Dear K,
Alam ko, religiously mong binabasa ang blog ko. Alam ko rin ang problema mo ngayon kay N. Binibigyan naman kita ng advice thru comment sa blog mo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw mo pa rin siyang bitawan. Ano bang meron siya na alam mo nang taken for granted ka na nga - sige Ok lang sa iyo at iniisip mo na magbabago siya. Actually hindi ko talaga alam or I have no idea kung anung nangyayari sa inyo dahil ayaw niyo namang magsalita, maski sa text umiiwas kayo. Wala rin akong karapatan makialam sa inyo. Pero naaawa ako sa iyo dahil ikaw ang nahihirapan. Ikaw ang nagsa-sacrifice para tumagal pa kayo. Kailan ka pa mauuntog sa katotohanan. Hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo? Bahala ka na, buhay mo naman iyan. Ayaw mo namang mag-usap tayo nang personal. Sana nga gumising ka.. na ayos na ang lahat at finally ang mga inaasam mo sa buhay. Pasensya na.. at umabot pa sa ganito na kailangan ko pang gumawa ng entry tungkol dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Mauntog na sana
Post a Comment