The usual Saturday pa rin, pag umaga pumunta sa fave computer shop (10/hr lang kasi), nagbabad sa Net as always, update sa blog, forums, fs etc. then laro nang Cabal ulit. Nararanasan ko na ang Lv.100 syndrome kung saan pag na-reach mo na ang target level mo at walang bagong quest - mararamdaman mo na ang katamaran kasi wala ka nang goal na kelangang makuha minor detail na lang ang pagpapataas ng stats at pagbili ng powered equipts. Medyo semi-retire na muna ako sa online gaming. Ewan ko boto pa rin ang World of Warcraft dahil alam ng developer na pag wala na or nde na nasasatisfy ng game elements ang player eh mag-reretire na ito, kaya naman there are tons of quest every map, character, race sa game kaya walang reason para hindi maglaro ang player unless surrender na ang katawan niya. haha!
Kinabukasan kagaya ng Saturday, grr.. hindi na naman natuloy ang plano kong mag-jogging kasi tanghali na ako nagigising kaya hindi na pwede dahil mainit na ang sikat ng araw. Kakainis kung bakit kasi medyo late na ako matulog. Pero buti na lang bumawi ang body clock ko dahil almost 10hrs akong tulog that day at 10am na ako nagising. Last night kasi medyo naging emotional po ako dahil sa usapan namin ni **. Hindi ko kinaya kaya lumabas ako sandali para magpahangin. Yeah it's about our relationship kung ano na ba talaga. Tama naman siya na wag ko dapat siya papiliin dahil everything will takes it's place naman and kung kami talaga eh di kami, kung hindi eh di hindi - simple as that. Sa ngayon I'm happy na friends na kami ulit and nag-promise ako na hindi ko na uulitin iyon (2x ko na ginagawa kasi) yung hindi ko ma-kontrol ang emo-outburst ko kaya kung anu-ano ang ginagawa ko. Hindi ko rin nga maintindihan ang sarili ko bakit nagagawa ko iyon ngayon. Siguro mahal ko lang siya talaga kaya ganito na lang ang pagnanasa kong matuloy (and hopefully) ang aming relation. Kasi pag hindi na naman ito nag-work ayoko mangako pero wag naman sana drastic measure ang gagawin ko.
Anyway wag na natin pag-usapan yan - unusual na hindi ako umalis sa bahay buong araw. Nanood lang ako ng movies sa DVD. Pinanood ulit ang Resident Evil series, 28 days/months later, Saw series, Hostel series at kung anu-ano pang movie na madugo at kumakalat ang mga laman-laman. Nakakatakot nga lang regarding about sa viral infection thing although theoretical lang ito pero kung paano kung naging "airborne" ang deadly virus - sa loob lang siguro ng 1 araw almost 90% ng world population eh maapektuhan at posibleng mawala sa mundo. Magiging wasteland na lang ang Earth at ang mga natitirang tao eh underground or sa isolated area na hindi naabot ng virus. sana hindi mangyari ang ganitong disaster. And again back to reality na naman pagdating ng Monday. Medyo maaga ako pumasok para hindi mainit. I already miss **. Sana nga lang hindi manyari sa akin ang ganito na alam mo na taken for granted na parang rebound/reliever lang and second choice ng would be special someone mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kaya pala ang negative mo eh, puros horror pinapanuod mo... try mo cartoons, para maiba naman!!!
Kung Hei Fat Choi!!!
Peace!!!
gillboard
January 26, 2009 at 11:15 AMahaha. mabibilang mo lang talaga ang mga positive na post ko dito sa blog ko. wala lang. haha. auko ng karton. horror talaga.
Jinjiruks
January 26, 2009 at 12:52 PMNakakasawa rin kapag sobrang daming quest. Pinag-aralan namin yan sa Games Design class: kailangan balanced ang side quests, item hunting, and ang storyline kung meron.
Naku, ingat ka. You show signs of a pathological condition - passive dependency. Ngiti ka na lang palagi at humingi ng tulong kay Lord. Promise.
Anonymous
January 26, 2009 at 5:28 PM@zwei
passive dependency? hmm anu iyon? ma research nga. kaw kaya sa timezone nagiging dependent ka na.
Jinjiruks
January 26, 2009 at 11:15 PM