na ako sau

  4. can u put a language converter on your site so that other language people can also understands what u had written..by the way nice stuff..http://www.ingrownfingernail.org