Perwisyong Bagyo

Normally hindi talaga ako naglalagay ng mga post tungkol sa mga bagyo na yan (pero sa office ako lagi ang weatherman nila dahil po real time update through Pag-asa website ang forwarded mails ko palagi). Pero kagabi ay isa sa mga worst na nangyari na naman sa akin and as always sa pest*** bagyo na yan.

6.30pm umalis ako sa office (tinapos ko pa ang mga trailing task na ayoko na ipagpabukas pa), malakas ang hangin sa labas at medyo nagsisimula nang umambon kaya nagmamadali akong bumaba sa underpass sa Paseo corner Ayala nang biglang bumugso ang malakas na ulan kasama ng hangin, papasok na sana ako sa Enterprise pero sa sobrang lakas maski mga kasabay ko bumalik sa baba ulit para mag-antay na humina ito. Mga 10 minutes rin kami nag-antay pero unfortunately wala pa ring pagbabago so I decided na sugudin na lang ito kahit mabasa pa ang pants ko tutal pauwi na naman ako.

Malakas pa rin ang hangin habang naglalakad sa may catwalk going to Landmark, kaya sa may carpark area na ako naglakad. Marami ang walang dalang payong kaya mukhang basang-sisiw talaga sila, buti na lang at lagi akong may dala. Nakakahiya ang Glorietta hehe.. pinapasok ng tubig ulan ang ground floor nila, sa sobrang flashflood siguro kaya ganun. Around 7pm hindi gaano kahaba ang pila sa MRT pero kinakabahan ako kasi pag malakas ang hangin or pag severe na ang storm temporarily suspended ang operation nila, buti naman at humupa nang kaunti ang ulan kaya tuloy pa rin ang biyahe.

Around 8pm, pagbaba sa Quezon Avenue station, dito na nagsimula ang perwisyo talaga, bakit nga ba tuwing umuulan na lang eh ang hirap sumakay at sobrang traffic. Dahil nga walang masakyan at kapag hindi pa ako umalis sa pwesto ko - anong oras pa kaya ako makakauwi nito. Napagpasyahan kong mag-backtrack hanggang sa nakarating na ako sa may Hi-Top (road near to ABS-CBN), grabe ang daming tao pa rin. Mga jeepney punong-puno at kung magbaba man parang box-office sa paguunahan pumasok. Hindi talaga ako sumasakay sa bus eversince pero napilitan lang ako dahil anung oras na at wala pa rin akong masakyan. Kaya nakipag-siksikan na lang ako sa bus, yung kundoktor naman hindi na naningil kaya naman nakalibre rin ako kahit papano.


Mga past 9pm na ako nakarating sa jeepney terminal and wow swerte talaga, uber haba ang pila hanggang sa labas umabot na with matching pag-ulan pa, kaya yung iba parang naligo na talaga sa basa. Kawawa nga itong mga student kasi parang naligo na talaga sila sa pila, kaya naman nakipag-share na ako ng payong, kaunting comfort man lang hehe. Ang tagal dumating ng jeepney (sabi ng dispatcher mula 6pm pa daw iyon mula nang umulan, almost 15-20 minutes kung dumating ang jeep dahil sa traffic), and again usually hindi ako nakikipag siksikan talaga sa jeep at nagaantay ako ng next ride para maluwag pero dahil sa hinihingi ng pagkakataon eh ayun kaunting daan sa lubak - mahuhulog na ako sa kinauupuan ko. Hindi tuloy ako makapag-idlip dahil alanganin ang upo ko. Around 11pm na ako nakauwi sa amin (para ding nag-OT ako), sobrang pagod at gutom. Kumain ng light meal, pahinga sandali then sleep. Ayoko nang mauli pa ang ganung pagkakataon. Grabe!

0 Reaction(s) :: Perwisyong Bagyo