Kahapon karir mode na naman sa function namin. Grabe. After 6-7 hours of work, sobrang pagod naramdaman ko. Hindi ko talaga kaya lumagpas pa at 140% unless adjusted sa oras. Ang hirap talaga kumita ng pera.
Biglang nag-emo mode ulit, kahit biruan lang with Peng (officemate). Kasasabi lang niya na "pinapakawalan na kita..", bigla akong napag-isip na naman (ako kasi pag medyo nakaka-relate - iniisip ko ang sarili ko sa ganung situation at ano magiging reactions ko) - paano kaya pag sinabi sa akin yan ng taong sobra kong mahal. Kakalas kaya ako o patuloy na kakapit at umaasa na masasalba pa ang relation namin, with matching senti na background music and pa-iyak effect pa naming dalawa. Grr. To be honest, nanahimik ako ng ilang minuto after that. Biglang nalungkot na naman. Ayoko umabot sa ganon na kailangan pa niyang sabihin mga bagay na iyon. Hindi ko papayagan na umabot sa ganon. Pero asa pa ako. Wala naman talaga atang gagawa nun sa akin, gustuhin ko man o hindi.
Pagu-uwi sa haus, as usual - sasabihin na naman na si Auntie eh nanghihiram ng pera para sa finals ng pinsan ko. Ayoko lang kasi yung ginagawa ni mama na ginagawaan pa ng story para lang mabayaran ang mga utang, ayoko rin na nagsasabi siya ng "oo" agad without consulting me first - eh sa akin naman manggagaling ang pera kaya dapat antayin niya muna ako bago mag desisyon nang pabigla-bigla. Lagi na lang late ako nakakatulog, nasanay na siguro ang katawan sa ganung oras, sa totoo lang ang hirap gumising ng 4.30am palagi. Naiinggit ako sa ibang malalapit lang sa Makati na kahit 7-8am pa sila magising eh Ok lang. Kakapagod ang route ko. Kaya naman pag weekends eh sinusulit ko talaga at wala ako sa bahay lagi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Emo.Tue.ns
Post a Comment