Kagabi sabay kami ni Garry na umuwi. Gusto ko sana makarating sa amin before 9am dahil sobrang pagod sa work kaya gusto ko na makatulog nang maaga. Umaambon nang kaunti pero mula Ayala kita mo na ang haba ng mga taong nag-aantay para makasakay nang bus. Instead kasi na pumila kami sa MRT-Ayala, nag bus na kami to MRT-Buendia para iwasan ang sobrang "box-office" na pila, ewan ko ba bakit hindi nila ginagawaan ng paraan ito may ilang space naman sa left side para dagdagan ang lane pero hindi nila ginagawa, mga inutil.
Mga past 7am ako nakarating sa MRT-Quezon Ave; 45 mins earlier than usual. Akala ko pa naman makakauwi ako nang maaga. Dahil sa pesteng ambon at kaunting pag-ulan na yan, "heavy traffic" na naman as usual, 3rd time ko na itong naranasan since working at Makati CBD. Buti na lang kamo at maaga pa kaya hindi pa ganun kadami ang tao na nagaabang ng masasakyan. After a couple of minutes - finally, nakasakay na rin ako. Ang bango nang nakatabi ko pero hindi ko siya tinitingnan, kahit papano nawala ang pagod ko. Pag-uwi sa haus - as usual again nasa baba pa rin sila at nanonood - gusto ko sana kahit kaunti makapanood ng anime pero andyan sila sa baba. Sinabi kong umakyat na sila pero ayaw pa rin - hindi na ako umimik at maagang nakatulog na lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Less Rain More Harm
Post a Comment