Pinagkaiba lang siguro ngayon, na-saturate na ang lupa na naging dahilan ng matinding "flashfloods" lalo na malapit sa Quezon City Hall (at sa ibang lugar na rin kagaya ng sa balita), kaya pala traffic natatakot ang mga mokong na tumawid sa malalim na baha na lugar - baka mamatayan ng makina siguro. Buti na lang at naglakas-loob si manong at dumaan pa rin kaya ayun after a 10mins waiting time nakausad na rin kami at nakarating sa terminal. Unlike kahapon, walang pila dahil mahina na ang ulan. Pero dahil sumugod nga ako sa kalakasan ng ulan, basa ang pantalon, sapatos at medyas ko. Kaya pag-uwi - nagpatuyo agad gamit ang industrial fan. Hindi ko namalayan nakatulog na ako sa sobrang matinding pagod. Sana naman bukas ng gabi maging "tuyo" at hassle-free ang pag-uwi ko.
Plas Plad
Same story just like yesterday, kahit pa pala maaga ako umalis sa office at nag-bus pa para makasakay sa MRT-Buendia (haba ng pila sa Ayala kasi). Ganun pa rin at ganung oras pa rin bumubuhos ang malakas na ulan. As usual kesa mag-antay dun sa designated waiting shed - tumawid pa rin ako sa kabilang area para dun na mag-abang. Ang lakas ng hangin at ulan - sinugod ko dahil ayoko nang maulit na maglalakad na naman ako nang malayo para lang makasakay pauwi.
by
Jinjiruks
September 10, 2008
7:42 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
may flashflood sa city? No way, highway.
Anyway, lakas din ng ulan kanina. Baha din yung ibang part ng Mandaluyong.
Sadness.
Frankie Calcana
September 11, 2008 at 1:52 PMsa may quezon city nung nakaraang araw dahil sa bagyo. buti sa inyo hindi lubog.
Jinjiruks
September 12, 2008 at 1:25 PM