Saturday. Wala gaano nangyari. The usual day. Text lang kung sino pupunta sa CosplayMania sa Sunday. Sayang hindi makakasama si Rene, at hindi siguro si Angelo. Baka si Factor at Adar lang makakasama ko. Hinanda ko na ang digicam at baka makalimutan ko pa. Maagang nakatulog sa pagod siguro at pambawi sa mga araw na puyat lagi.
Sunday. Tanghali na ako nakaalis sa amin at uber init - kaasar. Mga 11am na ako nakarating sa Megamall. Si Factor una kong nakita. Marami nang tao pero hindi kagaya sa mga nagdaang cosplays na mahaba ang pila. Maliit ang MegaTradeHall3 - dapat lumipat na lang sila sa ibang hall dahil siksikan talaga. Usual pumila for freebies sa gaming booth of E-Games, LevelUpGames and Lineage II. Sayang wala ang shirt na hinahanap ko - kaya cap na black ang binili ko. Siksikan sa loob - picture time with the cosplayers.
Sayang nga lang at hindi ko inaasahan na maagang na-lowbat at 2 pairs lang ng battery ang dala ko that time. Dumating si Adar bandang 2pm na. Pinagpatuloy picture time - kakatuwa sina Zack, Vincent at Tifa dahil halos clone nila ang nag cosplay. Daming kawaii girls - as usual umandar na naman ang pagka-menyak mode kaya halos lahat ng shot eh iyon ang laman. Mga 7pm na kami nakauwi at hindi na tinapos ang event. Nakita ko ibang taga-Mukamo member and naka AHC shirt pa sila. Hindi naman nila nakita si Alodia, hanggang salita lang naman talaga sila. 9pm na nakauwi. Binigay ang ticket na pina-book dahil darating ang pinsan from Mother side - same name pa kami. Nov.6 ang dating niya at bukas ipapadala sa kanila ang ticket.
Monday. Walang pasok. US Holiday. Cabal mode pero 9hours lang siguro. Yay! Lv.65 na ako at pwede na sa Fort Ruina. Pwede na ako sa Epaulets+5 kaso hahanap pa ako ng EOG ayoko ng EOS kasi. A.Master na ang magic skill rank, 3 skills na lang at lilipat na ako sa sword skills naman. Bagong mundo ang Ruina kaya excited ako. Ngayon lang ulit nakakita ng orange at red na kalaban (puro yellow at gray na kasi sa old world). Hindi ko pa masyado iniisip ang equipts right now. Focus ako sa skills muna then equiptments siguro.
Tuesday. May pasok na. Back to real world na naman. Sana nga maging totoo na lang fantasy. Nahihirapan na ako masyado sa pakikipag-ugnayan sa mga tao dito. Hindi mo alam kung sino ang totoo o hindi. Basta sa sarili ko, hindi ko na lang sila iintindihan - masaya ako dahil andyan ang online gaming as a diversion ko. Pero kahapon - nag-emo mode na naman ako, nakita ko kasi ulit ang Friendster ng 1st ex ko. Tanga ko hindi ko siya pinaglaban. Naunahan ako ng takot at sindak (mabuti pang 'wag na lang sabihin kung sino ang may gawa - so much for bad memories). Nababasa ko mga testi sa kanya, thanking na buti na lang nakilala siya, mabait, caring atbp qualities na rarely mo nang makikita sa iba ngayon. Wala na kaming contact and recently lang niya ako na-add sa friends list niya.
Alam ko may syota siya ngayon and malamang hindi na niya ako kilala dahil sandali lang naman talaga kami. Pero kung pwede lang ibalik ang panahon - gagawin ko ang lahat para sa aming relation. Pagod na kasi ako kakahanap at kakahintay. Nakakamatay ang mga eksena ng 2 magsing-irog na nagpapakita ng pagmamahalan. Nanliliit ako - nahihiya, iniisip ang sarili bakit hanggang ngayon - single ka pa rin?, bakit pihikan ka masyado. Ano ba ang hinahanap mo?, ano ba ang problema?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Cos.Emo.Wik.End
Post a Comment