sigh

Why is it so hard for me to gain friends malapit sa aming area. Dahil ba sa nagka-trauma na ako nung bata pa ako sa mga panlalait at tukso nila sa akin. Kaya natatakot akong makipag-kaibigan sa kanila. Nakakalungkot lang kasi na everytime when your feeling down - wala kang makakapitan. Yeah i got online friends pero kapag naka-logoff na sa Net, balik na naman sa reality na nag-iisa ka na naman. Gusto ko man lang sana may makakausap kahit short walk lang - masasabihan ng mga problema mo, ng relation mo to other people. Bakit lagi ko na lang pinapahirapan ang sarili ko. Siguro hindi ko pa natutunan na mahalin sarili ko kaya ako nagkakaganito.

8 Reaction(s) :: sigh

  1. That's what blogs are for. :)

    Ugali ko na hindi manggulo sa iba tungkol sa sarili kong mga kwentong buhay, kaya tadtad ng post yung twitter ko pag nag-iisa.

    You will get used to it. :)

  2. ahehe. salamat nga pala joms sa pagbisita lagi. sa PEX naman lagi akong wrong timing. papasok ako pero wala namang tao. huhu!

  3. Jin siguro minsan kelangan mong subukang maging di seryoso.. kasi minsan mahirap lapitan ang mga taong seryoso..

    di ka naman seryoso diba? kung kelangan mo ng kaibigan, pasyal ka lang sa station namin, kulang pa kasi kami ng mga friends eh, Lam mo na, bago pa lang din kami..

  4. nakakahiya naman pag lalapit ako dyan.

  5. Feeling ko lang, masyado kang pessimistic sa pananaw mo sa buhay. Baka that's the reason nahihirapan ka makahanap ng makakasundo.

    Lam mo kasi, mahirap lumapit sa mga pessimistic, kasi nakakahawa yun.

  6. kaya nga kailangan kong lumapit sa mga positibong tao.

  7. bakit ka naman mahihiya? eh ako nga kung san sang station ako nakakarating eh..
    Minsan sama ka saming tumambai, dyan lang naman kami sa tabi tabi.

  8. ahehe. kasi kaunti lang talaga ang ka-close ko at ilang akong makipag kaibigan sa iba.