Ilang araw na rin ang lumipas bago ako nakapag-update. Busy kasi sa paglalaro ng online games mula pa nung Friday up to Saturday. Me promo kasi ang shop 12hrs/100 which is very sulit talaga compared sa ibang shops sa may amin. 8.30am-8.30pm walang tayuan, may dala lang ako na Pocari Sweat (ang sarap niya promise at talagang nararamdaman mo ang epekto unlike sa ibang competitor niya), medyo nahilo-hilo ako pag umuuwi kasi ba naman ilang oras nakatutok sa PC nang tuloy-tuloy. Si ate na nagbabantay pag dumadating ako naka-reserve na daw ang pwesto ko. Mabilis ang PC nila at smooth ang game and graphics.
Ngayon lang ako nakapag adik talaga ulit (2 years ago nang tumigil ako maglaro), mula Lv.12 na isang Force Archer (Cabal Online PH -Mercury server), naging lv.46 ako pagkatapos ng Sunday. Wala lang, excited lang siguro bumalik sa gaming scene, meet new friends, grinding, chatting with peeps. Kasama ko naman mga peers ko sa amin kaya hindi boring pagpapa-level lalo na't magkaka-party naman kami usually sa quest ng isa. Hopefully makilala ko ang ibang guild members (yung iba kasi kilala ko na sa ibang games pa).
Isa talaga sa balak ko ngayon, makipag-sosyo sa mga ka-berks ko dito sa amin para magtayo ng isang computer shop kahit mga 4PCs lang sa simula, since may pwesto na naman (pag natuloy dun sa kaibigan namin, pero mas maganda pag sa magandang pwesto). Gusto ko kasi hawak ko ang oras ko, ang hirap gumising nang maaga (Rizal to Makati City - 3hours), kahit medyo naantok pa eh kailangang gumising kung hindi traffic at pawis ang makakasalubong mo. Since ito naman ang passion ko talaga kaya sa tingin ko matututukan ko ito, pero kailangan ng matagalang planuhan ito at pera kaya sa ngayon mas maganda pagsabayin ang plano at ipon ng capital.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Back to Gaming
Post a Comment