Kakaiba ang week na ito. Ngayon lang ako napagod at na-exhaust nang sobra. Pakiramdam ko parang inubos lahat ng enerhiya sa aking katawan at pag-iisip. Ikaw ba naman na bugbugin ng mga problema at ibang mga issues na hindi mo ma-kontrol. Kahit anung tibay mo ba, babagsak ka rin at madadapa.
Hindi ko na alam how to cope sa mga issue sa office, bahay at lalo na sa lovelife. Nakakainis dahil pakiramdam ko mag-isa lang ako sa laban na ito. Na walang pakialam ang iba kung ano man ang mangyari sa akin. I feel so alone right now. Parang any moment i'll gonna give up at magpadala na lang sa agos sa ilog.
Kung wala lang ang ibang mga kaibigan na andyan para sa akin, hindi ko alam kung makakaya ko pa ang mga ito. I'm trying to divert my attention sa ibang activities pero at the end of the day. Hindi mo naman matatakasan ang mga problema na ito. Mali lang siguro ako sa strategy na ginagamit to cope with my problems. Ang dami-dami na kasi, na hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Patuloy lang akong nasasaktan sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Yung mga taong inaasahan mo na tutulong sa iyo at magbibigay ng ginhawa at kapanatagan, sila pa ang wala ngayon sa aking piling.
Tuwing pag-uwi sa office. Nahihilo ako kakaisip sa mga problema. Wala man lang nagpapagaan ng aking kalooban. Sa bahay silbi ko lang eh parang boarder na wala man lang kahit mainit na pagkain nakahain sa iyo. Kung hindi tira-tira eh sobrang lamig na ng kanin. Magaling lang sila pag araw ng sahod. Sa office naman iyon lang ang silbi mo, tagabigay ng accounts sa ibang kasama, kausap lang sa mga issues sa job. Walang matinong kaibigan dahil lahat may kanya-kanyang motibo kung bakit nagtratrabaho. Si Rain lang ang medyo ka-close ko sa office dahil siya lang nakakasabay ko pag-uwi. Sa kanya ko lang nasasabimga frustrations ko. Sa lovelife.. wag mo na tanungin. napepestehan ako sa sarili ko kung bakit patuloy akong kumakapit at nagmamahal sa taong iba naman ang mahal. Kahit anung move-on ko siya pa rin ang naiisip ko. Pilit kong inaalis ang attensyon sa kanya pero pota siya panay paramdam.
Patayin nyo na lang kaya ako para kahit isang saglit maramdaman ko naman ang ganap na kapayapaan at katahimikan. Pagod na ako kakaisip sa inyo tangina nyo. Puro kayo kayo na lang. Paano na ako. Bigyan nyo naman ako ng karapatan sumaya kahit panandalian lang. Kahit plastik ipakita nyong mahal niyo ako. Appreciate niyo ginagawa ko. Recognize nyo mga effort ko. Para maramdaman kong tao pa pala ako. Hindi makina na kung kailangan niyo lang gagamitin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Dear Jin,
Life is indeed unfair at some point but why allow it to swallow your whole being. Instead of stressing your self too much, show life that he cant beat you off because you may not have everything but you have some things that are enough to knock him down.
I honestly don’t know how I can make you feel a little better and I do understand your agonies but I’ll try…since I kept bugging you on going out and you keep saying NO, I’ve talked to ken (the band member) and found out that like you he also loves nature tripping…and I was thinking that instead of planning the reunion AGAIN why not plan to go out of town week end lang…if teacher lani cant make it the 3 of us will be fine…I know naman you’ll behave kundi lagot kayong dalawa kay mama kilala naman nya mama nyong pareho (“,)
Umm,,,tagaytay, bataan, pangasinan (if we choose this place may friend ako na taga dito) pero meron or wala we’re old enough to take care of ourselves and besides dyan naman si EDI (eh di mag tanong..nyak corny).
Nevertheless, I just want to inform you that you’re SJES friends are just around….without any second thought..just give us a txt (I bet kasi di ka tatawag txt lang talaga hahaha).
Cheer up mister ever serious cute silent brilliant boy (“,)
Sincerely yours,
Donna Makulit
P.S..kaw din if you keep on stressing yourself baka kapag natuloy ang REUNION natin eh isipin ng iba teacher ka namin hindi na classmate…joke lang po mwuah
Princess Donna
January 25, 2009 at 1:31 AMthanks for the advice donna. nakakahiya naman sa iyo at ikaw pa nagiisip ng solution. kaya ko na ito. outlet ko lang itong blog pag stressed out ako masyado. everything will be fine soon. i guess si teacher lani sa march pa ata pwede. mas maganda kung madami tayo para may kasama ka naman. ok rin naman si angelo kakausapin ko na lang. ang again thanks for the advice and inspiration para mag-isip ng positive always.
Jinjiruks
January 26, 2009 at 8:06 AM