Backtrack

Sensya tinatamad lang ako mag-post, walang idea na pumapasok sa akin although maraming nangyari nitong nakaraang araw..

14 - Date with myself. Hehe! Nakipag-meet lang kay Kuya John ang aking consultant sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa positive reinforcements, mga dating, grooming and health tips. Binigyan niya rin ako ng advice about the right haircut, mga tamang damit na susuot etc. Medyo awkward nga sa simula kasi hindi naman ako sanay sa ganung approach na sasabihin sa iyo mga tips na iyon in public. Natutuwa ako sa kanya kasi hinahatak niya ako to be positive hindi iyong buong buhay mo lang na walang mangyayari sa iyo, pero syempre lahat naman ng pagbabago may risk na kasama iyon nga lang dapat calculated siya. Medyo hapon na umuwi si Kuya para puntahan ang partner niya na nag-aantay sa kanya. Nagpakalbo na rin nga pala ako that day pag-uwi and all I can say is happy ako sa gupit ko ngayon.

15 - Pahinga as in DVD movie marathon lang. The usual kung-fu ones na naman.

16 - Kahit maulan sa Metro Manila natuloy pa rin ang trip to Tagaytay City, medyo late dumating ang sasakyan dahil Lunes at traffic. US bank holiday kaya walang pasok. Saka ko na post ang mga pics kasi hindi ko pa na-upload mula sa Digicam. All I can say is puro "Whoa" lalo na sa Calerwega sa Nasugbu, Batangas. Sayang at medyo bitin dahil sa holiday kami umalis at hindi during weekends.


***
Pahabol..

Welcome back Kuya Dark Knight!!

6 Reaction(s) :: Backtrack

  1. "umuunlad" na ang jinjiruks. ayos!

  2. hindi na ba "primitive" gaya ng dati. hehe!

  3. bagay na sau jinjiruks ung bago mong hairdo hehehe... and sana lang i up load na ung mga pix sa tagaytay :)

  4. bukas na lang siguro. after ng club manila east. hehe.

  5. may calerwega?

    hinid ba calaruega yan?

  6. ewan ko cj. pati ako nalilito na anu ba spelling kasi ung iba ganun ang sabi. basta iyon na iyon. mahalaga ung lugar tama. hehe. maganda magpakasal dun kasi so serene and tranquil ang lugar.