Thursday and Friday nag-file ako ng vacation leave, having on a thought na makakapag create na ako ng character sa Cabal online para makahabol and makapag bonding na rin sa mga peers ko sa amin.
Thursday morning (and eventually every morning na siya up to Sunday tomorrow) napagkasunduan ng barkada na mag-jogging every morning from 5am to 8am sa school oval area na malapit lang sa amin (actually isang sakayan and pwede rin namang lakarin). Kakapagod ang una kasi hindi talaga ako sanay at ilang taon na rin akong hindi nakakapag exercise na rin, malamang kaya madalas nagkakasakit ako at masakit ang katawan minsan. Mabilis akong hiningal sa simula pero after a couple of days nakikita ko na ang progress sa sarili ko. Medyo gumanda ang aking stamina and hindi na minsan ako nagkaka heartburn (kahit pa nasosobrahan sa caffeine minsan) or anything na sumasakit. Nung nagpa-BP ako sa aking ka-berks na nurse - 80/50 low blood ako which is Ok naman daw as long na hindi bumaba na makaka-damage sa katawan. In fact yung ibang athletes eh ganun din and ibig sabihin eh low risk ako sa mga complications na pwedeng madulot ng pagiging high blood pero kumakain pa rin ako ng gulay lalo na malunggay para ma balanse naman.
Regarding Cabal online naman, ayun tuloy pa rin ako sa Neptune sa ngayon, pampalipas oras lang. Buti naman at kahapon ng umaga, nag reply na ang forum community manager ng E-games na probably aalisin na ang character creation disabling sa mga old planets and makakapag laro na rin ako after ng weekly maintenance nila which is on Tuesday. Finally, akala ko forever na ako hindi makakagawa sa Mercury (which is most of my berks where playing) at makakahabol at kotong na ako sa kanila. Har har!
This Saturday, akala ko ba naman may OT kami sa isang function namin, nag-text ako sinabi nila na wala nga daw dahil naubos rin ang mga accounts, sayang talaga ang mga pre/post OT nung Thur/Fri pero sulit na rin kasi nakapag bonding ako sa mga berks ko dito and pera lang iyan, madaling kitain, hindi ko naman ipagpapalit mga friends ko dito kesa dyan. Medyo alanganin ako at nakasabit lang sa incentive part kaya hahabulin ko ito at serious time na. No more talks, no more procrastination. Karir mode in short!
Early Sunday morning as usual sa oval area ulit kasama this time kumpleto na kaming apat, pero sana marami ang sumama kasi mas marami laps kaming magagawa pag marami kaming tumatakbo. Dala ni Pogs ang scooter niya kaya tinuruan niya rin si Angelo nang kaunti (balak ata bumili ng mokong), after that dumaan lang kami sa isang subdivision malapit sa slaughterhouse, wala lang dumaan lang - nature trip kuno pero ayos pa rin ang seedling bank na malapit sa area na ito. Dumaan rin kami kina Jervin, swerte niya kasi nagpadala utol niya ng laptop (naunahan pa nga ako eh), nilagyan niya ng DoTA at GTA (panlaro lang talaga silbi har har!).
Pagkauwi mga 9.30am nagpahinga lang sandali then nag Cabal online na ako (medyo naadik na ako sa game na ito), kahit sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko na itutuloy itong account ko sa Neptune - sige hataw pa rin at ngayon lv.27 na ang Force Archer ko and medyo mamaw na rin in his own right. Then mga hapon 3:30pm nag-text si Pogs na balak niya pumunta kina Factor sa Kasiglahan (Little Tondo sa area namin - alam mo na ang reason), pero inantay pa namin si Angelo (galing Quiapo pa kasi), mga 4pm na rin kami nakapunta sa may ilog (another Nature trip na naman), sarap palang sumakay sa raft (buti na lang hindi kami lumubog dahil halos malalaki kami). pagtawid namin (hindi kasi nag-text si Factor na susunduin kami kaya nagpasya kami na puntahan na lang siya), kinapa pa yung lugar dahil puro talahib, nakakatuwa ang lagoon dun na puro RPG na lang nasa isip namin (na walang mapa sa lugar na iyon, walang navigator etc). Pagpunta namin dun wala naman si Factor at nag-gym daw siya, amp sayang lang talaga ang pagpunta namin pero dibale next time na lang siguro. Mga 7pm na ako nakauwi sa amin, naglakad lang kasi ako.
Next week, plano naman namin na pumunta sa LaMesa Ecopark mga Sunday siguro. Mga Saturday ng hapon, paguusapan kung anu ang dadalhin at mga gastos. Hayz nakakapagod pero worth the effort and time naman, ngayon lang ako makakabawi sa kanila. Bonding time with my peers at Home, walang kapalit talaga. I really have to admit masaya ang buhay ko ngayon. Si Angelo ang nagsilbing catalyst sa pagbabago na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Long Bakasyon
Post a Comment