Eto kaya nakikita niyong nakakapag-update ako sa blog ko. Kasi taong-gabi na ako mula ngayon hanggang kung kailan ako abutin ng kapalaran ko. Parang buhay kol-boy agents na rin. Walang social life (meron nga ba?!), pero Ok lang. New challenge, new people, new areas for growth and development. Ayoko namang maging stagnant na lang sa isang function na kahit siguro ilang buwan o taon ako dun eh walang nangyayari sa akin. Sana, hopefully sa bagong function na ito mailabas ko ang aking potential and i don't want top be hypocrite na gusto ko ring ma-recognize sa mga effort na ginawa ko (na hindi nangyari sa akin sa previous function ko). Nanghihinayang lang ako kasi wala man lang akong natanggap sa mga panahon na iyon kahit ok naman ang performance ko, it's just marami lang mas magaling na mahirap makipag-compete. Tama na yang sentimyento at looking forward and excited na ako mamayang gabi at sana nga lang hindi ako antukin. Hehe!
Nakakainis kasi kung kailan weekends, saka naman nawalan ng connection ang shop na pinaglalaruan ko. Kung kailan handa na akong bumalik sa online gaming, saka naman nagkaroon ng sira ang connection nila. Lalong bumilis daw ang Broadband mula nung nawala ang DSL connection (ano kaya relasyon?!). Kailangan ko na talaga bumili ng Desktop PC or Laptop para hindi na ako nagpupunta sa mga ganitong shop. Pero marami pang gastos kaya hindi muna ito priority.
Sa ngayon kasi priority ko eh ang daily na gastos sa bahay. Kailan pa kaya ako matutulungan ng mga kapatid ko sa mga gastos, parang ang hirap-hirap na dun lagi napupunta bulk ng sinasahod ko. Then yung balak na mag mortgage ulit ng isa pang bahay malapit sa amin, pero hindi kaya saluhin lahat kaya hati kami ni Papa sa pagbabayad kapag nakapag-reserve na kami. Iniisip ko na rin na dapat mag-allot rin ako sa savings para just in case may emergency may madudukot akong pera. Pero bago mga iyon, i make sure na binibigyan ko muna ng reward ang sarili ko dahil pera ko naman iyon, kaya bumibili muna ako ng mga bagay na kailangan ko bago hatiin sa mga pinagkakagastusan. Last Friday dumiretso ako sa SM Fairview (sale kasi!), at bumili ako ng pants at polo para maiba naman. Haha!
Kahapon walang magawa kaya as usual watch lang ng mga lumang DVD title again. Nakaka-boring yung movie ni Jim Carrey yung "the Number 23", pero kahit papano marami naman akong natutunan sa movie na iyon kahit hindi ko tinapos - kagaya ng Birthday Paradox at iba pang events na nag-sum up to 23, pero nagkataon naman lahat iyon. Ayun muntik na akon g antukin, hindi ko lang siguro type mga ganung palabas. Hanggang sa pinanood ko ulit yung 28 Weeks Later, ung last half lang niya. Maganda pa rin ang palabas na ito kahit ulit-ulitin ko. Can't wait for the next sequel na 28 Months Later, ewan ko pero merong scene dun na hindi ko maintindihan bakit nakaka-relate ako or malaki ang impact sa akin. Yung paglabas nila sa gate ng area na naglalakad lang. Parang isang RPG scene kung saan iniwanan ang area of chaos at tatahakin ang unknown.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow congrats at goodluck na rin jan sa bagong landas na iyong tinatahak!
wanderingcommuter
March 2, 2009 at 7:57 PMewik na-miss po kita. wag ka na magpapaalam ah. andito naman kami palagi. nagpapa-miss ka lang talaga.
Jinjiruks
March 4, 2009 at 8:24 PM