Mukhang magiging weekly basis na ang pag-uupdate ko ng blog na ito. Hindi lang ko sanay na shift na ito plus yung mga challenge pa na hindi ko alam kung kaya ko ba. Sobrang demand sa time ang kinakain ng function na ito na ewan ko kung may space ka pa na para magpahinga. Siguro sa simula lang siguro ito dahil familiarize phase pa rin kami sa new function. Iyon nga lang major adjustments ang kelangan kong gawin sa work na ito.
Minsan or most of the time pala. Sobrang antok na ako paguwi na this week lang eh ginising pa ako ni manong driver sa jeep na either may uupo sa tabi ko kaya umusod ako or dapat na akong bumaba. Nakakahiya rin sa katabi ko dahil sobrang antok napapabaling ako sa balikat nila. Maski sa work kagabi lang, hindi ko na talaga mapigilan kaya medyo naiidlip na ako sa ginagawa ko, buti na lang naka hooded jacket ako kaya hindi pansin. Wala rin kasi makausap nang matino dahil busy ang lahat. Tuwing lunchtime (sa hatinggabi) na lang kami nakakapag-lakad para gumalaw naman ang mga dugo sa katawan.
Kagaya ng sinabi ko kanina compared sa previous function ko, triple ang demand nito sa work, kasama na ang dami ng systems na kelangang puntahan, mga request na kelangang process, dunno kung realistic pa ang goals na sine-set nila na next week pa aayusin ang metrics kung ilan talaga ang right goals sa aming function. Supposedly go live na kami next week pero na push ng another week dahil sa marami pang kulang at dapat gawin.
Hindi ako makapag-net bukod pa sa walang time talaga sa work eh sa likod at harap mo eh andun ang sups and managers mo kaya kahit Google man lang hindi ko magawa. Kaya naman hindi katulad dati na anytime pwede ako mag-update ngayon sa amin na lang ako nakakapag-update. Siguro gagawa na lang muna ako sa notepad ng temporary journal then paste na lang pag nakahanap ng tyempo.
Nakaka-miss agad ang mga kasama ko sa dating function lalo na't hindi ko talaga sila naabutan kahit anung pilit ko pa na agahan ang pagpasok. Sobrang traffic kasi pagpasok or yung mga ampotek na jeepney driver na yan na halos lahat na lang ng kanto eh tinigilan para lang makapagsakay ng pasahero kahit wala namang sumasakay. Lima lang kasi kami sa function namin at sa email na lang kami nagkakausap and work related pa siya halos. Nakikibalita na lang ako sa mga dati kong kasama thru email na rin. Buti na lang at bibigyan na kami ng access for instant messaging and real time na ang usapan namin.
Kagabi nagkaroon ng meeting sa function and napagusapan lang ang ga-bundok na backlog na naiwan dahil na rin sa walang nag-aasikaso sa US. Ang worse pa nga eh binigyan lang kami ng ilang months para matapos ang backlog bago pumasok ang regular accounts sa system. Ayoko tingnan na mahirap dahil wala naman kaming magagawa doon, siguro iisip na lang ng strategy para maagang matapos ang backlog like manner of distributing the task sa aming lima.
Regarding sa social life. Wa. Huhu. Mukhang magiging stagnant ang social life ko dito sa pang-gabi. Kasi sakit ng ulo ang aabutin ko kapag hindi pa ako nakatulog nang umaga. Pag gabi naman walang mapuntahan kundi ang usual na strolling lang sa Ayala Ave. Pag weekends naman kagaya ngayon, hindi ko alam kung anu ang gagawin dahil alanganin ang Saturday at mukhang whole Sunday lang ang totoong rest day. Planning to have a road trip with Arnold pero wala pang reply. Balak ko rin pumunta kina Pumpkin pero malabo rin. Honga pala masingit ko lang Congratz nga pala kay Raniel for a bouncing baby girl kanina lang "Certified Tatay" ka na.
Regarding about sa issue sa Opera-Mini browser sa aking cellphone, last Wed kahit medyo headbanging na eh niyaya ko si Angelo na pumunta kina Cyril para makapag-Net nang libre download ng Ericsson PC-Suite then titingnan kung maayos ba ang "KERN-Exec Reason 3" Application Error kaya hindi ako makapag-net. Malas nga lang dahil hindi kami naka-connect dahil sira ang USB na dala ko at bibili pa ng bago. Nakakahiya nga dahil andun pala ang GF niya at istorbo pa kami. Nakinood na rin kami ng Resident Evil: Degeneration (kahit astig ang CG niya hindi ako nagandahan sa story dahil halos walang bago). Umuwi na akong bigo that time. Nag reformat na nga ako ng phone at memory stick pero hindi pa rin siya naayos. Pero kanina lang nagulat na lang nang bigla akong nakakapag-Net na sa aking cellphone. Kusa kayang inayos niya ang sarili niya o may files at configs lang ang namali kaya hindi siya gumagana.
Lablayp. Eto walang pagbabago. Dba sabi ko nga binigay ko na ang lahat sa isang tao kapag wala pa ring effort tanga na siguro ako kung patuloy pa akong umaasa. Hayz ewan ko. Hindi ko na nga masyado iniisip ang part ng buhay na yan. Ewan ko kung darating ba siya o hindi kasi sawa na talaga ako sa paghahanap. Exhausted na ako mental/emo/physically sa bagay na yan. Kung may gusto ka sa akin ikaw na ang gumawa ng effort dahil wag ka nang umasa na gagawin ko yan sa iyo. Ayoko na rin kasi. Gusto ko kasi yung tipong give-and-take thing pero sa kaso ko puro ako na lang ang give at wala man lang kahit in a form of Thank You! wala rin. Iparamdam mo naman sa akin kung may napapala ba ako sa effort na ginagawa ko. Wag mo akong paasahin, kapag hindi mo ako gusto o kayang mahalin, sabihin mo na nang maaga para hindi na tayo magkasakitan pa pareho.
Sa ngayon hanggang dito na lang muna. Marami akong iniisip na isulat pa pero tama na muna iyan ngayon at masakit na ang ulo ko. Pag napapalakas ang singhot ko biglang sumasakit ang ulo ko na parang pinipitpit siya. Sana nga brain cancer na lang para mamatay na agad ako bigla. Joke! Gusto ko minsan magkasakit para maramdaman ko naman na may nagmamahal at nag-aalaga pa pala sa akin. Gusto ko na rin mamatay minsan at gusto kong tingnan kung sino ang pupunta sa lamay at libing ko. Hindi ko alam bakit naiisip ko ito. Pero gusto ko lang talaga malaman kung meron ba talaga tao na iniisip at nagmamahal sa akin. Huhu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Adyasment
Post a Comment